Chapter Twenty-Three

1.9K 131 426
                                    

Kanina pa ako nakatingin kay jay habang inaalagaan niya ako. Para talaga siyang ibang tao ngayon. Hindi kaya may sumaping anghel dito o di kaya nausog to papunta dito sa ospital at nagkaganito?

"Don't stare at me." seryosong sabi niya habang inilalagay sa plato ang pagkain na niluto niya kanina noong umuwi siya sa mansyon. Syempre makapal mukha ko kaya nag-request ako na yung kaldereta ang lutuin niya.

Habang wala naman siya kanina si Heeseung at Jungwon ang nagbantay sa akin dahil hinila niya na palabas si Sunghoon na dapat ay kasama ni Heeseung na magbantay sa akin at hindi si Jungwon.

"I wasn't staring" pagtanggi ko at lumingon sa ibang direksyon para hindi niya.mahalata na nakatitig ako sakanya kanina. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya bago umupo sa sofa sa tabi ng kama ko habang hawak ang isang pinggan at baso ng gatas. Inilapag niya naman ang baso ng gatas sa coffee table bago sinimulang kumuha ng pagkain sa plato niya. Nakaharap ang ulo ko sa ibang direksyon pero kahit ganoon ay sinusubukan ko pa rin siyang tingnan ng palihim para makita ko kung anong ginagawa niya.

Parang yung mga ginagawa niyo lang sa crush niyo kapag malapit kayo sakanila. Ganun yung ginagawa ko ngayon--oh wag niyo ng itanggi sasabunutan ko kayo.

"Here. Say ahh" he said at itinapat ang kutsara sa tapat ng bibig ko. Tiningnan ko lang iyon bago tumingin muli kay jay.

Sabi na, nausog to.

Binukas ko naman ang bibig ko at isinubo na yung pagkain. Nginuya ko naman yun ng dahan dahan at halos maibuga ko na yung kinakain ko ng makita kong kumain din si jay sa pagkain ko which means that ginamit niya rin yung kursara ko. Ano ba?! Huwag mong sabihing share kami sa pagkain?! Hindi ako makapapayag!

"Oh, are you alright?" he said at hinagod ang likod ko bago ako inabutan ng tubig.

"Putang--ina--mo--gago, mukha ba akong okay? Bat mo naman kasi ginamit yung kutsara ko tsaka bakit ka nakikishare ng pagkain? Wala na bang iba--" sinubuan niya pa ako ulit ng isa pa para matigil ako sa pagdadaldal. Apakasama ng ugali. Nawala na yung sumaping anghel sakanya kanina. Kaimbyerna.

"First of all, isa nalang ang naiwang kutsara at tinidor dito pati plato that's why I'm sharing with you. Gutom na rin kasi ako, maawa ka naman" inirapan ko lang siya bago ko ipinagpatuloy ang pagnguya.

"Tsaka isa pa, makakatipid din 'tong ospital sa tubig kung isa lang ang hugasin. Kaya kung willing kang makatulong share na tayo dito sa oagkain tsaka sabay tayong maligo bukas--aray nanghahampas ka nanaman!" kaimbyerna. Hinampas ko nga siya ng malala. Sa tuwing magbibiro siya pakaging may kasamang kabastusan o du kaya kamanyakan eh!

Gwapo gwapo ang bastos ng bunganga.

"Bastos ng bunganga mo,Jay! Tigil tigilan mo nga ako!" sigaw ko sakanya pero seryoso niya lang akong tiningnan bago nangalumbaba habang hawak pa rin ang plato.

"So nung ginawa natin si baby, hindi yun bastos?" mapang asar na tanong niya.

Naginit naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko na talaga siyang sapukin.

Ang pilosopo.

"Argh! Oo na! Share na tayosa pagkain! Basta hindi mo tototohanin yung sinabi mong huli!" iritadong sambit ko sakanya

"Ang alin? Yung 'So, nung ginawa natin si baby hindi bastos?' huwag mong sabihing gusto mo pang dagdagan yan?" mapang asar na tanong niya kaya napahilamos nalang ako sa mukha ko. Pakiramdam ko ay pulang pula na ako dahil sa mga pinaggagawa niya.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now