Chapter Twenty-One

1.8K 124 272
                                    

Matapos ang nangyari kahapon, halos wala akong gana na kumain. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kung anong nangyari kay baby. Wala ring nagsabi sa akin kahit na sina Jungwon at Sunoo na nagbantay sa akin kagabi. Mabuti nalang at umuwi si Jay kagabi at sinunod niya ang gusto ko.

Sa ngayon kasi, ayaw ko muna siyang makita.

Oo galit ako sakanya. Galit ako sakanya to the point na gusto ko siyang sipain sa pwet kahapon papalabas ng hospital na 'to pero wala akong sapat na lakas para gawin yun. Siya ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon ng baby ko. Siya at ang girlfriend niya ang dahilan kung bakit kami naghihirap dito. Nakakainis siya. Nakakainis yung pagiging isip bata niya.

"Babalik daw ngayon si Jay hyung, on the way na daw siya" sabi ni Jungwon bago ibinalik ang cellphone niya sa bulsa. Hindi nalang ako nagsalita dahil nainis akong muli nang marinig ko ang pangalan niya. Ayaw ko ng marinig ulit ang pangalan niya dahil sa nangyari sa akin. Ang sakit lang kasing isipin na sariling ama ng dinadala ko ang dahilan kung bakit muntik na siyang mawala.

Napahawak naman ako ng tyan ko nang maisip ko nanamam ang baby ko. Ano na kayang nararamdaman niya? Sana hindi siya magalit sa daddy niya kahit na muntik na siyang mawala dahil kay Jay.

"Alam mo kung pwede lang ireset ang utak para mawala na dyan sa isip mo si Jay, ginawa ko na. Magpapakatanga ka nanaman ba Samantha?" hindi makapaniwalang sambit ni Heeseung habang nakatingin sa akin kaya inirapan ko siya. Bungangero ng taon.

"Iniisip ko ang baby sa tyan ko at hindi ang tatay niya kaya pwede ba? Stop nagging me Heeseung mas lalo akong nasstress sayo eh" pang angal ko sakanya. Lumapit lang siya sa akin bago ako hinalikan sa noo. "Fine. I'm sorry"

Hindi nalang ako sumagot at kinain nalang ang mansanas na binalatan at hiniwa para sa akin ni Heeseung kanina dahil sabi ko sakanya na nagugutom ako. Hindi pa kasi bumabalik si Ni-ki mula sa labas dahil siya ang inutusan nung tatlo na bumili ng pagkain namin. Si Sunghoon naman ay hindi pa rin bumabalik simula kahapon dahil may inaasikaso pa daw. Dumalaw na rin sina Mr. and Mrs. Park na dito sa hospital dumiretso nang malaman nila mula kay Sunghoon ang nangyari sa akin.

"Hey. You're spacing out again, hindi ka naman taga outer space" pagbibiro ni Heeseung habang nakangiti sa harap ko at nakaupo sa upuan na nasa tabi ng kama ko. I just glared at him and I know na he's just trying to make me calm. Kanina pa kasi ako hindi mapakali at balisa dahil sa nangyari sa akin kahapon. Paano kung nandun pa rin yung Crystal sa mansyon? Paano kung hindi talaga nagsasabi ng totoo si Jay about sa relationship nila ni Crystal? What if hindi talaga sila nagbreak? And the worse thing is...

What if may nangyari na? Paano kung may nabuo? Paano kung malaman yun ni Jay? Paano kung piliin niya si Crystal? Argh kingina naman eh, alam ko na ngang hindi nakabubuti sa buntis ang nagiisip ng kung ano ano pero hindi ko talaga mapigilan magisip ng kung ano dahil kilala ko si Jay. He's a playboy at kyang kaya niyang gawin lahat ng gusto niya kahit pa bawal.

"Hay Samantha. Paano ba kasi aalisin ang isang Jay Park dyan sa isip mo?" malungkot na sabi ni Heeseung sa akin kaya hindi ko napigilang irapan siya. Ang drama. Akala niya naman dati hindi ko siya palaging iniisip dahil sa mga pinaggagawa niya sa school.

Kinurot ko ang kamay niyang nakapatong sa kama ko bago siya pinanlakihan ng mata. Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya bago siya tiningnan sa mga mata.

"Huwag ka ng magdrama Heeseung, ikaw pa rin naman number one bestfriend ko" natatawang sambit ko pero mas lalo siyang napasimangot. Ano nanaman bang problema ng isang 'to?

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now