Chapter 19

3.7K 89 5
                                    

Enjoy Reading!

~0~

Moves

TANGERINE AMARA'S POINT OT VIEW

"Ako na ang maghahatid sa asawa ko" sabi ni Xian. Oo, nandito nga si Xian sa restaurant kung nasaan ako.

"Xian, bakit ka nandito?" tanong ko kay Xian na kasalukuyang nakakunot ang noo at masama ang tingin kay Liam.

"Sinusundo ko lang ang asawa ko at ikaw 'yon, kaya halika na. Naghihintay na sa atin ang anak natin." sabi niya at inaya akong tumayo, Ngumiti naman ako ng tipid kay Liam, simbolo ng paghingi ng dispensa. Sumunod naman ako kay Xian, halatang inis siya base sa mga kamao niyang nakayukom.

"Xian, ano bang problema mo? Nakakahiya kay Sir Liam ang ginawa mo." sabi ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa paglakad. Inalalayan niya pa rin ako sa pagpasok sa kotse niya ngunit hindi pa rin siya umiimik.

"Xian, ano bang ginawa mo? Nakakahiya kay Sir Liam ang mga inakto mo." sabi ko sa kanya pero patuloy lang siya sa paglakad habang hawak ang kamay ko.

Inalalayan niya naman ako sa pagsakay sa kotse niya at hindi pa rin ako kinikibo.

"Xian, kausapin mo ako, hindi ko maintindihan ang mga inaakto mo. Nahihiya ako sa nangyari." Iniwan ko nalang basta si Liam sa restaurant. Sana lang ay hindi siya magalit sa akin dahil sa nangyari.

"I'm sorry about my attitude a while ago baby, I'm just f*cking jealous, and worried as hell. I thought something bad happened to you that's why you're not at home when we go to your unit. I'm sorry." Sabi niya at iniliko na ang sasakyan, nakarating kami ng ligtas sa condominium building. Hindi agad ako nakasagot sa mga salitang binitawan niya kaya nanatili nalang akong tahimik hanggang sa bumaba kami sa sasakyan at sumakay sa elevator.

"Hindi mo naman kailangang mag-alala, ihahatid naman ako ni Sir Liam dito pauwi." sabi ko pero lalong sumama ang awra niya, tila hindi nagustuhan ang mga sinabi ko.

"At yan ang hindi ko gustong mangyari kaya pumunta na ako roon, Ako na ang magsusundo at maghahatid sayo simula ngayon, naiintindihan mo? " sabi niya at wala sa sariling napatango ako.

Nakarating naman kami sa unit ko, pagkabukas ko palang ng pinto ay bumangad na sa akin si Rigel at yumakap, gumanti naman ako ng yakap sa kanya at hinalikan ang ulo nito.

"I miss you po Mommy. I thought you left again po." sabi ni Rigel at humalik sa pisngi ko.

"I miss you too baby. I told you before that I won't leave you. Intentionally or not intentionally. I'll stay with you always." sabi ko at nagtungo na sa sala kung nasaan sina Lance at Dahlia maging si Xian na nakaupo rin sa sofa.

"Tutal nandito ka na rin Tangerine, aalis na kami ni Dahlia. Hinahanap na kami panigurado nila Mommy, sila kasi ang nababantay kay Clark. Mauuna na kami. Xian, bantayan mo sila." sabi ni Lance at tumayo na maging si Dahlia.

"Sige, Maraming salamat. Mag-iingat kayo." sabi ko at hinatid sila palabas ng unit.

Pagka-alis naman nila ay bumaling naman ako sa mag-ama na nakaupo sa sofa.

"Kayo? Gusto niyo bang kumain bago umuwi?" tanong ko sa kanila.

"Mommy kumain na po kami but I suddenly want some large fries, Can we buy some?" tanong ni Rigel sa akin.

"Sure baby." sabi ko at binuksan ang cellphone ko para mag-order. Nag-order ako ng tig-tatlong large fries at Mcfloat para sa aming tatlo.

"Anong oras niyo balak umuwi? Huwag na kayong masyadong magtagal rito, gabing-gabi na. Delikado nang bumiyahe sa labas, kapag dumating ang order natin, sa kotse niyo nalang kainin okay?" sabi ko sa kanila.Napasimangot naman si Rigel sa sinabi ko.

"But Mommy, sabi mo nga po gabi na, pwede po bang dito kami mag-stay ni Daddy? Pretty please." sabi niya habang magkadikit ang dalawang palad na tila ba nagdadasal at nagpupungay ang mga mata.

"Rigel's right, gabi na kaya dapat hindi na kami bumiyahe pa, kaya dito nalang kami magpapalipas ng gabi, siguro naman papayag ka hindi ba? Right Rigel baby?" sabi ni Xian at ngumisi sa akin, lihim naman akong napairap dahil gustong-gusto niya ang nais na mangyari ng anak namin. Hindi naman sa ayaw ko silang makasama, Ayos lang naman sa akin na katabi si Rigel pero si Xian? Baka hindi ako makatulog ng mahimbing dahil hindi ako komportable na nasa paligid siya.

"Please, Mommy? Pretty please?" sabi pa ni Rigel na lalong ikinalaki ng ngisi ni Xian.

"Fine, but please, behave okay? Lalo ka na Xian." sabi ko at napabuntong hininga.

"Okay, I'll behave. Let's see or I might not be." nakangising tugon niya kaya napairap na naman ako.

Pupunta na sana ako sa kwarto ng marinig ang doorbell, akmang bubuksan ko na ito ngunit naunahan ako ni Xian.

"Ako na magbabayad." sabi niya, wala na akong nagawa pa dahil inabot na niya agad ang bayad sa delivery boy.

"Rigel here's your food, eat well." sabi ni Xian at inabot kay Rigel ang fries at float. Nagsimula na kaming kumain. Bahagya rin akong nagutom dahil na rin sa biyahe at kaunti lang ang nakain ko sa restaurant dahil biglang dumating si Xian.

"Mommy tabi tayo ni Daddy po." sabi ni Rigel kaya muntik na akong mabinlaukan.

Inabutan naman ako ng float ni Xian. Napaubo ako ng kaunti dahil sa fries na nasa bibig ko.

"Are you okay po Mommy?" tanong ni Rigel, Tumango naman ako at nagsimula ulit kumain.

Matapos naming kumain at niligpit ko ang mga pinagkainan namin at itinapon sa basurahan.

"Ano palang susuotin niyo ngayong gabi? May dala ba kayong pamalit?" tanong ko sa kanila habang hawak ko ang dagdag na comforter para sa kama.

"Meron kaming dalang damit, we're prepared for this." sabi ni Xian at ngumisi sa akin. "But I can sleep naked if you want." bulong niya pa sa tenga ko. Tinulak ko naman siya at tinalikuran.

"Ouch baby. Parang dati gustong-gusto mong makita abs ko." sabi pa niya. Gusto ko na lang talaga siyang sapakin sa mukha.

Hinawakan ko naman si Rigel na hawak ang mga pamalit niyang damit. Nilinisan ko ang katawan niya sa C.R. Nagsabay kami sa pag shower. Nang sa ganoon ay presko aming pagtulog.

Nag-blower kami ng buhok ni Rigel habang naligo na rin si Xian sa banyo. Nang matuyo na ang buhok naming ay nahiga na kami ni Rigel, Yumakap ito ng mahigpit sa akin.

"Mommy, pwede po ba na sometimes dito ako mag sleep?" tanong ni Rigel sa akin.

"Oo naman." sabi ko at hinaplos ang buhok niya.

Maya-maya ay pumasok na si Xian sa kwarto habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang putting towel, wala pa itong pang ibabaw. Lihim naman akong napalunok sa nakita ko, tila mas naging Pulido pa ang katawan niya ngayon.

"Stop eye raping me baby. Just tell me if you want to touch this. Papayag naman ako kasi malakas ka sa akin." sabi ni Xian at ngumisi. Inirapan ko naman siya at tinalikuran, hinarap ko si Rigel na mukhang wala na sa sarili dulot ng antok.

Naramdaman ko naman na may humiga na sa tabi ko, alam kong si Xian iyon. Naramdaman ko rin ang mga bisig niya na nasa baywang ko.

"Bukas, sumama ka sa amin ni Rigel. Susunduin natin sila Lucas and Gabrielle, naalala mo naman siguro sila, right?" sabi ni Xian sa akin. Si Gabrielle at Lucas ay kaibigan niya na kasalukuyang engaged na. Tumango na lamang ako at ipinikit ang mga mata.

"I love you so much. I don't know if I love you is enough to express all of my feelings for you." Naramdaman ko naman ang halik niya sa aking ulo at paghigpit ng yakap niya bago ako hinila ng antok at nakatulog.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020



Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon