"Feel at home hija. Huwag kang mahihiya na magtawag ng maid if you need anything. Kahit si Jay pa ang trip mong utusan, payag kami as long as masaya ka hija" masayang sabi ng mama ni jay habang nakaupo sa sofa at umiinom ng tea. Simula ng dumating kami ay nandito lang kami sa living room nila at umiinom ng tsaa--well, gusto ko rin sana kaya lang gatas ang pinainom saakin.
"Seriously mom? Sino ba talaga ang anak mo saaming dalawa?" iritadong tanong ni jay at umirap pa. Aba ang loko, ang lakas ng loob na sungitan ang nnay niya porket wala ang tatay niya?
Ibang klase talaga.
"Ikaw ang anak ko pero dahil sa ugaling meron ka, parang mas gusto ko nalang ampunin itong si samantha at itakwil ka" gusto kong matawa dahil sa sinabi ng mama ni jay. Mukha namang natawa din si Sunghoon at jungwon na muntik ng maidura ang nginunguya nilang cheesecake. Jusko naman kasi itong si Mrs. Park, wagas kung makapangbara sa anak niya.
"Tch, ewan ko sainyo. Hindi niyo siya pwedeng ampunin. Excuse me" tumayo na si Jay at akmang aakyat na sa second floor ng biglang magsalita si Mrs. Park.
"Oh, where are you going,Jay?"
Napairap muli si Jay at bumuntong hininga. "In my room" masungit na sabi nito sa nanay niya.
Antipatiko.
"Oh, wait son. I forgot to tell you that starting today, you and samantha will stay in one room so pinaayos ko na yung room mo and pinadagdagan ko na rin ng gamit niya sa walk in closet mo"Hindi naman makapaniwalang napatingin si jay kay Mrs park na parang anytime ay mananakit niya. Oh well, I bet he can't. Kahit naman naiinis siya sa nanay niya ay hindi niya pa rin ito magagawang saktan dahil alam ko na mahal niya pa rin ang nanay niya. At isa pa, matakot siya sa tatay niya noh.
"Seriously mom? Kailangan ba talaga na magstay kami sa iisang kwarto? This isn't fair!" pagmamaktol ni jay.
Kung makapaginrte siya akala niya gusto ko siyang makatabi at makasama sa iisang kwarto? Aba hindi noh! Kahit naman dinadala namin ang anak namin ay hindi ko itetake advamtage iyon para makasama siya sa iisang kwarto!
"May reklamo ka? Kung meron, ayos lang naman saakin na sa guest room ka matulog. Maayos naman doon at air conditioned" pangaasar ni Mrs. Park kay jay kaya walang nagawa si jay kung hindi bumalik papunta sa pwesto ko at alalayan akong tumayo.
Medyo nagulat pa nga ako dahil sa ginawa niya. Kikiligin na sana ako kaya lang naalala ko na masama pala ang timpla ni jay at alam ko na napipilitan lang din siya na alalayan ako.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa elevator ng bahay nila. Hindi ko naman aakalain na ganito pala talaga sila kayaman.
"May elevator na ba kayo dati pa? Ang galing" manghang sabi ko bago sumakay sa elevator na kaagad niya namang sinundan. Pinindot niya ang 4th floor kaya halos malaglag na ang panga ko. Ang lawak lawak na nga ng bahay nila tapos hanggang 4th floor pa? Dinaig pa ang sm.
"No. Pinagawa lang 'to ni mom for you kasi sabi niya it'll be hard for yo to use the stair so kailangan mo daw ng elevator" sryosong sabi nito habang nagse-cellphone at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Ah..." iyon nalang ang tanging nasagot ko sakanya dahil wala naman ibang pwedeng sabihin pa sakanya.
Tumunog na ang elevator na nangangahulugang nakarating na kami sa 4th floor. Ang akala ko ay papabayaan nalang ako ni Jay na maglakad ng mag-isa dahil wala na ang nanay niya na nakatingin saamin pero hindi. Inalalayan niya pa rin ako hanggang sa makaabot kami sa isang kwarto na may kulay puti at gold na pinto. Baka ito na nga ang kwarto ni Jay.
YOU ARE READING
Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]
FanficDaddy Series #01. PJS ── ❝ You changed everything about me, Sam. ❞ completed @takonikii2021