Huminga ako ng malalim bago tuluyang bumukas ang pinto ng simbahan. Lahat sila ay nakangiti habang nakatingin sa akin na suot suot ang wedding gown ko. Syempre ako din masaya, masaya ako kasi ngayon araw gaganapin ang kasal ko.
Unti unti akong naglakad kasabay ang tugtog ng musika na ang bestfriend ko mismo ang kumakanta. Lee Heeseung. Siya yung taong walan sawa at alaging sumusuporta sa mga desisyon ko sa buhay--kahit pa madalas puro nalang iyon kagagahan. Pero syempre, kahit naman nagpipigil lang siya na sapukin ako, alam ko na mahal niya pa rin ako--bilang kaibigan.
Tumingin ako sa direksyon kung nasaan siya at ngumiti. I just mouthed him thank you bago itinuon muli ang atensyon sa aisle--kung saan naghihintay ang taong mahal ko.
He's standing there wearing his beautiful smile while slowly wiping his tears off. of course, masaya siya, sa kabila ba naman ng pinagdaanan naming dalawa at magtapos sa ganito sino bang hindi matutuwa? He's wearin a white tuxedo at sa kauna unahang pagkakataon nakita ko na nakataas n kaunti ang buhok niya at ayos na ayos--hindi ako sanay na puro polo or pang opisina ang suot niya pero ang gwapo niya talaga ngayon sa totoo lang--well, gwapo naman na talaga siya noon, trumiple nga lang ngayon.
Kung nagtataka kayo kung bakit kami nandito ngayon, well...
*FLASHBACK*
"Time of death, 11:50 am"
Tuluyan na akong napaupo sa sahig habang nakatingin kay jay. Kahit na nanghihina ay sinubukan ko pa rin na lapitan siya para yakapin habang inaayos ng mga doctor ang gamit nila, hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon... Oo, sinabi ko noong una na kaya kong palakihin ng mag-isa si baby Sean pero bakit naman ang aga kinuha si Jay? Ni hindi man lag siya makakalakhan ng anak naming dalawa.
"Ang daya mo! Akala ko ba gusto mo ng pitong anak ha?! Bakit mo kaagad kami iniwan?! bwisit ka! ang daya daya mo talagga kahit kailan!"
Marahan kong hinampas ang dibdib niya habang nakayakap sakanya. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako umiyak ng ganito, ngayon lang din ako nasaktan ng sobra sobra. Bakit ba lahat nalang ng first ko kay Jay napupunta?! Ang swerteswerte ng mokong na 'to!
"Ibibigay ko naman yung gusto mo eh, kung gusto mo doble pa o triple ng pito basta gumising ka na dyan Jay. Huwag mo naman hayaan na lumaki ang anak mo ng hindi ka nakikilala ng personal. Ang daya mo talaga!"
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang gumalaw ang daliri ni Jay. Napatingin ako sa kanya na unti unting iminulat ang ga mata habang nakangiti at nakatingin sa akin.
"S-sabi mo yan ah, wala ng bawian"
Nagingay naman sila Sunghoon at ang iba pa naming kasama dito sa mergency room.
"Yes the power of seven dwarfs!"
"Ay iba talaga kapag naghahangad ng pitong anak"
"Narinig lang na dodoblehin o ttriplehin bigla kaagad nagising"
Sinamaan ko silang lahat ng tingin habang ang mga nurse naman ay inilayo na ako kay Jay ara ichek ang kalagayan niya. Para naman akong nabunuan ng tinik sa lalamunan at gumaan na rin ang pakiramdam ko kahit na alam kong ooperahan pa siya. Basta sa ngayon, magiging masaya nalang ako para sa pamilya namin, because he chose to stay and to fight for me and for our baby.
YOU ARE READING
Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]
Hayran KurguDaddy Series #01. PJS ── ❝ You changed everything about me, Sam. ❞ completed @takonikii2021