Chapter 34

5.2K 68 8
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

I hate you

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

NAALIMPUNGATAN ako ng maramdaman ang init ng araw na tumatama sa pisngi ko. Umaga na pala. Naramdaman ko ang lambot ng kama na kinahihigaan ko. Bigla namang pumasok sa aking isip ang mga nangyari. Mabilis kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Sa paglibot ng  aking paningin sa paligid ng kwarto, nakita ko ang kulay itim at puting kulay na nangingibabaw sa kabuuang silid.

Doon na ako papabalikwas ng bangon nang mapagtanto ko na wala ako sa kwarto namin ni Zekrom. Nasa isa akong lugar na hindi ko alam, doon na ako halos atakihin sa kaba. Oo nga pala, natagpuan na kami ng magaling na ama ng mga anak ko at tiyak akong nandito ako sa teritoryo niya.

"I'm glad you're awake, love" napabaling naman ang tingin ko sa lalaking nasa pintuan, may dala itong maliit na mesa at may mga pagkain sa ibabaw.

"Why did you bring me here? Nag-effort ka pa talaga huh?" malamig na tugon ko sa kanya at tumayo.

Atsaka ko lang napansin na nakatali pala ng isang necktie ang dalawang kamay ko.

"You should eat now, love. Kagabi ka pa hindi kumakain." sabi niya at naupo sa tabi ko.

"Pwede ba, Xian. Don't act like we're okay because we're definitely not." madiin na sabi ko sa kanya at umurong sa gilid ng kama para lumayo sa kanya.

"Please, just eat." sabi niya at hiniwa ang ham sa pinggan at inakmang isusubo ito sa akin ngunit itinulak ko ito gamit ang mga nakatali kong kamay.

Napabuntong hininga siya at pinulot ang mga natapong kanin at ham sa comforter. I saw how his eyes formed a sad emotion. Maloloko ako ng mga salita niya ngunit hindi ng mga mata niyang buong buhay kong hinangaan ko.

"I'm sorry, I will ask Rigel to join you for breakfast so you can eat in peace. I love you." sabi niya at hinalikan ang noo ko, matapos noon ay kinuha niya na ang maliit na mesa at umalis sa kwarto.

Hindi ko naman maiwasang mapaluha dahil sa inakto ko. Nakaramdam ako ng konsensiya. Ngunit sa kabilang banda, hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Nasaktan niya ako, sobrang nasaktan niya ako na halos ikadurog ng buong pagkatao ko. Ngayon ganoon ang inaakto niya sa akin na tila ba walang nangyari, na para bang ayos lang kaming dalawa.

Napabuntong hininga naman ako bago bumalik sa pagkakahiga. Napatingin ako sa pinto nang narinig na bumukas ito.

"Mommy." sabi ni Rigel at dala dala ang isang tray na may pagkain.

"Rigel baby, let go of Mommy. Help me please." sabi ko at inginuso ang nakataling kamay ko pero ngumiti lang siya sa akin na mas lalo kong ipinagtaka.

"I can't help you po Mommy. Daddy said that I should not let you go out in this room po." sabi niya at naupo sa tabi ng kama.

"But why? I don't want to stay here. Where's is your baby brother?" tanong ko ng maalala si Zekrom. Nasaan na ang anak ko?

"Don't worry too much, Mommy. Zekrom's with Daddy po downstairs." sabi ni Rigel at iginiya sa bibig ko ang kanin at ulam na nasa kutsara. Malugod ko naman itong tinanggap, dala na rin ng gutom.

Hindi ko alam kung ano na naman ang binabalak ni Xian, pero sana ay tigilan na niya ito. Dahil nararamdaman kong hindi ito magiging maganda. Unang beses niyang ginawa ito hindi naging maganda ang resulta, ano pa kaya sa ikalawang pagkakataon?

"Thank you, Rigel." sabi ko ng pinainom niya ako ng fresh orange juice.

"Mommy, are you still mad at Daddy?" ikinatigil ko ang tanong ni Rigel.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon