Chapter Ten

1.7K 123 338
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad akong dumiretso sa kusina para ipagluto ng pagkain sila Sunghoon at Jungwon. Wala lang, gusto ko lang silang ipagluto dahil alam kong pagod sila sa pagaalaga kay Jay. Psh, kahit sino naman atang mag-alaga sa kulokoy na yun maiistress. Napakamaldito.

"Lulutuan ko ba ng pagkain si Jay o huwag na?" para akong siraulong nagtatanong sa sarili ko habang nag-gigisa ng bawang at sibuyas.

Ang siraulo ko talaga, tinatanong ko yung sarili ko tapos ako lang din naman sasagot--ay bobo natural alangan naman may ibang sumagot eh ako lang naman mag-isa dito sa bahay.

Kapag may ibang boses akong narinig, dapat na ba akong kabahan?

Matapos ang ilang minuto oong pagluluto ay sa wakas natapos din. Aba bubugbugin ko silang tatlo kapag hindi nila naappreciate ang luto ko.

Inilagay ko sa tatlong magkakaibang tupperware ang ulam at kanin na niluto ko. Blue para kay Sunghoon, royal blue para kay Jungwon at pink para kay jay.

Bagay naman yung kulay na yan sakanila, lalo na yung kay Jay.

Inilagay ko na sa bag ang pagkain na inihanda ko para sakanila. Naligo na rin ako at nagpalit ng damit ko para pumunta na sa hospital.

Nagbook nalang ako ng grab para mas mapadali ang buhay ko, kapag talaga nagcancel yang grab driver na yan ng walang binibigay na dahilan huhuntingin ko siya. Kailangan three paragraph ang explanation niya.

Inilock ko ang pinto at inintay ang grab driver. Itinext ko na rin muna si Heeseung kahit na alam kong hindi siya kaagad magrereply. Ano ba yan, nagtatampo kaya siya?

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya inakala kong si Heeseung yun pero si Sunoo pala. Ano naman ang kalangan nitong batang ito?

"Hello pokpokers, ano kailangan mo?" bungad ko sakanya. Sakto namang dumating na ang driver kaya pumasok na ako sa loo ng sasakyan at isinara ito.

"Samgyup tayo! Miss ko na kumain! KKB ah!" dire-diretsong sabi niya. Wala man lang preno talaga nga naman.

"Wow huh? KKB? Coming from you pa talaga? KKB? seriously? Kasi parang may natatandaan akong pangyayari sa buhay ko na nascam mo ako. Tanda mo ba? Nung nakaraang gala natin ikaw din ang nagsabing KKB pero ang ending kaming tatlo nila Heeseung at niki ang nagambag ambag para mabayaran lahat ng kinain mo"

Tumawa naman siya mula sa kabilan linya. "Joke lang. Libre ni-ki--HOY SUNOO BAKIT AKO NADAMAY DYAN?!" bulalas ni niki kaya mas lalo akong natawa. Nagbabangayan nanaman sila eh. Akala mo palaging may ganap eh.

"Hay nako next time nalang Sunoo. Lalabas tayo, libre ko promise. Basta huwag muna ngayon ha? May pupuntahan pa ako eh. Bye muna" sabi ko sakanya bago ibinaba ang tawag. Sakto din naman na nasa hospital na ako kaya binayaran ko na si manong bago tuluyang umalis.

Pagpasok ko ng hospital ay napapikit ako kaagad ng mariin. Hanggang ngayon hindj pa rin ako makapaniwalang ginagawa ko 'to para sa isang gagong katulad ni jongseong--ay wait, para nga pala sa anak namin 'to

Dumiretso na ako sa room ni Jongseong at nadatnan ko ang pagod na pagod na si Jungwon at Sunghoon na nakahilata na sa sofa at bagot na bagot habang nanonood ng dore the explorer. Jusko, sa lahat ng papanoorin yan pang batang laboy.

"Hello, may dala akong pagkain. Kumain na kayo" sabi ko sakanila bago inilabas ang tupperware na dala ko. Kinuha ko ang pink na tupperware bago inilahad ang kamay sa tapat ni Jay habang hawak ang tupperware.

"What do you want me to do?" masungit na sambit nito habang nagbabasa ng magazine--ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Punyeta.

"Sayawan mo baka may mangyari" pamimilosopo ko sakanya.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now