(Enjoy Reading!)
~0~
Eskandalo
TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW
"Mommy, Teacher Bella said that I need to do this activity po and then pass it to her through your phone by taking a picture of it." sabi sa akin ni Rigel na ngayon ay nasa kaniyang online class.
"Okay baby, give your best." sabi ko at iniwan muna siya sa living room. Pumunta muna ako sa kwarto namin dahil may mga gawain din ako sa opisina, atsaka para na rin mabantayan ko si Zekrom kahit papaano.
Binuksan ko na ang laptop ko at pumunta na sa site ng Villamonte Group of Companies para asikasuhin ang mga investor's letters and schedules. Pero kahit nagtatrabaho ako ay kausap ko pa rin si Liam sa telepono ng sa ganoon ay mapag-uusapan pa rin namin ang mga maaaring komplikasyon sa mga schedules o sa kung ano man.
"Kumusta kayo dyan?" sabi ni Liam.
"Ayos lang naman Liam, nasa online class si Rigel kaya iniwan ko muna sa ibaba." Sabi ko at nagsimula nang mag-type ng mga dokumento.
"Ikaw kamusta ang pag-uwi mo dyan? Baka naman naabala ka na namin sa pagpunta mo dito." sabi ko sa kanya.
"Sus. Ano ka ba Tangerine, ilang taon na tayo mag-kasama atsaka ka pa nagsabi ng ganiyan." sabi ni Liam, narinig ko naman ang pagtitipa niya sa laptop niya.
"Salamat ulit Liam, daan ka na lang dito kapag may kailangan ka, okay?" tanong ko sa kanya.
"Yes po, Ma'am." biro niya.
"How's Zekrom anyway?" tanong niya.
"He's fine as of now. He's sleeping." sabi ko at napabaling sa higaan naming kung nasaan si Zekrom na napapaligiran ng unan upang hindi mahulog.
"That's good, akala ko ay umiiyak siya ulit. Nasabi kasi sa akin ni Rigel kahapon na umiyak daw si Zekrom at hindi niya alam ang gagawin." sabi niya.
"Ah oo, ganoon nga ang nangyari kahapon habang nagdidilig ako ng halaman sa bakuran ay sinabi sa akin ni Rigel na umiiyak si Zekrom. Tapos nung tiningnan ko, pina-dighay ko siya kaya ayun tumigil sa pag-iyak at natulog ulit." sabi ko.
My son, Anixus Zekrom Menendrez. My almost 3 months old baby boy. Kamukhang-kamukha ng kanyang ama si Zekrom. Mula sa kilay, mata hanggang sa labi. Katulad din ng mukha ng panganay ko na si Rigel. Anixus, that name is suggested by Liam. While the name Zekrom, is from Rigel, from a legendary pokemon, funny right? But it's fine, because when I was pregnant, Rigel always watch cartoons and one of that is pokemon. And the name Zekrom looks unique kaya ipinangalan ko na rin ito sa anak ko.
Noong ipinanganak ko si Zekrom, muntik na akong mag-kritikal dahil tumaas ang blood pressure ko, pero laking pasasalamat ko sa Diyos at hindi niya kami pinabayaan ng pangalawang anghel ko.
"You know what, you should quit in my company, Tangerine." Sabi ni Liam na ikinalungkot ko.
"Bakit? Nakakaabala na ba ako sa trabaho?" tanong ko.
"No. Silly, what I mean is, magtayo ka na lang ng business diyan sa lugar niyo. Wala namang nakakakilala sa inyo diyan. Atsaka ako pa rin bahala sa stocks, pati na rin sa mga gagamitin para sa paninda mo, para naman ma-enjoy mo naman dyan hindi yung palagi kang tutok sa laptop mo." sabi ni Liam sa akin.
"Hmmm, pwede din kaya lang mas makaka-abala pa ko sayo lalo, mas dadami pa ang ilalaman mo sa kotse mo at mas bibigat ang mga bubuhatin mo papunta rito." sabi ko sa kanya.
"Of course not, may mga helpers naman dito sa bahay ko. I can send you one para kung busy ako ng sobra sa trabaho, siya na ang bibili ng ingriedients mo for your business." sabi ni Liam sa akin.
"Masyado ka namang mabait, Liam. But let me think about it." sabi ko.
Maganda rin na magkaroon ako ng kahit na simpleng lutong ulam o mga meryenda na negosyo, para magamit ko rin yung skills ko sa pagluluto. Pero ayoko munang iwan si Liam sa trabaho niya, dahil lagi na lang niya kaming inaalagaan, tinutulungan at sinasamahan mag-iina. Kaya kahit na kaunti man lang ay makatulong man lang ako sa kanya sa kompanya niya. Para na rin hindi masayang ang pinag-aralan kong apat na taon sa kolehiyo.
Bubuksan ko na sana ang bagong files na dumating sa goggle account ko nang biglang pumasok si Rigel sa kwarto.
"Mommy, I'm done na po, take a picture of it po and send it to teacher Bella." sabi ni Rigel sa akin. Tumango naman ako at kinuha ang gawa niya at kunuhaan ng litrato at ipinasa sa teacher niya. Ito na kasi ang huling klase ni Rigel ngayon kay Ma'am Bella kaya kailangan na ipasa agad ang activity.
"I sent it na to teacher Bella. Go downstairs baby, may ginawa akong bacon and ham sandwich doon sa table. You can also watch your favorite cartoon on the television, and after watching, you sleep here okay?" bilin ko sa kanya.
"Yes po Mommy, Thank you po!" sabi niya sa akin. Humalik muna siya sa aking pisngi bago umalis.
"I will off speaker this call Tangerine, don't talk okay? Just Listen, Xian is here." Sabi ni Liam sa telepono na ikinabahala ko kaya nanatili na lamang akong tahimik.
"Mr. Villacer, what brought you here?" rinig kong pagsisimula ni Liam.
"You already know what I want, Mr. Villamonte. And give it to me." matigas na ingles ni Xian.
Ito na naman ang nararamdaman ko, hindi ko na naman maintindihan, isang taon lang ang nakalipas magmula nang huli kong marinig ang boses niya, noong araw na nakita ko sila ni Amber. At yung mga pagkakataon na muntik na niyang matunton ang tinutuluyan namin ay kaagad naming siyang inuunahan kaya kailan man ay hindi ko na narinig pang muli ang boses niya. Para pang paos ito ng kaunti sa ngayon.
"I already told you Mr. Villacer, once my employee left my company, I don't give a damn about them anymore." Bahagya akong nagulat sa paraan ng pananalita ni Liam.
"I know that you know where is my wife and daughter, f*cking tell it. Kung ayaw mong mag-eskandalo ako dito." sabi ni Xian kaya kinabahan ako.
"How unprofessional, Mr. Villacer." sabi ni Liam.
"I don't care about what you're saying. All I need is the location of my wife and daughter. At kung hindi mo yon sasabihin magkakagulo tayo dito." Sabi ni Xian.
"Security, pakialis na nga ang lalaki na ito dito. Wala akong appointment sa kanya, bakit niyo siya pinapasok?" tanong ni Liam.
"Sorry, Sir Liam." sabi ng security guards, narinig ko pa ang pag-pupumiglas ni Xian mula sa hawak ng mga guwardiya.
"Don't f*cking touch me. You can't take them away from me Villamonte. Hinding-hindi mo maangkin ang pamilya ko. Gawin mo man ang lahat ay hihigitan kita. Magkamatayan man tayo"
~0~
Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!
NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.
(I worked hard for this. So you better work on your own story.)
@_Sodaaaaa | 2020
BINABASA MO ANG
Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]
RomanceCURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yvo Villacer, due to their sudden engagement. Tangerine agreed to the engagement because of her parents. Her parents warned her. Kung hindi si...