Chapter Thirty-Seven

1.6K 110 165
                                    

Nakatunganga ako ngayon dito sa balcony ng kwarto namin ni Jay dahil hating gabi na ay wala pa rin siya. Napatulog ko na si baby Sean at lahat lahat wala pa rin siya. Hind naman siya nag-text o tumawag man lang sa akin para sabihin sa akin na mago-over time siya.

Teka nga, bakit ba ako nagaalala?! Malamang nambababae nanaman yun. Utot niya asul, hindi ako naniniwala na magbabago siya.

Pero di'ba sabi mo lahat ng tao kayang magbago? Nung isang araw lang tuwang tuwa ka pa dahil mukhang nagbabago na nga talaga si jay. Utak mo rin minsan baliko samantha eh.

Napasabunot nalang ako sa buhok at napairap dahil sa kunsensya ko. Anak ng tipaklong naman na yan, bakit kasi paiba iba naiisip ko pagdating kay jay? Hindi naman ako dapat magalit o mainis sa tuwing naiisip ko na may posibilidad na nambababae si jay pero kasi wala naman akong karapatan?

"I'm home" rinig kong sambit ni Jay bago lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likod.

"Umuwi ka pa. Daoat nagstay ka nalang kung saang lupalop ka nagpunta kanina" sambit ko bago tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin at dumiretso sa kama naming dalawa.

Patulugin ko siya sa lapag eh.

"Are you mad? What did I do?" tinaasan ko siya ng kilay bago namewang sa harapan niya. Grabe, ang feeling inosente akala mo walang cellphone at wrist watch na suot eh noh? May sa tanga din minsan ang isang 'to.

"Ah talaga hindi mo alam? Baka gusto mong sa garahe ka matulog?" nabalot naman ng pagtataka ang hitsura ni jay na parang wala talagang alam sa sinasabi ko. Langya, ang sarap ibalik sa elementary, huwag mong sabihing hindi siya marunong tumingin sa orasan aba talagang babatukan ko to.

"Anong oras na? Bakit umuwi ka pa?" iritadong tanong ko sakanya. Mukha namang nagets niya ang sinasabi ko kaya napatahimik siya. See? Ang slow, minsan ang sara nalang din niyang iuntog sa pader.

"Look Sam, nagovertime ako sa opisina dahil maraming tinambak na paper works sa akin si Sunghoon na kailangan kong pirmahan--"

"Wala kang cellphone? Hindi ka marunong magtype? Wala kang load? Ang yaman yaman mo wala kang load? Umiinit ang ulo ko sayo--" nilagay niya naman ang index finger niya sa tapat ng labi ko para mapatahimik ako.

Letse, nagsasalita pa ako eh! Ang epal talaga ng isang 'to. I have the rights to tell him my opinion even though he didn't ask for it. Bakit ba?, bida bida ako eh.

"Baby Sean is sleeping" pabulong na sambit niya. Naku, kung hindi lang talaga nagsstay dito si baby sean talaga bubungangaan ko ang isang 'to.

Sa totoo lang, simula noong makauwi kami ni baby sean mula sa ospital ay palaging pinapainit ni jay ang ulo ko, ewan ko ba baka dahil kakapanganak ko lang kaya ako ganito. Aba magtiis siya, kasalanan niya rin naman eh.

Kapag natapos na ang nursery room katabi ng room namin, talagang tatalakan ko ang isang 'to tuwing uuwi ng late, wala akong katulong sa pag-aalaga kay baby sean. Pero hindi naman sa sinisisi ko si baby sean kung bakit ako napapagod ah, actually, nageenjoy pa nga ako sa pagaalaga sakanya pero madalas mabilis na talaga akong mapagod lalo na at maya't maya umiiyak si baby.

"Oh ano? Bakit nga hindi ka makasagot?" pabulong na tanong ko sakanya. He sighed before holding my hands.

"Nalowbat ako kaya hindi ako nakapagtext okay? I forgot to bring my charger kaya hindi ako nakapagcharge and isa pa, I told sunghoon na gagabihin ako at pinakiusapan ko siya na sabihin iyon sa iyo, hindi niya ba sinabi?" mahinahon na tanong nito kaya napailing ako.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now