Enjoy Reading!
~0~
TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW
Inasahan ko na mag-kikita kami ng araw na iyon pero hindi ko akalain na iyon ang magiging reaksyon niya, na tila ba sobra-sobra siyang nangungulila sa akin, parang normal lang ang lahat at hindi kami nagkasakitan.
Ayoko na sana siyang makita muli, ngunit mapaglaro nga talaga ang tadhana.
Sa nangyaring iyon, mas lalo ko lang naalala ang mga nangyari noon, yung mga sakit na dinulot niya sa akin. Lahat ng pagpapahirap niya sa akin noong mga panahon na yon sa kadahilanang niloko ko daw siya, hindi niya ba pansin? Hindi niya ba alam na ako rin ay naloko? Nang mismong mga magulang ko pa.
Moments from the past that keeps on haunting me until now flashed again inside my mind. The moments I want to forget and to heal from.
"Tangerine, since you are in the legal age, we want you to marry our investor's son." sabi ni Clarisse na ina ni Tangerine.
Agad namang kumunot ang noo ko sa narinig. Marry? Investor's son, which is a complete stranger?
I just had my 18th birthday yesterday, kakabirthday ko lamang kahapon at ito ba ang gusto nilang isalubong sa panibagong taon ng buhay ko?
"But...Why Mom?" tanong ko kay Mommy.
"This is for our company's sake, Tangerine. We can't let our company go down, so we need their help, and we need you to cooperate with us." sabi ni Mommy sa akin. Bakit parang sa paraan ng pagsasalita niya ay wala na akong choice?
"Mommy, can I think about it first?" tanong ko sa kanya, nagbabakasakaling mali ang iniisip ko. Nagbabakasakaling may malaya akong pagsagot.
Hindi ba masyado pang maaga para magpakasal ako? Lalo na't hindi ko naman kilala ang lalaking iyon, at lalong hindi ko siya mahal.
"Wala ng panahon pa para mag-isip ka Tangerine. Kailangan mo ng pumayag dahil hindi lang ito para sa amin, para rin ito sa kinabukasan mo." sabi ni Mommy kaya napayuko na lang ako.
"But..." sabi ko. Nais ko sanang umangal pa. Because marrying a stranger keeps on bothering me, I love myself, I don't want to be chained in a loveless marriage.
"No buts, Tangerine. Kapag umayaw ka itatakwil kita bilang Menendrez." sabi ni Mommy that made me stop for speaking. I have no freedom, I have no choice.
Paano ako tatanggi kung kapalit nito ay ang pagtatakwil sa akin? Paano ako tatanggi kung ito lang ang paraan para kahit papaano ay matuwa sila sa akin?
Doon ko nalang sila hinayaan sa nais nilang mangyari. Wala naman akong magagawa kasi hindi naman sila laging pabor sa akin, baka sa ganitong paraan ay matuwa sila sa akin at ituring ako anak.
Ilang linggo rin ang lumipas, nakilala ko nga ang pamilyang Villacer lalo na ang aking mapapangasawa, mukha namang ayos lang sa kanila ang mangyayaring kasalan.
Mabait naman si Yvo, may pagka-suplado nga lang. He's a nice guy to me, and I don't don't think it's hard to like him. Even his whole family are welcoming and loving my presence, lalong-lalo na ang ina ni Yvo.
"So, hija, kamusta naman ang lakad niyo ng anak ko?" tanong ni Mrs. Villacer sa akin.
Nagkaroon nga kami ng simpleng date ni Yvo. Simple lang talaga. Kumain lang kami sa isang mamahaling restaurant at nag-usap ng kaunti. He is so gentleman that time, very gentle with his words and he didn't let me feel intimidated.
BINABASA MO ANG
Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]
RomanceCURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yvo Villacer, due to their sudden engagement. Tangerine agreed to the engagement because of her parents. Her parents warned her. Kung hindi si...