Napadilat ako ng mata ng makarinig ako ng kalabog. Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Jay na naghahanda pala ng pagkain. Napalingon siya sa akin ng mapansin niyang gising na ako, ang ingay kasi!
"Gising ka na?"
Ay hindi tulog pa. Kaya nga nakadilat na mga mata ko eh. "Oo"
Mas pinili ko nalang na hindi siya asarin at barahin dahil baka saltikin nanaman siya at sumama nanaman ang ugali sa akin.
"Gutom ka na? May gusto ka bang kainin?" tanong nito habang hinahalo ang gatas na tinimpla niya para sa akin. Huhu tangina, bakit ka naman ganyan? Sabi ko papahirapan muna kita eh. Gago nagiging marupok nanaman ako.
"Uhm, Samantha?"
"Ano?!"
"Sabi ko kung gutom ka na? May gusto ka bang kainin?"
"Oo"
"Ano?"
"Ikaw"
Napatakip ako sa bibig ko ng kusa iyong lumabas sa bibig ko. Hala, hindi ko sinasadya! Hindi pa ako tapos magsalita ano ba?!
"Masyado pang maaga, Samantha" mapagbirong sambit niya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako bago inabot sa akin ang baso ng gatas.
"Ano kasi, I mean... Ikaw, ano... Ikaw bahala" sabi ko bago kinuha mula sa kamay niya ang baso at ininom ang gatas. Nanunuyot tuloy lalamunan ko dahil sa mga kagagahan na nasabi ko. Nakakahiya talaga.
"I know." ngumiti lang siya sa akin bago tumalikod at may tinawagan sa telepono. Huwag mong sabihing magoorder nanaman siya?
"Hello, manang? Pwede bang pakidala naman dito yung niluto ko kahapon?... Yeah, yung kaldereta. Nilagay mo naman yun sa ref right?... Okay, thanks hintayin ko nalang"
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig ko. Yes! Kaldereta ulit! Kanina pa kasi talaga ako nagugutom. Mabuti nalang at niref ni manang bff yung niluto ni Jay kahapon. Oo, manang bff. Syempre, dahil sa kabaitang taglay niya at para ko na siyang nanay nanayan simula nung nagstay ako sa mansyon, manang bff na ang tawag ko sakanya.
"Okay na. Dadalhin nalang nila yung pagkain, hintayin nalang natin" he said at ibinulsa na ang phone niya bago nagtimpla ng kape na iinumin niya. Ano ba yan, pwede naman niyang pagsabayin nalang yung pagtimpla ng gatas ko at kape niya kanina, bakit inuna niya pang gawin yung sa akin?
Habang nagtitimpla siya ng kape niya ay hindi ko napigilan ang sarili ko na titigan siya habang nagtitimpla ng kape niya. Bakit kasi ang gwapo niya? Tapos ang manly niya pa?
Pero teka? Dapat galit ako!
Hindi oras ngayon para maging marupok. Tama na samantha. Huwag na maging marupok.
"You know nakakailang kapag tititigan mo lang ako ng ganyan" he said bago humarap sa akin at uminom ng kape niya. Naglakad siya papunta sa tabi ko at umupo sa sofa sa tabi ng kama ko.
"Ang kapal" hindi makapaniwalang sabi ko bago siya inirapan. He chuckled a bit before holding my face at ipinaharap sakanya. Inilapag niya ang kape niya sa coffee table sa tabi ng kama ko at kinuha ang panyo niya sa bulsa.
He gently wipes my upper lip bago ngumiti at inilayo ang mukha niya sa akin. Ramdam ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Bakit ka ba ganito Jay?
"Pati ba naman pag-inom ng gatas para kang bata" natatawang sambit niya bago lumayo at sumandal sa sofa. Inirapan ko lang siya at humigang muli sa kama.
YOU ARE READING
Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]
FanfictionDaddy Series #01. PJS ── ❝ You changed everything about me, Sam. ❞ completed @takonikii2021