Chapter 4

7.6K 210 4
                                    

Enjoy Reading!

~0~

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

Inilalagay ko na ang tissues at straw sa tray dahil ibibigay ko na ito sa customer sa table 4 pero biglang may nag-order muli kaya inasikaso ko muna ito.

"Miss, can I have 1 cup of cherry bomb flavored milk tea?" sabi ng customer.

Nang lingunin ko ito ay nagulat ako sa nakita ko, halos tumigil ang mundo ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito. Sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon! Ang anak ko! Nandito siya! Nakita ko na siyang muli.

Ang dami niyang pinagbago, malaki na siya ngayon isang patunay na matagal na rin kaming nagkahiwalay, sa kadahilanang malapit na siyang magdalaga ngayon. But I am beyond happy because she recognized me.

"M-Mommy! Mommy ko!" pumalahaw ng iyak si Rigel at tumakbo papalapit sa akin. 

Hindi ko na pinigilan pa ang nararamdaman ko, niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sobra-sobra ang pangungulila ko sa anak ko. Hindi ko na inabala pang tumingin sa paligid, ang yakap lamang naming mag-ina ang mahalaga tanging mahalaga para sa akin.

"Shhh, don't cry my angel. Mommy's here. Nandito na po si Mommy." sabi ko sa kanya at hinaplos ang kanyang likuran. Pinapatahan siya sa kaniyang pag-iyak.

"Mommy, where did you go? I miss you so much." sabi ni Rigel habang nakayakap sa akin.

"Mommy is working, Rigel." sabi ko at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang aking kamay.

"Why are you working here? Hindi po ba Papa and Mama are rich?" sabi niya.

"It's a long story baby. Hindi mo pa maiintindihan kasi baby ka pa." sabi ko sa kanya at ngumiti nang bahagya.

"Okay po. Pero kailan ka po uuwi sa house natin? We miss you na po e." sabi niya.

Gusto kong matawa sa "We" na sinabi ng anak ko. Sa tingin ko naman ay siya lang ang gustong makita akong muli. Sino bang gugustuhin makita ako? Ang isang pamalit na kagaya ko?

"Siguro matatagalan pa, Rigel. Busy pa si Mommy sa work tsaka sa school e." sinabi ko lamang ito para hindi na siya umiyak.

Alam ko naman kasi sa sarili ko na wala na akong babalikan, at ayoko na ring bumalik sa bahay kung saan ako naging masaya at naging dahilan ang pagpapasakit sa akin.
Hindi ko naman mapigilan na yakapin muli nang mahigpit ang anak ko. Ilang taon ko rin siyang hindi nakita.

"Okay, but please promise me that you'll come home after your school." sabi niya at yumakap rin ulit pabalik sa akin.

"I promise." sabi ko. Sana nga anak, may pagkakataon pa na magkita tayo.

"By the way, sinong kasama mo papunta dito?" tanong ko. Pansin ko kasi na siya lang ang umorder mag-isa sa counter.

"Si Nanny Marcela po, she's there in the table atsaka si Daddy umalis po siya sandali." sabi niya.

What?!He's here. Hindi pwede 'to, hindi pa ako handa na makita siya, hinding-hindi ako magiging handa na makita siyang muli.

"Sinong magsusundo sayo rito?" tanong ko.

"Si Daddy. Hinihintay lang namin siya ni Nanny Marcela." sabi niya at iginiya ako sa table nila.

"Why Mommy? May problem po ba?" tanong niya sa akin, sasagot na sana ako nang marinig ko ang boses ng lalaking hindi ko na gustong makita pa.

"Rigel! Let's go ho--Tangerine." sabi ni Xian na kararating lang.

"Ahmm, aalis na si Mommy. Bye Rigel, I love you." sabi ko at paalis na ngunit bigla na lamang ako hinigit ni Xian at niyakap. Nagulat ako sa mga ginawa niya, hindi ko inakala na ganito ang mga ikikilos niya ngayong nagkita na kami, pero yung mga alaala at mga sakit ay tila sariwang sariwa pa sa akin.

"I missed you, baby. Umuwi ka na. Comeback to me. Umuwi ka na sa akin." sabi nito ngunit agad rin ako lumayo sa kanya at tumakbo palabas sa milktea shop.

"How dare you." mahinang usal ko ngunit sapat na upang marinig ng gusto kong makarinig.

Ano ang mga ikinilos niya? Bakit parang kumikilos siya na parang wala lang? Matapos ang lahat ng nangyari ay ganoon na lamang? Isang yakap lang? At sa tingin niya ay ayos na?
Hindi yun sapat para maging maayos, at mawala sa isip ko ang mga sakit na idinulot niya sa akin. Dahil kailan man ay hindi yun nawala, at sa tingin ko ay habang buhay ito naririto.

Halos sirain niya ako, sirain at paglaruan nila ako. 

XIAN YVO VILLACER'S POINT OF VIEW

Hanggang ngayon ay damang-dama ko pa rin kung gaano kahirap na hayaan siyang umalis ng ganoon. I was so stupid in those times, and I regret everything I did. I regret letting my emotions control me.

Kung pinakinggan ko lang siya noon sana magkasama pa rin kami ngayon. Miss na miss ko na siya kaya di ko na napigilan na yakapin siya kanina noong makita ko siya. Ngunit hindi ko inakala na kakalas siya sa yakap kong iyon. Umaasa pa rin kasi ako na mahal niya pa rin ako pero sa nakita ko, malabo na.

I looked so desperate a while ago, but that's for Tangerine, I will gladly do it.

"Hey! Dad! Kasalanan mo! I hate you! Umalis tuloy si Mommy! I hate you!" nagising na lamang ang diwa ko ng marinig ko si Rigel.

"Hey, I'm sorry baby. Please forgive Daddy, I didn't mean it. I'm sorry." sabi ko at akmang hahawakan siya pero lumayo ito sa akin.

"Magkikita pa po ba kami ni Mommy ng dahil sa sorry mo? Of course not!" sabi ni Rigel at padabog na umakyat sa pangalawang palapag.

I got her mad at me. Again. Everytime.

Kailangan kong maayos ito. Ayokong pati ang anak namin magalit na rin sa akin ng tuluyan.

"Hey, Xian. What's the matter?" tanong ni Amber na kakababa lang galing sa second floor.

"Nothing." sabi ko at aakyat na sana sa hagdanan.

"Nothing? So what's the reason behind Rigel's cry?" sabi nito sa akin at bahagyang nakataas ang kanang kilay.

"Nagkita sila ng Mommy niya kanina sa milktea shop. Tapos nung dumating ako, tumakbo siya papaalis. Kaya ayun, nagalit sa akin si Rigel." paliwanag ko sa kanya at bahagyang napayuko.

"Ibig mo bang sabihin nakita mo na ang kapatid ko? Nasaan na siya? Kailangan ko itong sabihin kila Mommy." sabi ni Amber. Bakas sa mukha niya na masaya siya.

Ako hindi ko alam ang mararamdaman ko, Kung magiging masaya ba ako dahil nakita ko siya o malulungkot dahil hinayaan ko na naman siya umalis?

"No, don't tell this to Tita and Tito yet. Atsaka na pag alam ko  na kung saan siya namamalagi." sabi ko. Pumunta naman ako sa kusina at kumuha ng alak at kopita.

"Fine. Siguraduhin mo lang na mapapabalik mo si Tangerine. Gago ka kasi." sabi niya at iniwan na akong mag-isa sa kusina.

Damn it, I need alcohol.
I f*cking needs to be drunk for a while.
Para naman mawala siya sa isip ko kahit saglit lang.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon