(Enjoy Reading!)
~0~
TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW
Mabilis lumipas ang isang araw. Hindi ko na ito pinatagal pa, kung kaya't napagdesisyunan kong magtungo sa tirahan ng pamilya ni Xian. Magbabakasakaling mabigyan nila ng kasagutan ang tanong ko patungkol sa saktong lokasyon ni Xian ngayon nang sa gayon ay pagkakataon ko na upang ibalik at ibakita kay Xian kung gaano ko rin siya kamahal gaya ng kaniyang ginawa na pilit ko noong isinasawalang bahala. Iba na ngayon, iba na ang pagkakataon ko ngayon. Handa akong humabol, tumakbo at mapagod para lang makita siya at ibigay ang kapatawaran na tunay karapat-dapat niyang makamptan.
Bilang isang ina, hindi ko maaaring iwanan ang aking mga anak. Hindi naman dahil may edad na ang aking panganay ay makakampante ako. Iba na ang panahon ngayon, hindi na natin sigurado ang mga maaring mangyari sa paligid kung kaya't iniwan ko na muna sina Zekrom at Rigel kila Manang Marcela, sa kadahilanang yung dating nanny ni Rigel na kasalukuyang bumalik galing probinsya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, miss na miss ko na siya. Nangungulila ako sa kaniyang boses at presensiya. Nalulungkot ako ng sobra kapag wala siya sa tabi ko. Kaya ngayon, ako naman ang babawi sa kanya. Ako naman ang hahabol. Ako naman ang gagawa ng paraan para magka-ayos kami. Hindi rin nawala sa akin na sisihin ang aking sarili dahil sa naging resulta ng pagmamatigas ko. Kaya wala na ring dahilan pa para makaramdam ako ng hiya o pag-aalangan man na lumapit sa kaniyang pamilya, dahil ang relasyon namin na pareho naman naming nais ayusin ang nakasalalay rito.
Tinulungan ako ng isa sa mga body guards na ihatid sa mansion ng mga Villacer. Desperada na akong malaman kung nasaan siya, susundan ko si Xian.
"Nandito na po tayo Ma'am." sabi ni Rogelio na isa sa mga body guards.
"Salamat Rogelio, hintayin mo ako rito." sabi ko at bumaba na sa kotse.
Halos malula naman ako sa sobrang laki ng mansion ng mga Villacer, hindi ito kasing laki ng masilayan ko dati. Mas pinalaki pa nila ito at nagmukhang palasyo. Isang malaking kulay dyamante na na gate ang bumungad sa akin. Mayroon pa itong arko na may nakasulat na Palais de Villacer. Nababagay lang ang nakasulat sa arko dahil pawang katotohanan ito. Halos dalawang beses na tangkad ko ang gate nila, sa gate pa lang ay malulula na sa sobrang taas.
Pinindot ko ang kulay diyamante rin na doorbell. Ilang segundo lang ay bumukas na ito. Lumabas ang isang kasambahay mula sa loob. Nakasuot ito ng pormal na uniporme at mukhang malayo ang nilakbay sa sobrang hingal.
"Ano po ang pakay niyo, Miss?" tanong sa akin ng kasambahay.
"Nandiyan ba sila Mr. and Mrs. Villacer? Gusto ko sana silang makausap. Kilala nila ako kaya huwag kang mag-alala. I am no harm." sabi ko at tipid na ngumiti.
"Ano pong pangalan niyo? Para sabihin ko kay Madam Lira upang makasiguro." sabi niya.
"Tangerine Amara Menendrez." sabi ko at tipid muling ngumiti.
Ngumiti ito pabalik sa akin bago pumasok muli sa loob. Sa tingin ko ay dahil sa sobrang lawak ng kabuuang lupain ng mansyon ng mga Villacer ay ilang hakbang pa ang ginagawa ng mga kasambahay para lamang maglabas-masok sa dambuhalang mansyon. Ilang minuto ang tinagal niya bago bumalik. Naiintindihan ko naman dahil sobrang lawak ng mansyon, itsura pa lamang nito mula sa labas ang nakikita ko ngunit batid kong mas malawak pa ang kalooban nito.
Halos nawala ang lakas ng loob ko na inipon ko magmula pa kahapon nang makita ang kasama ng kasambahay na lumabas. Ang wangis ng taong naging dahilan para mas masira pa ang pamilya at tiwala namin ni Xian para sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]
RomanceCURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yvo Villacer, due to their sudden engagement. Tangerine agreed to the engagement because of her parents. Her parents warned her. Kung hindi si...