Chapter Twenty-Nine

1.5K 107 263
                                    

"Ano?! Sinabi niya yun?!" iritadong sigaw ni Sunny
habang kumakain ng macaroni na niluto ni jay kaninang umaga. Itong babaeng 'to, kain ng kain, kanina pa tapos palihim namang nanggigigil kay jay na nagluto ng pagkaing kinakain niya ngayon.

Abno.

"Shh! Ang ingay mo!" tinakpan ko ang bibig niya pero kinagat niya lang iyon bago ako inirapan. Kung hindi ko lang talaga pinagkakatiwalaan itong babaeng 'to kanina ko pa sinpa ang pwet nito palabas ng mansyon ng mga park eh.

"Nako Samantha, kung ako sa'yo. Iiwanan ko na yang hangal na yan. Nandyan naman si Heeseung, bakit hindi nalang siya? O di kaya ibang lalaki? Jusko, kasi naman ikaw magpapaka-martyr ka na nga lang, dun pa talaga sa lalaking hindi ka kayang mahalin" halata na ang pagkastress niya dahil sa mga kwento ko sakanya.

Kanina kasi, pagdating niya ay hinila ko siya kaagad sa kwarto namin ni Jay dahil nga nasa gym ata si Jay ngayon para mag-work out.

Pero ano bang pake ko sakanya? Wala naman siyang pake sa akin kaya mas mabuti na wala nalang din akong pake sakanya.

"Ang kulit, kaibigan ko nga lang si heeseung! Kung makabugaw ka naman parang hindi mo crush" pangaasar ko sakanya bago sinundot ang tagiliran niya. Pinanlakihan niya lang ako ng mata bago umirap.

"Hindi noh. Kadiri" pagtanggi niya. Umiling nalang ako bago sumubo ng macaroni. Napatigil naman siya sa pagnguya ng pagkain at natulalaa likuran ko. Ano nanaman bang problema nitong si Sunny? Para namang nakakiya ng multo 'to.

"Huy, anong nangyari sayo?" kinaway ko pa ang kamay ko sa harap niya bago lumingon sa likod ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si Jay na topless habang naka-sweatpants at pawis na pawis.

Bakit ba ang hilig nitong rumampa ng topless?!

Tinakpan ko ang mata ni Sunny bago kami sabay na tumalikod. "WALA KAMING NAKITA!" sigaw ni sunny kaya kinurot ko ang tagiliran niya. Nakakapunyeta talaga, napapahiya nanaman ako dahil sa kagagahan nitong kapatid ni Niki eh!

Narinig ko ang pagtawa ni Jay kasabay ang pagkalampag ng kung ano, baka may kinuha lang siya sa drawer. "Stop acting innocent, Samantha. Parang naman hindi ka sanay na makita akong ganito" mapang-asar na tugon nito kaya napasimangot ako.

Kung makapang-asar akala mo walang katarantaduhang sinabi kagabi ah?

Oo nga pala, hindi niya nga pala alam na gising ako.

"Edi wow" tanging sagot ko bago tumingin kay sunny na kagat kagat ang ibabang labi habang nakatingin sa ibaba. Pinipigilan nanaman siguro nitong gagang 'to ang tawa niya.

"Alam mo nakakainsulto yang mukha mo Sunny sa totoo lang" sambit ko nang makapasok na si Jay sa restroom ng kwarto namin.

"Ay sus ginoo, Samantha! Subukan mong itanggi na nakita mo na si Jay ng ganun araw araw, sasabunutan talaga kita ng malala" umiiling na sambit niya. Umirap nalang ako sakanya bago uminom ng gatas na tinimpla ni Jay kanina para sa akin.

Ang weird niya ngayon.

"Sige sabunutan mo, pero bago pa dumapo yang kamay mo sa buhok ko pinatalsik ka na nila Jungwon at Sunghoon palabas ng mansyon na 'to" panghahamon ko sakanya. Tiningnan niya lang ako ng masama at bahagyang hinila ang buhok ko kaya nanlaki ang mata ko.

Itong loka lokang 'to walang katakot-takot sa mga banta ko eh. Ang tapang tapang akala mo hindi takot sa ipis.

"Why the hell did you hurt her?!" iritadong sambit ni Jay bago ako hinila patayo at itinago sa may likuran niya. Halata pang kakatapos niya lang maligo dahil tumutulo pa ang tubig sa buhok niya habang may nakasabit na maliit na tuwalya sa batok niya. Nakasando at jersey shorts lang din siya habang matalim na nakatingin kay Sunny na mukhang natatakot na rin ngayon.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now