Tahimik lang kaming nanonood nila Sunoo ng movie ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Jay na may halong irita ang mukha.
"Oh, hi dude. Anong ginagawa mo dito?" mapangasar na tanong ni Sunghoon kay Jay habang kumakain ng macaroni. Sa hitsura ni Jay, parang gusto niya ng itusok ang tinidor sa mata ni Sunghoon dahil sa mga tingin nito.
Napatuwid naman ako ng upo ng dumako ang tingin niya sa kamay ni Heeseung na nasa balikat ko dahil nga nakaakbay ito sa akin. Parang naninikip ang dibdib ko dahil sa kaba-- dahil mukha siyang galit ngayon.
Nawala na lamang ang kaba na mayroon ako sa aking dibdib nang iniwas niya na ang tingin niya at tiningnan ng seryoso si Sunghoon. "Ang iingay ninyo. I can't sleep"
Huh? Hindi nga kami nagsasalita kanina pa simula nung nagsimula kaming manood tapos maingay?
"Dude, kanina pa kami tahimik dito at ni walang isa sa amin ang nagsasalita. Sigurado ka bang naglinis ka ng tainga mo? O baka nama iba na yan Jay, baka may naririnig ka na hindi namin naririnig" pananakot pa nito.
Umupo naman si Jay sa sofa at tiningnan kami ng masama. "I'm sure dito ko narinig yung ingay na yun eh..." tumingin siya sa amin ni Heeseunf bago umirap.
Tingnan mo nga naman. Sinasaltik nanaman ang mokong. Nananahimik kami dito tapos bigla bigla nanamang mangiirap.
Panggulo talaga.
"Wala ka na bang ibang sasabihin? Alis ka na pre, nanonood kami" sabi ni Sunghoon bago batuhin ng unan si Jay na kaagad nitong sinalo. Binato naman niya iyon pabalik kay Sunghoon kaya lang nakailag ito kaya kay Sunoo tumama.
"ARAY! INOSENTE AKO BAT NANDADAMAY?!" iritadong sambit nito bago ngumuso at pinagpatuloy ang panonood ng palabas.
Hindi ko naman mapigilang mapailing dahil sa kakulitan nila. Hindi ko na nga minsan matukoy kung kailan sila nagaaway at nagbibiruan dahil parang halos parehas lang nman ata sakanila yun.
Paano, magbibiruan tapos mauuwi sa away kasi magkakapikunan dahil sa pagkapikon ni Jay.
"Oh, what is this love triangle scenario? Ayiee gumagawa kayo pelikula?" tanong ng kakapasok lang sa kwarto na si Jungwon. I just glared at him before rolling my eyes.
"Woah, mukhang masama ang timpla ni buntis. Kasi naman jay hyung, bakit ba hindi ka nalang manatili don sa kwarto niyo? Hayaan mo nalang muna si noona na magenjoy dito kasama ang mga KAIBIGAN niya"
Sinamaan ko siya ng tingin ulit bago tiningnan si Heeseung na nakikipagtagisan ng tingin kay Jay. Grabe talaga itong dalawang to. Parang hindi sila pwedeng magsama sa iisang lugar, baka may mangyaring patayan.
Hinawakan ko naman ang kamay ni Heeseung para pakalmahin siya. Alam ko naman na doon lang siya kakalma, syempre ayaw ko namang mapaaway siya dahil sa kayabangan nitong si Jay at isa pa, hindi na magandang patulan ang isip batang si Jay.
Ramdam ko ang titig ni Jay sa aming dalawa ni Heeseung bago tumalikod. "Samantha, let's go"
Medyo nagulat pa ako ng bigla niya akong tawagin. Eh? Anong meron at anong nakain nitong mokong na 'to at ako nanaman ang puntirya? Pagagalitan nanaman ako dahil nandito si Heeseung? Ang laki ng problema nitong gagong to kay Heeseung, wala namang ginagawang masama sakanya yung tao.
YOU ARE READING
Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]
FanfictionDaddy Series #01. PJS ── ❝ You changed everything about me, Sam. ❞ completed @takonikii2021