(Enjoy Reading!)
~0~
Special Chapter 1: The Wedding
"Daddy, Are you okay?" tanong ni Rigel sa kanyang Daddy.
"Daddy's fine, princess." sabi ni Xian sa anak.
"Really? You look so pale, Daddy!" sabi ni Rigel.
Totoo naman, namumutla na sa kaba si Xian. Hindi na niya malaman ang gagawin dahil ito na ang araw kung saan siya ikakasal sa pinakamamahal niyang babae.
Kasalukuyan na silang nasa venue ng kasal, isang beach wedding ang napili nilang dalawa, lalo na't hindi naging maganda ang naging kasal nila noon, naisip nila na ibahin ito sa naunang kasal na nangyari.
"Halatang kinakabahan ka, Hijo." sabi ng Ina ni Tangerine.
"A little bit po." sabi ni Xian.
"Hmm...If you say so." sabi ng ina ni Tangerine.
Ilang buwan na rin ang nakalipas simula noong nagkaayos sina Tangerine at ang kanyang mga magulang. Kahit naman gaano kalala ang bagay na nagawa ng mga ito sa kaniya, Mga magulang niya pa rin ito, kaya't tinanggap niya ang tawad ng mga magulang niya, para na rin mabawasan ang mga sama ng loob na nasa kanyang dibdib. Habang ang kapatid ni Tangerine na si Amber, nananatili pa rin sa ibang bansa at hindi na umuwi pa sa mga buwan na lumipas.
"Look at your son hijo, Atrox really looks like you." sabi naman ng ina ni Xian. Bitbit nito ang ikatlong anak nila Xian at Tangerine na si Atrox Wyatt. Tatlong buwan na ito. Hindi na agad pinalampas ni Xian ang pagkakataon noong manganak si Tangerine kay Atrox, inasikaso na niya lahat ang para sa kasal, kaya ngayon, ito na sila, haharap na sa altar para ikasal at maging ganap na Mr. & Mrs. Villacer.
Hinihintay na lang nila ang pagdating ng bridal car kung saan nakasakay si Tangerine. Kaya kinakabahan si Xian dahil ilang minuto nang huli sa oras sila Tangerine.
"Mommy, nasaan na sila?" tanong ni Xian sa ina.
"Easy there son, baka natagalan lang sa pag-aayos sila Tangerine." sabi ng ina ni Xian. Pinapakalma ang kinakabahang anak.
Magkadikit naman ang dalawang palad ni Xian at ikiniskis ito sa isa't isa, sobrang lamig na rin ng kanyang kamay sa sobrang kaba.
"Calm down, Xian. You will look terrible infront of your bride." sabi naman ng ama ni Xian.
Huminga ng malalim si Xian, para mabawasan sana ang kaba na nararamdaman.
Bumaling na lang ang kanyang atensyon sa panganay at pangalawa niyang anak na nakaupo sa isang mahabang upuan sa harapan.
Nakasuot ng puting-puti na bestida si Rigel habang puting tuxedo naman ang suot ng isang taon na si Zekrom.
Buhat-buhat ni Rigel si Zekrom dahil hindi pa ito gaano marunong maglakad, kailangan pa rin itong alalayan.
Ilang sandali lang ay biglang lumapit sa kanila ang wedding organizer.
"Sir Xian, nandyan na po ang bride, please stand by po." sabi nito at mabilis na naglakad pabalik sa unahang parte ng venue.
Akala ni Xian kapag narito na si Tangerine sa venue ay mababawasan ang kaba na nararamdaman niya, pero mas lalo lang itong lumala.
Nagsimula ng tumugtog ang banda habang unti-unti na naglakad ang mga abay sa aisle.
Kabog ng kabog ang dibdib ni Xian habang tinitingnan ang kanyang mapapangasawa na nasa dulo ng aisle kasama ang ama nito.
Tangerine is simply beautiful wearing a ball gown style wedding gown. Her veil is also long, and her bouquet of flowers are very fixed and fresh. Xian started tearing up when he saw how Tangerine is crying. Abot-abot ang saya na nararamdaman ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]
RomanceCURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yvo Villacer, due to their sudden engagement. Tangerine agreed to the engagement because of her parents. Her parents warned her. Kung hindi si...