Chapter 18

3.8K 99 5
                                    

Enjoy Reading!

~0~

First Day 

Papunta na ako sa Villamonte Group of Companies. Ngayon ang unang araw ko nang trabaho roon. Nasasabik na rin kasi ako, lalo na't bagong trabaho ito, at ito ang pinag-aralan ko sa halos apat na taon ko sa kolehiyo.

Kumain na muna ako ng almusal, simpleng toasted bread na may palaman na chocolate ang kinain ko, kape naman ang ininom ko. Pagkatapos ay naligo na rin ako.

Simpleng puting v-neck blouse na pinatungan ko ng black blazer at itim na skirt na hanggang  ibaba ng tuhod ang haba.

Kumuha rin ako ng katamtaman na laki na shoulder bag, maraming ipinahiram sa akin si Dahlia na magagandang klase ng bag at isa na ito roon.

Palabas na sana ako nang marinig ang tunog ng doorbell. Wala akong inaasahang bisita lalo na't simula na ng bagong trabaho ko. Baka sila Lance o Dahlia lamang ang mga iyon. Pinatay ko naman ang aircon bago lumabas.

Binuksan ko naman na ang pinto, bumungad sa akin si Liam. Paano ito napunta rito?

"Liam! Bakit ka nandito?" tanong ko naman sa kanya, bakas na bakas pa sa boses ko ang pagkagulat. Tumawa naman siya sa inasal ko. Hays. Mabuti na lang ay nakapag-bihis na ako, kundi nakakahiya kay Liam.

"Sinusundo ka, siyempre first day ng kaibigan ko at ng sekretarya ko." sabi niya at tumawa pa ng pagka lakas lakas.

"Ano ka ba! Di mo na ko kailangan sunduin, nakakahiya naman. Ikaw ang amo ko tapos ikaw pa ang magpapakahirap na sunduin ako." sabi ko sa kanya. Lumabas na ko at isinara ang pinto ng unit.

"Kaibigan mo na ako, Tangerine ano ka ba." sabi ni Liam at nagsimula na kaming maglakad papalapit sa elevator.

"Oo na, basta huwag naman araw-araw, baka tsismis ang abutin ko nito sa trabaho." sabi ko sa kanya.

"Ayos lang yun, huwag mo silang isipin kung sakali." sabi niya, sakto namang tunog ang elevetor, senyales na nasa ground floor na kami.

Pagpunta naman namin sa parking lot ay pinindot niya na ang car remote niya, narinig ko naman ang pagtunog ng isang Lamborghini. Kulay itim ito. 

Pagpasok ko sa kotse ay amoy na amoy ang pagkain na sigurado ako kung saang galing na fast food chain, sa McDonalds.

"I bought breakfast, here. Eat this." sabi niya at inabot sa akin ang paper bag. Nagsimula naman siya magmaneho at nagsimula na rin akong kumain ng big mac.

"Thank you, Liam." sabi ko sa kanya.

"Always welcome, pretty." sabi niya at ipinokus ang sarili sa pagmamaneho.

Ilang minuto rin ang naging biyahe namin, naging tahimik din ito, dahil sa pagkain ko ay hindi ko na siya nakausap, ganoon din siya.

Pagkarating namin ay pinagtitinginan ako ng ibang mga empleyado kaya medyo hindi ako naging komportable.

"Don't mind them, Tangerine, Let's go to my office." sabi ni Liam at sumakay na kami sa CEO's elevator.

Pumunta nga kami sa office niya, maraming nakatambak na mga folders doon, sigurado akong marami ang gagawin ko ngayon araw.

Nasa bandang unahan naman ang table ko, malapit sa pintuan. Malinis ang lamesa ko, tila nalinis na ng nag leave na sekretarya ni Liam.

Maya-maya ay dumating na rin ang paper works ko, madami-dami ito kaya paniguradong aabutin ako ng gabi.

Ibinuhos ko ang lahat ng oras sa pag-gawa ng mga paper works, sinikap ko kahit na medyo sumasakit na ang batok ko. 

"It's already evening. We should go home, Tangerine. Stop what you're doing. You can continue it tomorrow." sabi ni Liam at lumapit sa akin. Isinulat ko naman ang huling detalye sa huling folder at tumayo na rin. 

Lumabas naman kami sa opisina niya, napatingin ako sa relo ko, alas otso na ng gabi, kailangan ko na talagang umuwi.

"Ihahatid na kita sa unit mo. Pero kain muna tayo ng dinner, treat kita." sabi ni Liam pagkapasok namin sa kotse niya.

"Hay nako huwag na, nakakahiya naman. Kanina mo pa ako binibilhan ng pagkain at hinahatid." sabi ko at yumuko. Pasimpleng iniinat ang mga batok.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang mahiya sa akin. Kaibigan mo ako. I'm willing to do anything for you just to make sure that you're in a good condition." sabi niya at natawa ng bahagya.

"Bahala ka nga, kakalibre mo sa akin baka maubos pera mo." sabi ko at natawa.

"Hindi ako mauubusan ng pera basta-basta, Tangerine. I have a plenty of it." sabi niya at tumawa rin.

"Yabang, Liam ah" sabi ko at tumawang muli.

"Well, ganun talaga" natawa pa kami pareho.

(The Food Fantasy)

Iyan ang pangalang ng pinuntahan namin restaurant ni Liam, mukhang mamahalin ang mga pagkain dito.

"Reservation po?" tanong sa amin ng staff.

"Liam Villamonte." sabi ni Liam.

"This way Sir, Ma'am." sabi ng staff at iginiya kami sa table namin.

Naupo naman kami sa upuan ni Liam, Iginala ko naman ang mata mo sa paligid ng restaurant.

May mga chandeliers at magagandang table presentations, may mga candle in jars din sa bawat tables. Mabango at malamig rin dito.

"Order na tayo? Anong gusto mo?" sabi ni Liam.

"Sige. Kung ano nalang ang order mo, iyon nalang din ang sa akin." sabi ko sa kanya.

"Okay. That's noted." sabi niya at tumingin na sa menu, pagkatapos ay tinawag na niya ang waiter.

Binuksan ko naman ang cellphone ko ng marinig ko itong tumunog.

"Sorry." paumanhin ko. Binuksan ko naman ang messages ko. Nakita ko na nag-text sa akin si Dahlia.

Dahlia: Nandito sina Rigel at Xian, kanina ka pa hinahanap, Nasaan ka ba? Hindi pa ba tapos ang trabaho mo?

Me: Teka, bakit nandyan sila? Nasa restaurant pa kami ni Liam eh. Nilibre niya ako ng dinner

Dahlia: Saang restaurant ba yan? Umiyak kanina si Rigel, akala niya iniwan mo siya.

Me: The Food Fantasy Restaurant. Dito sa Makati, malapit lang sa Villamonte. Bakit? Pauwiin mo na sila. Late na ko makakauwi.

Ilang minuto rin ang lumipas ay hindi na nakapag reply si Dahlia, Sakto rin na dumating ang order namin. 

Pesto pasta with chicken, dripping iced tea, at choco graham cheese cake. Iyon ang mga pagkain na inorder niya.

"Let's eat. Gutom na gutom na ako. Great, after of hours working. I'm going to full my tummy." sabi ni Liam kaya natawa ako ng bahagya.

Kumain na nga kami tulad ng pagyaya niya, ramdam ko na rin kasi ang gutom ko. Masarap ang mga pagkain, sobrang sulit ng mga binayad ni Liam.

Nang matapos naman kami kumain ay, nagkwentuhan kami ng mga bagay-bagay.

"Kumusta nga pala yung anak mo? What's her name by the way?" tanong ni Liam.

"She's fine, matalinong bata. She's Xianne Rigel." sabi ko at ngumiti. Hindi ko alam pero napapangiti ako kapag binabanggit ang mga bagay na tungkol sa anak ko.

"Her name is wonderful and unique, ikaw ba ang nagpangalan?" tanong niya pa.

"Oo, mahilig kasi ako sa mga unique names." sabi ko.

"Hmmm, hatid na kita?" tanong niya. Patayo na sana ako, pero nagulat ako nang may marinig na pamilyar na boses.

"Ako na ang maghahatid sa asawa ko. Ako na ang bahala sa kaniya, man."

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon