Chapter Thirty-Three

1.7K 122 291
                                    

"What do you want? Do you want this? Or this one? You don't like spicy food right?" tanong ni Jay habang pinagsasandok ako ng pagkain.

Hinayaan ko nalang siya na gawin kung ano man ang gusto niya at pilit na itinago ang ngiti na kanina ko pa gustong ipakita sa kanya. Simula kasi noong umamin siya sa akin kanina ay naging ganito na siya.

Sweet at caring.

Hindi ko nga lubos akalain na may ganito pala siyang side. Hindi ko talaga inexpect na ang isang katulad niya ay magagawang gumawa ng ganitong bagay lalo na sa akin.

"Sus, di pa nga sumasagot si noona sayo chuma-chansing ka na. Noona sumagot ka nga ng No para gumuho mundo nitong si Jay hyung" pangaasar ni Sunoo sakanya at akmang tutuktukan na ito ng kutsara sa ulo nang bigla ko siyang tingnan ng matalim kaya nabitin ang kamay niya na tutuktukan na sana si Sunoo.

Binitawan niya ang kutsara at pinisil ang magkabilang pisnge ni sunoo. "Ikaw naman, hindi mabiro! Ang cute cute mo kaya" sabi ni Jay at binitawan na ang pisnge ni Sunoo kaya napairap si Sunoo bago bumulong ng "under"

Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Jay at palihim na tiningnan ng masama si Sunoo. "Ang cute bangasan" bulong nito. Ramdam ko naman na nagsipaan silang dalawa sa ilalim ng lamesa kaya napatawa nalang ako ng palihim.

"Ang pikon talaga. Payag ka nun, Samantha? Pikon asawa mo? Baka mamaya nasa honeymoon palang kayo nagbabatuhan na kayo ng gamit niyan. Ako nalang pakasalan mo" pangaasar ni sunghoon kay Jay na ngayon ay handa ng tusukin ng tinidor ang mata ni Sunghoon na nakatingin sa akin ng malagkit.

"Kita mo 'tong tinidor na 'to ha, Sunghoon? Kapag hindi ka tumigil kaka-asar sa akin, itatarak ko to sa lalamunan mo" asik sakanya ni Jay habang nakaduro ang tinidor nito.

Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain habang nakangiti. Hindi ko pa rin talaga inakala na dadating 'tong araw na 'to, hanggang ngayon patuloy pa ring nagpplay ng paulit ulit yung nangyari kanina.

*flashback*

"Then marry me Samantha" he said while looking at me wearing his serious face. I push him away from me bago siya talikuran pero nahawakan niya ang pulsuhan ko bago ako muling iniharap sakanya.

"I said marry me" he said pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Ano siya, boss?

Nakatingin lang siya sa akin na parang nagaabang kung ano ang sasabihin ko pero nanatili lang akong tahimik at hindi siya kinibo.

Honestly, I don't know what to feel right now kasi biglaan? Ewan, ano bang trip niya at sinasabi niya ang ganitong bagay samantalang inis na inis siya sa akin noon?

"You will marry me whether you like it or not" he mumbled kaya pinaningkitan ko siya ng mata bago kurutin ang braso niya kaya napadaing siya sa sakit.

"Hindi nakakatawang biro yan Jay ah, tigil tigilan mo ako sa pangaalaska mo wala ako sa mood" iritadong sambit ko bago tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko.

"I'm not joking?" he said.

Napairap nalang ako at napabuga ng hangin dahil sa sinabi niya. Hindi kaya masyado lang siyang naguguluhan sa mga nangyayari kaya niya nasasabi ang ganitong bagay?

Yes, I'm happy. I'm happy kasi finally siya na yung nagsabi na gusto niya akong pakasalan pero kasi nagtatalo pa rin yung isipan ko kung dapat ko ba siyang paniwalaan? Hindi ko na talaga alam.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now