Enjoy Reading!
~0~
TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW
"Nanay, pasensiya na po talaga kung kailangan ko muna kayo iwanan dito sa karenderia." sabi ko kay Aling Cecilia habang nagsisilid ng mga gamit ko sa maleta ko. Napag-desisyunan ko kasi na sumama muna kay Lance at Dahlia.
"Doon po muna ako sa kaibigan ko mananatili, matutulungan niya po kasi ako sa pag-aaral ko, atsaka may inaalok siya sa akin na maaari kong tuluyan, hindi ko naman po ito gusto pero kailangan, pasensya na po kayo, 'Nay Cecilia, 'Tay Salbe, babalik po ako dito kapag naayos ko na po ang mga problema ko, mamimiss ko po kayo." sabi ko kay 'Nay Cecilia at 'Tay Salbe habang umiiyak, hindi ko na maiwasan na lumuha, dahil napamahal na ako sa kanila. Mahirap na basta na lang silang iwanan, pero mas mapapa-ayos ang magiging lagay ko sa pangangalaga nila Lance, hindi naman sa hindi ko kayang maka-survive dito, pero nais ko sana na makatapos na kaagad ng pag-aaral.
Pinalipat na ako ni Lance sa milk tea shop niya at papatirahin niya raw ako sa isa niyang bakante na condo unit. Napag-usapan na nila ni Dahlia, kay Dahlia ang lumang unit na iyon, dahil nagsasama na sila sa unit ni Lance, naisipan nila na doon muna ako patuluyin.
"Mamimiss ka namin hija, dadalaw ka ha?" sabi nila 'Nay Cecilia at 'Tay Salbe. Niyakap ko naman sila pareho, talagang mamimiss ko ang pag-aalaga nila sa akin. Mas sila pa ang nagturing sa akin na parang anak.
"Paalam ho 'Nay Cecilia! 'Tay Salbe! Mahal ko kayo!" binitbit ko na ang maleta ko at pumasok na sa kotse ni Lance.
"Salamat po sa pagtulong niyo sa kaibigan ko ng ilang taon, babalik po ako dito, tutulungan ko po kayo na mas mapalago ang negosyo niyo. Aalis na po kami." narinig ko pang sabi ni Lance kila 'Nay Cecilia at 'Tay Salbe at sumakay na rin sa kotse niya.
Pagkatapos na sandaling pag-uusap namin at kaagad naman kaming umalis ni Lance, hapon na rin kasi ako natapos sa pag-eempake ng mga gamit ko. Ilang minuto rin ang naging biyahe namin papunta sa condo unit ni Lance. Nang bahagya kami nagutom ay huminto muna kami sa McDonald's drive thru. Umorder siya ng apat burgers, regular fries and cokes. Isa sa akin, sa kanya at sa driver niya, ang natira naman ay iuuwi niya sa asawa niya.
Nang makarating kami sa condo unit ni Dahlia, may kaguluhan ito pero kayang-kaya ko naman ayusin.
"Pasensya na kung medyo magulo rito, bihira kasi ako pumunta dito eh, ayusin mo na lang, hihingi lang ako ng tulong sa maintenance para matulungan ka rito." sabi niya kaya bahagya akong natawa.
"Kaya ko na itong ayusin, ano ka ba, masyado namang makapal ang mukha ko kung magpapadala pa ako ng tutulong sa akin dito." sabi ko sa kanya.
"Sige, sabi mo eh." sabi niya at naupo muna sa sofa sa gilid.
Kinuha ko naman ang mop at walis sa tabi at nagsimula nang maglinis.
"Amara, aalis na ako. May sakit si Clark kailangan ko nang umuwi." sabi niya.
Hindi ko maiwasan na malungkot, naalala ko si Rigel, kumusta na kaya siya?
May anak na sila Dahlia at Lance, magdadalawang taon na rin ito at lalaki.
"Sige mag-ingat ka. Alagaan mong mabuti si Clark atsaka si Dahlia." sabi ko.
Umalis na rin si Lance pagtapos kaya nagsimula na rin kaming ayusin ang buong condo.
Medyo napagod ako dahil maging ang mga bed sheets at pillow case ay nilinis ko. May kalakihan rin itong unit ni Dahlia kaya medyo natagalan ako sa paglilinis, pero ayos lang, ang mahalaga ay may bago na akong tutuluyan.
Hindi ko maiwasang malungkot, naramdaman ko na agad ang pangungulila sa bahay nila 'Nay Celcilia at 'Tay Salbe. Yung maingay na karenderia tuwing umaga't tanghali. Pati na rin ang mga pabaon ni 'Nay sa akin tuwing papasok ako sa eskuwelahan.Kumain lang ako ng simpleng pancit canton at kanin, bumili ako sa 1st floor ng building na ito, meron kasi ditong convenience store, pagkatapos noon ay kaagad na akong humiga sa kama at natulog.
Kinabukasan ay simpleng white t-shirt na may logo ng milk tea shop ni Lance ang isinuot ko at isang simpleng pantalon, ipinusod ko ang mahaba kong buhok at umalis na sa unit. Pagkarating ko naman sa milktea shop ay nandoon na si Lance at Dahlia, naghahanda para sa pagbubukas ng shop. Nasabi rin sa akin nila na maraming customers araw-araw. May mga kasama naman kami rito, Sina Nikki at Sasha. Nagtulungan kami sa paghahanda ng mga tables, teas, and pastries.
XIAN YVO VILLACER'S POINT OF VIEW
"Rigel, Saan mo gustong pumunta? It's my treat for you because you have a nice grades." sabi ko. Kumuha kasi ako ng report card niya, halos lahat ay nasa line of 9 kaya naman natuwa ako at naisipan siya ilibre.
"I always have good grades, my Mommy Tangerine taught me well, and I want to make her proud when she comes home." sabi nito at bumaling sa bintana ng sasakyan.
I know, she's mad at me, wala naman yatang araw na hindi kami nagkasagutan ng anak ko, pero ngayon handa na akong magbago, pipilitin kong mas pahabain pa ang pasensya ko sa kanya lalo na ngayon na palagi siyang galit sa akin.
"Okay. Where do you want to go?" tanong ko.
"Nearest milk tea shop and bookstore." sabi nito at hindi pa rin tumitingin sa akin.
"So, milk tea shop and bookstore. Let's go, baby." sabi ko at nag drive na papunta sa isang milktea shop. Mas mauuna kasi naming madadaanan ang isang milk tea shop kaya doon ang inuna ko.
Nang makarating na kami sa milk tea shop ay kaagad na bumaba ng kotse si Rigel. Halata namang excited siyang uminom ng milk tea. Nakaramdam naman ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko sa hindi ko mawaring dahilan.
"Good Afternoon Sir, Ma'am." sabi ng staff sa amin nang makapasok kami sa loob. Sasamahan ko na sana siya sa counter pero biglang tumunog ang cellphone ko.
"Rigel, go to the counter, tell them your order I will just pick up this call." sabi ko at lumabas saglit para sagutin ang tawag.
"Hello, what's the matter Jinalyn?" tanong ko kay Jinalyn, she's my secretary.
"We have an urgent meeting Sir. The board is waiting for you here." Tsk. Ngayon pa bwisit. This is supposed to be my day-off.
"Fine. Just wait. I'm going." sabi ko, mabuti na lang at kasama namin ang Nanny ni Rigel kung hindi, baka magalit na naman sa akin si Rigel. Well, galit naman siya lagi sa akin.
Pagkalabas ko naman ay nakita ko si Nanny Marcela kaya sinabi ko sa kanya na bantayan muna si Rigel sa loob ng milktea shop.
Bakit ba sumasabay ang problema ko sa kompanya sa simpleng bonding namin ng anak ko?
~0~
Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!
NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.
(I worked hard for this. So you better work on your own story.)
@_Sodaaaaa | 2020
BINABASA MO ANG
Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]
Roman d'amourCURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yvo Villacer, due to their sudden engagement. Tangerine agreed to the engagement because of her parents. Her parents warned her. Kung hindi si...