(Enjoy Reading!)
~0~
Cries
TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW
PARANG tinotoo nga ni Xian ang sinabi niya sa akin kahapon, na hindi na niya ako gagambalain. Sumobra na nga yata ako sa pagkakataong ito. Sumobra na ang pagiging sarado ng isip ko na hindi ko man lang mabigyan ng pagkakataon ang taong gustong ipaliwanag ang lahat sa akin.
Simula ng almusal namin, ay naging tahimik kaming dalawa, bukod kay Rigel na nagkukwento ng kung ano-ano. Walang nagtangka na magsalita sa aming dalawa, nag-iiwasan ang mga mata. Ni hindi magawang ibuka ang bibig upang maglabas ng kahit isang salita.
Kaya ngayon, nandito na lamang ako sa kwarto kasama si Zekrom at Rigel. Dinig ko ay pumasok sa kompanya si Xian kaya wala ito ngayon. Mukhang uubusin niya muli ang kaniyang mga oras sa trabaho, at dahil doon hindi na niya pahihirapan ang sarili na pigilang huwag akong kibuin.
"Mommy, I noticed a while ago that you and Daddy didn't talk too much po, Is there a problem po ba?" tanong ni Rigel sa akin at binitawan ang hawak na lapis.
Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti ng tipid.
"Don't mind us, baby. Just study okay? I don't want you to be stressed with our problems" sabi ko at hinaplos ang buhok niya bago marahan na tapikin ang baywang ni Zekrom.
"But Mommy, are you still mad at my Daddy?" tanong niya sa akin.
"Like what I've said before, If I do, what will you do?" sagot ko sa kanya.
"I would make a solution! Hindi po ba yung mga scientist sa movies gumagawa sila ng way para maging maayos ang problems. I will make the both of you to stop fighting! Is is right Mommy?" tanong niya at ngumiti ng malawak.
"Gusto mo ba talagang magkabati kami ng Daddy mo?" tanong ko sa kanya.
"Yes po Mommy. I want us to be happy family po. Para maging happy na po kami ng baby brother ko." sabi nito at lumapit sa pwesto ng kapatid.
"It really hurts po when I see my classmates with their Mom and Dad. I want to experience it too, Mommy. But I know po that you're still hurting. I understand po Mommy." tila naman may humaplos sa puso ko sa mga katagang binitawan ng anak ko.
"I'm sorry, baby. I promise, I will fix this. Soon. Just, let me heal the wound inside this." sabi ko, hinawakan ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko at iniwan muna siya sa kwarto.
Nagtungo muna ako sa banyo at doon hinayaan na tumulo ang mga luhang pilit kong piniligilan sa harap niya.
Tama nga ang mga sinabi ko kahapon sa aking sarili. Nagiging makasarili na ako at ang tanging nararamdaman ko lang ang aking nakikita. Ang nararamdaman ko lang ang nais kong mangibabaw na nagiging dahilan para matabunan na ang pangarap kong buong pamilya para sa mga anak ko.
Habang nasasaktan ako, habang patuloy akong nasasaktan, may mga nasasaktan din akong damdamin. Isa na doon ang anak ko.
Nagiging makasarili ako, dahil sa pagkakataong ito, sarili at ang nararamdaman ko lang ang iniisip ko na hindi dapat.
Pigil na pigil ang mga hikbi ko, ayokong marinig ni Rigel ang mga iyak ko. Ayokong makita niya kung gaano ako kahina. Ayokong mag-alala pa siya sa akin.
Nang kumalma ako, ay naghilamos ako ng mukha at huminga ng malalim bago lumabas ng banyo.
"Baby magluluto na si Mommy ng lunch, anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]
RomanceCURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yvo Villacer, due to their sudden engagement. Tangerine agreed to the engagement because of her parents. Her parents warned her. Kung hindi si...