Chapter Eighteen

1.5K 126 356
                                    

After nung nangyari kanina, hindi na ako ulit bumaba pa. Sa tuwing may gusto akong kainin, sina Jungwon at Sunghoon nalang ang pakukuhanin ko dahil ayaw kong maulit pa ang nangyari kanina. Hindi ko na nga rin maintindihan ang sarili ko. Kanina, ayos pa naman ako, pero sa tuwing naaalala ko kung paano lang ako tiningnan ni Jay habang nakaupo sa sahig...nasasaktan ako.

Feeling ko kasi, wala talaga siyang pake. Sa anak namin. Tanggap ko naman na hind niya ako tanggap at galit na galit siya sa akin pero hindi niya ba kyang isantabi muna iyon para sa anak namin? Pati anak namin nadadamay dahil sa mga kagaguhan niya sa buhay eh.

"That asshole" rinig kong bulong ni Heeseung habang sinusuri ang sugat ko sa kamay. Pagdating ko kasi dito kanina, ang kamay ko na may benda ang napansin niya. Mabuti nalang at naagapan agad ni jake ang pagdurugo niyan kanina.

"Ayos ka lang ba talaga? Gusto mong dalhin na kita sa hospital para makasigurado tayo sa kundisyon ng baby mo?" nagaalalang tanong ni Sunghoon at kinuha na ang susi ng kotse niya pero umiling nalang ako. Alam ko namang naprotektahan ko ang anak ko kanina, at kung may mangyari mang masama sa baby ko, malalaman ko kaagad iyon dahil ako ang nakakaramdam sakanya.

"Hindi na. Ayos lang ako, ayos lang kami ni baby" nakangiting sabi ko sakanila pero mukhang hindi talaga sila kumbinsido. Nakataas lang ang kilay nila habang nakatingin saakin, lalo na si Sunoo. Ang galing galing magtaray! Ung nandito si Niki, malamang silang dalawa na ni Sunoo ang pinakamataray dito.

"Okay fine. Just tell me if may nararamdaman ka na kung ano okay? Ayokong mapahamak kayo ni baby" Heeseung said bago ako hinalikan sa noo. Ngumiti nalang ako sakanya bago humiga sa kama. Mabuti pa sila, may pakialam sa akin at sa anak ko. Samantalang ang ama niya? Wala man lang paki sa anak niya. Andun siya sa baba, nagpapakasaya kasama ng babae niya.

"Huwag mo nalang munang isipin si jay, Samantha. Mas lalo ka lang masstess, baka makasama pa sa baby mo yan" pagsita sa akin ni Sunoo nang mapansin nitong nakatulala nanaman ako.

"Hindi ako naiistress sa pagiisip kay Jay, ang saya nga eh. Ang saya na isipin siya kasi pinapatay ko na siya sa isipan ko. Huwag ka nalang magsalita, baka ikaw pa ang isunod ko" inirapan ko siya kaya napairap nalang din siya pabalik saakin. Maattitude.


Humiga sa tabi ko si Heeseung bago inilagay ang braso niya sa ilalim ng ulo ko para gawing unan ito. Sa totoo lang, mas kumportable pang higaan ang braso niya kesa sa unan. Ewan ko, baka dahil nasanay lang ako sa ganun.

"Sam! Nagluto kami ni Sunghoon oh! Gusto mo?" biglang sulpot ni Jungwon at Sunghoon dala ang tray na may limang mangkok.

"Ano yan?" masayang tanong ko bago umupo at sinilip ang niluto nila. Nilapag naman nila ang tray at binigyan kami ng tig iisang mangkok ng champorado. It's my favorite! Pero teka lang, bakit parang ayaw ko ng hitsura ng niluto nila?

Hindi ko alam kung bakit biglang umikot ang sikmura ko ng makita at maamoy ko yung nilutong champorado nila Sunghoon at Jungwon. Napatakbo ako s may banyo bago sumuka.

Takte, ang sakit sa ilong nun ah?!

Narinig ko ang pagkatok nilang apat sa pinto at mukhang natataranta pa. Rinig na rinig ko pa si Jungwon na nagsasabing 'bagong luto nman yun ah?'

Nagmumog na ako bago tuluyang lumabas sa cr. Para naman silang mga studyante na nakapila dahil talagang naka-find your height sila at nasa pinakadulo si Heeseung habang nakasandal sa pader at hinihintay akong lumabas ng banyo.

"Ayos ka na?"

"Walang masakit sayo?"

"Ano bang nangyari?"

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now