(Enjoy Reading!)
~0~
TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW
Kinabukasan ay napag-desisyunan ko na huwag munang pumasok sa cafe. Ayoko na sana muling makita pa si Xian, dahil baka hindi ko mapigilan ang natitirang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman basta-basta mawawala ang pagmamahal ko para sa kanya, kaya lang, sinaktan niya ako. Mahirap din para sa akin na makita ang lalaking nanakit sa akin, bumabalik ang mga alaala sa utak ko, sobrang sariwa pa. Kaya hangga't maaari ayoko na muna siyang makita.
Napag-isip isip ko na mag-apply na ng bagong trabaho tutal fresh graduate naman na ako, para makalayo na rin sa presensiya ni Xian. Sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik lang sa isip ko ang mga nangyari noon.
"What?!" sigaw sa akin ni Yvo na pagka lakas-lakas. Hindi ko batid kung bakit ganyan ang reaksyon niya ng sabihin ko ang tunay ko ng pangalan, Tangerine Amara naman ang pangalan ko, anong nakakagulat roon?
"Tangerine Amara huh? Are playing games with me?" sabi niya sa akin at tila galit na galit. Doon na ako nakaramdam ng takot sa kaniya, sa ilang taon naming magkasama, he never shouted at me nor hurted me physically.
"Hindi, ano bang problema Yvo?" tanong ko dahil ako ay naguguluhan na rin ng sobra.
"So, what the hell is this huh?!" sigaw nito sa akin at ibinigay ang isang envelope.
Inabot ko naman ito at tiningnan. Marriage Certificate.
The piece of paper contains the details of their marriage, but the world is really playful. Her name wasn't registered in that powerful piece of paper. Her name was registered on the day they got married, instead she saw the name of a woman who plays a big role in her life. Her twin sister's name is imprinted to the marriage certificate and not hers.
Amber Alliara? Si Ate? Bakit pangalan niya ang nakalagay dito?
"Bakit...pangalan ni Ate ang nandito?" tanong ko. Paano nangyari ito?
"Ako pa talaga tinatanong mo?! Nagmamaang-maangan ka pa talaga Tangerine?!" sigaw nito sa akin.
"Hindi ko nga alam! Hindi ko alam! Wala akong ideya dito!" sabi ko at bumuhos na ang mga luha ko.
So, all this time, hindi ako ang nararapat sa posisyong ito, si Ate Amber dapat. Isa lang akong pamalit. Ipinagpalit na nga ako, pinagkaitan pa ng magandang buhay kasama ng pamilyang kakasimula ko pa lang mabuo.
"Umalis ka na dito. Ayoko nang makita ka pa. Ayokong makita ang isang tulad mo na manloloko at mukhang pera." sabi ni Yvo at umakyat sa kwarto namin. Hinabol ko siya at nakita kong inilalagay na niya ang mga damit ko sa maleta.
Niyakap ko naman siya ng mahigpit at pinipilit na pigilan siya.
"Patawad, wala talaga akong alam dito, please wag naman ganito." sabi ko at lumuhang muli. Kinalas naman niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya.
"Ayokong makikita ka pa." sabi niya at pinilit na binigay sa akin ang maleta.
Lumuhod ako sa kanya at niyakap ang kanyang mga binti ngunit pilit niya itong inaalis.
"Yvo, please pag-usapan natin 'to, yung pinagsamahan natin, si Rigel, paano na siya?" sabi ko at niyakap siyang muli. Nakatalikod siya sa akin at kitang-kita ko ang pag yukom ng mga palad niya.
"Wala na dapat tayong pag-usapan pa, Amara. Niloko mo ko. Yung pinagsamahan natin? talaga? May gana ka pang sabihin yan? Simula ngayon, yung pinagsamahan na sinasabi mo, wala na. At si Rigel? Hindi ko siya ibibigay sayo. Tandaan mo yan. Umalis ka na dito dahil ayoko ng makita ka." sabi niya at marahas na kinalas ang mga braso kong nakayakap sa kanya at iniwan akong mag-isa.
"Bakit?!" sigaw ko at tuluyang bumuhos ang luha at sakit na nararamdaman ko.
Inayos ko ang maleta ko at pumunta sa kwarto ni Rigel. Ngunit wala ito doon, marahil kinuha na siya ni Yvo at inilayo sa akin. Bakit naman ganito ang tadhana? Nais ko lang maging mabuting anak, asawa at ina, pero sobrang sakit lang ang palagi kong natatanggap.
Nag desisyon akong pumunta sa bahay nila Mommy at Daddy para sana makituloy. Wala aking ibang pagpipilian.Galit ako sa kanila pero sila nalang ang pamilya ko, pamilya pa nga bang matatawag.
"Diyos ko, Senyorita Amara, pumasok po kayo." bungad sa akin ni Manang Cess at kinuha ang maleta ko.
"Nasaan sila Mommy?" tanong ko sa kanya.
"Nasa dining room po Senyorita." sabi ni Manang, Kaagad naman akong nagtungo sa dining room, nandoon sila kumakain, tila napansin naman nila ang presensya ko pero biglang nagbago ang ekspresyon ni Mommy.
"Bakit ka nandito?" sabi ni Mommy. Malamig ang kanyang boses. Pati ba naman sila?
"Mommy, totoo bang si Ate Amber ang totoong asawa ni Yvo?" tanong ko.
"Oo! Ngayon alam na ni Yvo! Alam mo bang gusto niya ng putulin ang ugnayan ng Villacer Group of Companies sa Company natin?! Kasalanan mo ito e!" sabi nito. Naluha naman ako sa narinig. Tila mas iniisip pa rin nila ang company na yan kaysa sa akin. Sabagay, maging ako ay niloko nila.
"Bakit niyo po ito ginawa sa akin?" sabi ko sa malumanay na boses. Hinang-hina na ako sa mga nangyari ngayon.
"Hindi ka pa ba masaya na ginawa namin yon? Hindi ba't mahal mo naman si Yvo?" sabi ni Mommy.
"Sana po ay ako na lang ang inilagay niyo sa marriage certificate para hindi nagka-gulo. Masaya naman na kami." sabi ko. Tumayo naman si Mommy at ibinigay sa akin ang isang sampal na kahit kailan ay hindi ko inasahang ibibigay niya sa akin.
"Dahil kailangan ay panganay na anak ko ang ikakasal sa Villacer na yon! Ipinalit lang kita dahil tinutupad pa ng ate Amber mo ang mga pangarap niya sa New York!" sabi ni Mommy.
"Pang-palit niyo lang po ako, ganoon po ba?" sabi ko sa mapait na tono.
"Wala kang karapatang mag-reklamo." sabi ni Mommy.
"Anak niyo po ba ako? Ano po ako sa inyo? Mom? Dad?" tanong ko ngunit isang sampal na naman ang aking natamo.
"Wala kang utang na loob! Lumayas ka rito! Hindi ka namin kailangan!" sabi ni Mommy.
Labag man sa loob kong umalis pero umalis na rin ako dahil alam kong hindi naman ako tinuturing na parte ng pamilyang ito. Dinala ko na ang maleta ko at umalis na sa mansyon.
Naglakad lamang ako kahit na hinang-hina ang pagod na pagod na ako. Napapaisip pa rin ako kung ano pa bang dahilan ko para ipagpatuloy ang buhay?
Ang pamilya kong wala ng ibang inintindi kundi ang ate ko na siyang bida sa mata ng lahat.
Ang anak kong si Rigel na dapat na nagpapagaan ng nararamdaman ko ngayon ay wala na at inilayo na sa akin.
At ang lalaking mahal na mahal ko, na hindi ko akalain na gagawin sa akin ang lahat ng ito.
I suffered so much, do I deserve all of this?
~0~
Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!
NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.
(I worked hard for this. So you better work on your own story.)
@_Sodaaaaa | 2020
BINABASA MO ANG
Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]
RomanceCURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yvo Villacer, due to their sudden engagement. Tangerine agreed to the engagement because of her parents. Her parents warned her. Kung hindi si...