Chapter 20

4.4K 96 10
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Drowned with his Captivating Kisses

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

Pagkagising ko ay napabaling ako kaagad sa katabi ko, mahimbing na natutulong ang anak ko, napaka-amo ng mukha, kamukhang-kamukha ng kanyang ama. Naramdaman ko naman na mas humigpit ang yakap ng bisig na nasa baywang ko. Lihim akong napangiti. Kahit na masakit pa rin ang mga nangyari noon, hindi ko maitatago na masaya ako kapag kasama siya, hindi maitatago na mahal na mahal ko pa rin siya.

Napaharap naman ako sa pwesto ni Xian, natutulog pa rin ito. Napaka-gwapo pa rin kahit na natutulog, kung pagmamasdan ng kung sino ay tiyak mahuhulog kaagad dito. 

Ang mga pilik mata nito na tila mas mahaba pa sa mga pilik mata ng mga babae, ang makapal nitong kilay, matangos na ilong at ang nakaawang na mapupulang labi.

"Quit staring at my lips, you can kiss it if you want." nagulat naman ako ng magsalita siya, napatingin ako sa mga berdeng mata niya, at ang labi ay bahagyang nakangisi.

"S-Shut up X-Xian! Tumayo ka na d-dyan!" sabi ko at tumayo na. Bakit ba ako nauutal? Napaka-lakas din ng tibok ng puso ko.

"Don't be shy baby, I love you. Good Morning. It's so nice to see your face early in the morning." sabi niya. Ginawa niyang unan ang isa niya braso at inayos ang higa ng anak namin sa tabi niya.

Umalis na kaagad ako sa kama at pumasok sa banyo, napahilamos ako kaagad at napahawak sa dibdib ko.

Kahit na sinaktan niya ko, parang walang pinagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko, sobrang saya nito sa tuwing may sasabihin itong nakakakilig, lalo na kapag sinasabi nito ang tatlong salita na nakakapagpahina sa mga tuhod ko.

Naligo na rin ako tutal ay nandito na ako sa banyo, pero nakalimutan kong magdala ng damit. wala rin dito sa loob ang bathrobe ko kaya wala talaga akong magagawa. Nakakahiya man humingi ng tulong sa kanya pero wala naman akong choice, alangan namang lumabas ako ng nakahubad. Binuksan ko ng kaunti ang pinto, nakita kong napabaling siya kaagad sa akin. 

"Ahmm, sorry but can you hand over my bathrobe?"tanong ko at itinuro ang bathrobe ko na nasa gilid ng cabinet.

"Sure baby, gusto mo ba ako na rin ang magbihis sayo?" sabi nito at kinuha na ang bathrobe ko. Ramdam ko naman ang pagpula ng pisngi ko sa mga sinabi niya.

"Sira!" sabi ko at inirapan siya. Lumapit naman siya sa akin at inabot sa akin ang bathrobe ko.

Sinara ko naman ang pinto matapos niyang ibigay ang bathrobe sa akin, isinuot ko na ito at lumabas para kumuha ng damit. Sinabi niya sa akin kagabi na aalis kami ngayon kay kumuha ako ng simpleng tube top at isang western pocket shirt, at sa pang ibaba ay simpleng blue ripped jeans. Pagkatapos ay nagbihis na rin ako sa banyo. 

Pagkatapos ko magbihis ay binuksan ko ang cellphone ko para sabihin kay Liam na hindi muna ako makakapasok, sana ay maintindihan niya, babawi nalang ako ng trabaho bukas.

"Isasama ba natin si Rigel sa pagsundo kila Lucas at Gabrielle?" tanong ko sa kanya habang nag-aayos ako ng buhok.

"Yes, but we will take her home with Nanny Marcela after, Lucas wants us to go in Corvus' bar after." sabi niya, tumango na lamang ako bilang sagot at pumasok na siya sa banyo.

Nang matuyo ang buhok ko ay ikinulot ko ito ng kaunti nang sa gayon ay bumagay ito sa suot ko. 

Ginising ko naman na si Rigel, pagkalabas ni Xian sa banyo, akmang papaliguan ko na ito pero tumanggi siya at kaya naman na raw niya kaya hinayaan ko na. Inihanda ko nalang ang damit na susuotin niya, Inilabas ko ang isang yellow jacket at isang black na pants. 

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon