Xian Yvo Villacer
"Daddy! Wah! Daddy!" napatayo ako nang marinig ang iyak ni Rigel. Agad ko naman siyang nilapitan at pinatahan. May mga pagkakataon na bigla-bigla na lang umiiyak si Rigel, hindi ko rin naman ito masisisi, she longs for her mother, as much as I wanted to let her be with Tangerine, I feel ashamed for being close-minded and letting my emotions consumed me.
"What's your problem baby?" tanong ko sa kanya.
"I saw a monster in my dream, where's my Mommy? I need her." tanong niya at yumakap sa akin habang sumisinghot-singhot pa.
"Baby, the monster will only stay in your dreams, it's not true. About your Mom, I actually don't know where she is, but your Tita Amber is here, you can play with her." paliwanag ko sa kanya.
"No! I don't want to play with her! I want my Mommy! Bring her here! Iuwi mo na siya! Now!" sigaw niya at pumalahaw ng iyak, bahagya naman ako nagulat at hindi natuwa sa pag-sigaw niya.
"Your Mom is nowhere to be found! Be contented with who you are with!" hindi ko sinasadyang pag-sigaw sa kanya.
"You shouted at me? You hate me now? You don't love me anymore, my Mommy only loves me!" sabi niya at tumakbo papalabas ng kwarto habang umiiyak.
We are always ending up like this. What the hell are you doing Xian? Making your daughter cry every day?
Sinundan ko naman siya sa ibaba, nakita ko siyang kumakain sa dining room habang pinupusan ni Nanny Marcela ang mga luha niya sa mukha. Tahimik lang akong umupo sa tapat niya at nagsimula na ring kumain. Hindi na ako nag-abalang kausapin siya dahil alam kong hindi niya ako papansinin.
Rigel grew up in my company yet she feels so far away.
Tangerine, where are you? I will find you, kahit libutin ko pa ang buong mundo. Ibabalik kita rito.
"Daddy's sorry Rigel," I whispered.
Tulad nga ng inaasahan ko, hindi pa rin ako pinapansin ni Rigel hanggang sa maihatid ko siya sa school niya. Naiintindihan ko naman, it's always my fault kaya kami nag-aaway, I always lose my patience, tapos idagdag pa na inilayo ko siya sa Mommy niya. I didn't mean to do that, I wasn't in my right mind when I did that, I was badly hurt, and as a f*cking selfish idiot, I only saw my pain.
Magmula nang mangyari ang lahat ng iyon, para na rin akong nawala sa katinuan. Who wouldn't? Tangerine's my sanity.
Ang dami kong kasalanan sa Mommy niya, at dahil sa sobrang kitid ng utak ko pati na rin ang anak namin nasasaktan ko na rin. Rigel's the only one who's keeping me sane, she's the only reason why I'm holding on, but being mentally unstable makes everything more complicated.
Matapos ko siyang ihatid, dumiretso na muna ako sa office ko, paniguradong marami akong trabaho, ni hindi naman ako nawalan ng trabaho, sa totoo nga lang, punong-puno ng trabaho ang opisina ko bawat araw, mabuti na rin yun dahil doon ko inilalagay ang atensyon ko, at hindi ko na rin naiisip pa ang mga problema sa bahay.
But I'm glad that I have a lot of work to do. I need to work hard for my family. I need to work hard for them. For her.
Aasikasuhin ko na rin ang paghahanap sa kanya, dahil kung mas patatagalin ko pa, baka pati ang anak ko ay mawala pa sa akin.
Tangerine Amara Menendrez
"Amara! May customer dito bilis!" tawag sa akin ni Aling Cecilia na siyang amo ko rito sa karenderya na pinagtatrabahuhan ko. Dito rin ako nakatira, dahil simula ng pinalayas ako, si Aling Cecilia na ang kumupkop sa akin. Malapit rin ito sa paaralan na pinapasukan ko.
BINABASA MO ANG
Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]
RomantizmCURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yvo Villacer, due to their sudden engagement. Tangerine agreed to the engagement because of her parents. Her parents warned her. Kung hindi si...