Chapter 9

5.9K 149 6
                                    

 (Enjoy Reading!)

~0~

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW 

Nandito ako ngayon sa milk tea shop, mag-half day lang ako ngayon dahil may usapan kami ni Rigel na pupunta kami sa mall ngayon.Syempre kasama namin si Xian. Hindi man ako komportable at sang-ayon na makasama siya ay wala naman akong magagawa dahil iyon ang kagustuhan ng anak ko. 

"Lance, half day ako ngayon ah? Aalis kasi kami ni Rigel ngayon." sabi ko kay Lance. Nandito siya ngayon kasama si Dahlia. 

"Rigel? Buti naman at nakaka-pagkita na kayo ng anak mo." sabi niya at kinuha na ang order na nasa tray. 

"So ibig sabihin ba noon ghorl nakita mo rin si Yvo? Gwapo ba?" sabi ni Dahlia na katabi ko sa pag-gawa ng milk teas.

"Anong gwapo ka diyan, pero ganoon na nga, sa katunayan nga kasama namin siya mamaya." sabi ko.

"What?! Bakit ka pumayag na sumama siya? Nakalimutan mo na ba ang ginawa nung g*gong yun sayo?" sabi ni Lance na nasa harapan namin, pina kalma naman siya ng asawa niya.

"Wala rin naman akong magagawa eh, gusto rin siyang kasama ng anak ko." sabi ko.

"Tsk. Huwag ko lang talagang makikita ang lalaking yun." sabi pa niya.

"Kumalma ka nga Lance, huwag kang ma-alala hindi naman ako papayag na saktan niya ko ulit." sabi ko. Napatingin naman ako sa orasan, 2PM na, parating na sila panigurado.

"Mag-aayos na muna ako, papunta na sila dito, Lance, kumalma ka ha." sabi ko at sinenyasan si Dahlia na pakalmahin ang asawa niya.

Nag-tungo na muna ako sa comfort room at nag-bihis ng simpleng high-waist jeans and grey croptop. 

Pagkalabas ko naman ng comfort room ay nakita ko na sina Xian at Rigel sa isang upuan. Kasama nila si Lance at Dahlia.

"Mommy!" sigaw ni Rigel ng makita ako at tumakbo papunta sa akin. Niyakap ko naman siya ng kasing higpit ng yakap niya sa akin.

"You miss me?" tanong ko at ngumiti. Binuhat ko naman siya patungo sa upuan kung saan sila nakaupo. "Yes po Mommy! Super hihi." sabi ni Rigel.

"Ahmm, we have to go." sabi ni Xian kila Lance at Dahlia, tumango lamang si Lance kay Xian. 

"Let's go." sabi ni Xian at inaya na kami lumabas. 

Pagkalabas namin ay nakita ko na agad ang kotse niya na kulay itim, katamtaman lang ang laki nito. 

"Mommy tabi po tayo please." sabi ni Rigel.

"No baby, sa akin tatabi si Mommy mo okay?" sabi ni Xian kay Rigel. 

"Fine hmp." sabi ni Rigel.

"Hey baby, magmumukhang driver si Daddy kapag katabi mo si Mommy." sabi ni Xian.

"Okay po." sabi ni Rigel. Pumasok naman siya sa likod na parte ng kotse at ako naman sa front seat. Nagsimula na rin siyang magmaneho. Hindi naman na ko makapalag kay Xian. Baka makita pa ni Rigel kung paano kami mag-away.

"Rigel my baby, saan mo gustong pumunta muna? Sa restaurant na ba agad tayo?" tanong ni Xian kay Rigel.

"Gusto ko po sa toy store Daddy and sa bookstore po." sabi ni Rigel.

"Okay baby, your wish is my command." sabi ni Xian.

Naging tahimik at naging biyahe namin, wala ni isang nagsasalita sa amin maliban nalang kay Rigel.

Nakarating kami ng ligtas sa mall, kitang-kita sa mukha ni Rigel na sobrang excited siya. 

"Baby, you look so excited huh?" sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Of course po Mommy! It's my first time to go in the mall with the both of you po." sabi niya.

"Awww, hayaan mo kapag walang work si Mommy lagi kitang isasama sa mall." sabi ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob ng mall, damang-dama ko ang lamig mula sa air conditioner. Nakarating kami sa National Book store. Agad kumuha si Rigel ng basket, tila marami siya ipapabili.

"Baby, we will wait here, near the counter, buy all the things you want okay." sabi ni Xian kay Rigel.

"Yes po Daddy hihi, ready your wallet po, okay?" sabi ni Rigel at umalis na. Natawa naman kaming pareho sa sinabi ni Rigel.

Nagsimula na ang katahimikan, wala ni isang nagsasalita sa amin, pareho lang naming hinihintay si Rigel.

"Ahmm, Amara, I'm serious about it. I will court you." pagsira niya sa katahimikan.

"Pwede ba Xian, hindi ka pa ba kuntento sa ginawa mo at gusto mo pa kong mas masaktan at mas mahirapan?" sabi ko.

"I will not hurt you again, just give me a chance." sabi pa niya.

"Parang may kakapalan yata ang mukha mo Xian Yvo. Baka nakakalimutan mo ang mga ginawa mo sa akin. Ayoko nang bigyan ka pa ng pagkakataon na ulitin ang mga iyon." sabi ko. Lihim naman napayukom ang kamao ko sa inis.

"Kahit anong sabihin mo, gagawa pa rin ako ng paraan para makuha kang muli, tandaan mo yan, Tangerine Amara. I will change your surname into Villacer. Not now, but soon." sabi niya ngunit inirapan ko lang siya.

Ilang sandali pa ay dumating na si Rigel na dala-dala ang basket na punong puno ng mga pinamili niya. 

"I buy these Daddy, kasi gusto ko i-try mag calligraphy po." sabi niya at tinuro sa amin ang mga binili niya.

"Marunong ang Mommy mo mag-callighraphy, you can ask her to help you." sabi ni Xian at inilagay sa counter ang mga binili ng anak. Pinunch naman agad ito ng babae sa counter. Halata pang gwapong-gwapo ito kay Xian. Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit na simpleng polo shirt at jeans ang suot nito ay sobrang umaangat ang kagwapuhan nito ngayon.

"6,754 pesos po lahat Sir" sabi nung babae. Inabot naman ni Xian ang card niya sa babae.

Matapos ilagay nung babae sa bag yung mga gamit ay umalis na kami at nagpunta sa toy store.

"Daddy, baka maubusan ka na po ng money, ayoko na po bumili ng toys." sabi ni Rigel habang papasok kami sa toy store.

"Maraming money si Daddy, Don't worry, buy all the toys you want baby." sabi niya. This time ay sinamahan na namin sa loob si Rigel dahil may kalakihan na ang toy store.

Bumili si Rigel ng barbie dolls, doll house na kasing laki rin ng barbies, at iba pang mga uri ng laruan. Ni hindi na nga namin ito mabuhat lahat dahil sa laki ng mga laruan na ito. 

"10,556 pesos lahat, Sir." sabi nung lalaki na nasa counter. Inabot naman ni Xian ang card niya.

"Sir, Paki-deliver nalang lahat ng laruan na ito sa bahay namin, here's the address." sabi ni Xian at inabot ang form for delivery.

Pagkatapos namin mamili ay nagtungo na kami sa isang restaurant, gutom na rin kasi si Rigel.

Si Xian na ang umorder para sa amin habang kami ni Rigel ay nakahanap na ng uupuan. 

"Mommy, look po, is that tita Amber right there?" tanong ni Rigel sa akin at itunuro ang babae sa bandang unuhan namin. Tama nga si Rigel, Si Ate Amber iyon.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon