Chapter 16

4.6K 108 10
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Jealousy ft. Kisses

"Who's this man, Wife?" nanlaki naman ang mata ko sa mga salitang binitawan ni Xian.

"Oh, I'm Liam Asteron Villamonte. I'm her new friend." sabi ni Liam pero inirapan lang siya ni Xian. 

"I don't care, leave my wife alone." nagulat naman ako sa sinabi ni Xian at hinampas ang kanyang braso. Napatingin naman siya sa akin, kunot ang noo. Tinaasan ko lamang siya ng kilay, sinesenyasan ko na tumigil sa mga pinag-sasasabi niya.

"Chill man. I'm just talking with her, I'm no harm." sabi ni Liam at bahagyang itinaas pa ang dalawa niyang braso. 

"Tss. The hell I care!" sabi ni Xian at hinila ako papalabas ng shop.

"Xian ano ba! Nakakahiya kay Liam!" sigaw ko at pilit na tinatanggal ang mga kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko.

"First name basis huh?!" sabi niya sa akin. Ipinasok niya ako sa kotse niya.

"What?!" hindi niya ako pinansin at pinaandar ng mabilis ang kotse niya. 

"Xian! Stop the car!" sigaw ko pero hindi niya talaga ako pinapansin. T*ngina, ano bang problema nito?!

"What the hell is your problem huh? Xian Yvo! Talk to me! Lalo mo lang pinapalala ang mga nangyayari! I really hate you!" bigla naman niyang itinigil ang kotse kaya nasubsob ako sa bandang harapan ng kotse.

"Sh*t! I'm sorry love." sabi ni Xian sa akin at ihinarap ako sa kanya.

Hawak hawak ko naman ang noo ko na tumama sa harapan ng kotse, Ramdam ko ang sakit, parang namumula ito at magkakaroon ng pasa.

"Anong sorry?! T*ngina mo! Papatayin mo ba ako?!" singhal ko sa kanya at binuksan ang pinto sa tabi, Kaagad akong lumabas, ramdam ko rin ang pagsunod niya sa akin.

"Baby, I'm sorry. Hey! Hindi ko sinasadya." sabi niya sa akin at marahang hinawakan ang pulso ko.

"Huwag mo kong matawag na baby! Anong hindi mo sinasadya? Kanina pa kita sinisigawan sa loob na tumigil ka! Nakakainis ka! Gusto mo bang ma-ospital pa ako? Wala akong pera pambayad doon!" sabi ko pagkaharap ko sa kanya.

"Hey, I'm sorry, I'm sorr--" pinutol ko agad siya talagang bwisit ako sa kanya ngayon.

"Nakaka-bwisit ka XIAN YVO! Di ko maintindihan kung bakit ka ba nagagalit! Baliw ka ba?! Kulang-kulang ka ba?!" sabi ko sa kanya. Kulang nalang ay sapakin ko siya sa mukha.

"Let me explain first okay, Sto--"

"Heh! Naiinis ako sayo! Tingnan mo nga ang noo ko may pasa na dahil say--"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng putulin niya ito gamit ang labi niya. 

"Tsk, That's a good way to to shut you up for a while. I love you by the way." sabi niya sa akin pero tinulak ko siya. 

"Ay wow, ako pa pinapa shut up mo? Nakakainis ka talaga!" humakbang na muli ako papunta sa side walk, mabuti nalang at kaunti lang ang mga sasakyan.

"Hey! I'm just jealous, baby. I'm sorry for being hard headed, and for not listening to you a while ago." sabi niya sa akin at hinigit ako't niyakap.

"N-Nag s-seselos ka?" nauutal ako sa mga sinabi niya, nagulat ako sa mga salitang binitawan niya.

"I'm damn jealous okay? Kahit kay Lance na kaibigan mo, nagseselos ako. Gusto ko sa akin ka lang, dito ka lang sa akin." sabi niya at malambing na hinawakan ang dalawa kong kamay.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon