(Enjoy Reading!)
~0~
Comfort
TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW
Hindi ko alam kung paano ko pinagpatuloy ang mga araw ko, parang isa akong robot na tanging mga trabaho lang ang pinagtutuunan ng pansin.
Talagang walang gana sa mga bagay bagay, bagot na bagot. Dahil parang punong-puno ng mga karayom ang puso ko at tinutusok ito nang paulit-ulit. Sobrang sakit, hindi ko maipaliwanag. Sobrang sakit na kung kailan handa mo nang patawarin ang taong mahal mo atsaka ka pa niya magagawang lolokohin. Kung kailan handa ng ibuhol muli ang tali, atsaka pa ito ginupit sa marahas na paraan.
"Tangerine, Are you sure that you're okay? You look pale." bumalik lang muli ako sa aking sarili nang tapikin ng marahan ni Liam ang balikat ko. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti ng pilit.
"Ayos lang ako, wag mo kong alalahanin." sabi ko at ibinalik ang tingin sa mga files na nasa table ko. Kukunin ko na sana ang black ballpen ko sa pencil holder nang pilit niya akong ihinarap sa kanya.
"Hey, I know that something is bothering you. Stop working now Tangerine. Tapos na ang trabaho natin ngayon. It's past 9 o'clock." sabi niya sa akin at inalalayan na ako sa pagtayo.
"I-I'm sorry hindi ko kasi napansin. Kaya ko na ito, Liam." sabi ko sa kanya at iniligpit ang lamesa ko.
"I'll treat you a dinner and then let's talk after that. You can always share it with me to make you feel better and I'm your friend." sabi niya sa akin.
"Salamat Liam." sabi ko sa kanya.
Matapos kong ligpitin ang mga folders sa lamesa ko ay kaagad na kaming lumabas ni Liam sa opisina niya. Tama nga siya, hindi ko na namalayan na gabi na. Kitang kita ang mga bituin sa glass wall ng hallway.
Hindi ko na namalayan na nakababa na pala kami sa ground floor, nakatulala lang ako sa buong minuto ng pagsakay namin sa elevator. Pagtingin ko sa paligid ay nakita kong kaunti nalang ang mga katrabaho ko, at ang ibang parte ng building ay wala na ring tao.
"Ma'am Tangerine, Ayos lang po ba kayo?" tanong sa akin ng guard namin habang ibinibigay ko sa kanya ang exit pass ko.
"Ayos lang ako Manong. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi. Salamat po sa pagtatrabaho ninyo!" sabi ko sa kanya at lumabas na kami ni Liam.
Sumakay kami sa kotse niya at nagtungo na sa restaurant na pagkakainan namin. Nanatili lang akong tahimik buong biyahe.
"Ako na ang o-order para sayo." sabi niya sa akin nang makarating kami sa restaurant. Tahimik na lang akong tumango sa kanya at hinayaang lumipad ang isipan sa kung saan.
Iniisip ko pa rin ang nangyaring iyon at sa tingin ko, kailan man hindi ito nawala sa utak ko. Para ba itong naka-replay at paulit ulit kong nakikita. Parang sirang plaka at paulit-ulit din akong nasasaktan.
Napakadali naman yata sa kanya na sukuan ako. Iyan ang laman ng isipan ko sa mga araw na lumipas. Ang dali-daling sukuan ng isang tulad ko, ang dali-daling mauto at maloko. Gusto ko lang naman ng totoo at purong pagmamahal pero bakit ganito palagi ang kapalit ng paghahangad ko?
Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas simula ng magkita kaming muli, akala ko ay pursigido talaga siyang bumawi sa akin pero nagkakamali lang ako. Nagpa-uto na naman ako. Hinayaan ko na naman siyang saktan ako. Binigyan ko na naman siya ng pagkakataong wasakin na hindi pa buong sarili ko.
"Kumain na tayo, late na tayo nakalabas ng kompanya." sabi ni Liam at dala ang mga pagkain na inorder niya.
Kumain naman kami ng tahimik ngunit ang utak ko ay paulit ulit na ipinapaalala sa akin ang dahilan ng pagkadurog ko ngayon.
Hindi na ako umabot sa lunch break ng matapos ako, hindi na ako nakakain ng tanghalian dahil sa pagka-abala. Ramdam ko ang gutom ngunit mas pinili ko na lang na tiisin ito dahil gusto kong maging maayos ang dinner namin ni Xian. Umalis na ako kaagad sa kompanya at nagtungo na sa restaurant.
"Reservation Ma'am?" tanong ng staff sa akin.
"Tangerine Amara Menendrez" sabi ko at ngumiti.
Iginiya naman ako ng staff sa pwesto na nireserved ko.Nagbayad naman ako kaagad para kapag dumating si Xian ay nakaayos na ang lahat. Maayos ang pagkaka-ayos sa lamesa meron itong beige na table cloth at black linings, may mga candles na nasa maliliit na jar at white petals ng mga roses. Nakakatuwang pagmasdan. Sana ay magustuhan niya ang simpleng ihinanda ko para sa kanya. Lihim naman akong napangiti sa tuwa. Excited na akong makausap siyang muli.
Ilang minuto na ang lumipas ay nakaramdam na ako ng gutom, pero tiniis ko ito dahil nais kong makasama sa pagkain si Xian, hindi naman maganda tingnan kung ako ang nag-aya at nauna pa akong kumain sa kanya. Hinayaan ko na lamang na mag-alboroto ang tiyan ko, binuksan ko na lamang ang cellphone ko upang maglibang libang, tila matatagalan pa si Xian sa pagdating.
Binuksan ko saglit ang instagram ko at pumunta sa account ni Xian, tiningnan ang mga ipinost nitong mga litrato. Nakita ko roon ang mga litrato ni Rigel, maging ang litrato namin doon sa resort. Nakakatuwa naman na makitang ganito ang itsura ng account ni Xian.
Nakarinig naman ako ng kwentuhan sa tabing lamesa, hindi ko muna ito tiningnan dahil isinara ko muna ang cellphone ko, titingin din ako sa paligid dahil baka nandito na si Xian.
Ibinalik ko naman sa shoulder bag ko ang cellphone ko.
"You're so handsome Xian, no wonder why Mom and Dad wanted me to marry you." narinig kong sabi ng isang babae sa katabi kong lamesa. Nakuha nito ang atensyon ko dahil sa pagbigkas ng pangalang Xian.
Ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Ang lalaking pinaghandaan ko ng isang dinner.
Ang lalaking hinihintay kong dumating.
Ang lalaking mahal na mahal ko.
Ang lalaking handa ko nang patawarin.
Ay may kasamang babae. Hindi basta babae, dahil kadugo ko pa mismo.
Hindi ko na inakala ang mga susunod na nangyari nakita kong hinalikan ni Amber si Xian sa labi nito bago napadako ang mga tingin nila sa akin. Nakangisi pa si Amber ng mapansin niya ang presensiya ko.
Kitang-kita ko ang paglaki ng mata ni Xian sa gulat ngunit bago pa man siya makatayo ay umalis na ako sa pagkakaupo at naglakad na papalabas ng restaurant. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa dahil ayokong makita niya ang luha sa mga pisngi ko.
"Tangerine! Baby! Hey! Let me explain please. It's not what you think." tuloy-tuloy lang ako sa paglakad, mas binilisan ko pa nga dahil ramdam ko ang pagsunod niya. Sakto namang may humintong taxi sa harap ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na sumakay.
"Ayos ka lang po ba Ma'am?" tanong pa sa akin ng driver ng mapansing umiiyak ako.
"Ayos lang po ako, Salamat po" tanging sabi ko lamang at ngumiti ng mapait. Bumaling ako sa bintana ng taxi at saktong umulan, kasabay ng patuloy na pagpatak ng mga luha ko.
"You're spacing out again. Care to tell me what happened?" sabi ni Liam.
Hindi ko na maiwasang mapayakap sa kanya at ibinuhos na ang mga luha ko. All I need now is comfort.
~0~
Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!
NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.
(I worked hard for this. So you better work on your own story.)
@_Sodaaaaa | 2020
BINABASA MO ANG
Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]
RomanceCURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yvo Villacer, due to their sudden engagement. Tangerine agreed to the engagement because of her parents. Her parents warned her. Kung hindi si...