Chapter 10

5.6K 146 3
                                    

Enjoy Reading!

~0~

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW 

I'm so surprised to see her here. Hindi ko inakala na rito ko makikita ang Ate ko. Yes, Ate ko, wala naman akong magagawa e, I know I sound like a b*tch but they were the reason why I am like this.

"Mommy, she's your sister po right? Go on, call her po." sabi ni Rigel. 

"No baby, hayaan mo muna siya, I think busy siya diyan sa table niya." sabi ko at mukhang naintindihan naman niya. Ilang sandali pa ay dumating na si Xian at dala-dala ang mga pagkain namin. 

"Daddy! Yehey! I love these foods po. Thank you po Daddy!" sabi ni Rigel at nagsimula nang kumain.

"Salamat." pagpapasalamat ko sa kanya nang ilapag niya sa harap ko ang pagkain. Nagsimula na rin akong kumain dahil nagugutom na rin ako. Tanging hiling ko lang ay sana hindi ako makita ni Amber. She looks happy and contented with her life. Sino ba namang hindi? Nasa kaniya na ang lahat, kasikatan, pagmamahal ng mga magulang namin, pagiging legal na asawa ng lalaking mahal ko, at masaganang buhay. I envy her so much, because she's a peace while me? I am living in a miserable life.

"Mommy, can I add some fries again?" tanong ni Rigel.

"Okay, yung regular size lang ah? Baka ma-overeat ka." sabi ko at tumayo na para bumili ng regular fries.

"Sorry Miss." sabi ko noong may mabangga akong babae, didiretso na sana ako sa counter pero hinila nung babae ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

Amber.

"Amara! Thank God at nakita rin kita." sabi niya at niyakap ako. Ang plastik a.

"Let go of me." sabi ko, mahihimig mo ang lamig sa aking boses. Hindi ako natutuwa na makita siyang muli lalo na't siya ang dahilan ng lahat ng kamalasan sa buhay ko. I know I am being unfair because it seems like she doesn't have any idea but it's imposible for her not to know everything, because I am expecting her to do something, but it's been years and nothing happened, she didn't even moved.

Binitawan naman niya ko at bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Why? Kumusta ka na ba? Anong problema? Sabihin mo sa Ate." sabi niya kaya napangisi ako.

"Talaga? Tinatanong mo yan Amber?" sabi ko. 

"Hindi kita maintindihan, Amara, call me Ate please." sabi niya at hinawakan ang kamay ko pero binawi ko ito kaagad sa marahas na paraan.

"Why I should call you that way huh?" sabi ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagtataka. Pilit niya pa ring inaabot ang mga kamay ko pero pilit ko itong inilalayo sa kanya. Aalis na sana ako pero hinila niya pa rin ako kay naitulak ko siya ng bahagya.

"I really don't understand you Amara. Please tell me what's wrong." sabi niya.

"I also can't understand you. Hindi ko alam kung saan kayo kumukuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha para lumapit sa akin na parang walang mga ginawang kasalanan." sabi ko.

"Let's talk outside Amara please. Let's talk properly." sabi niya at hinila ako palabas.

Pilit akong pumipiglas pero sadyang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko kaya wala na akong nagawa pa. How dare them? Wala na ba silang hiya? Matapos ng lahat ng pang-gag*go nila sa akin ay lalapit sila ng parang wala lang? Ganoon ba ko katanga at uto-uto sa tingin nila? 

"Let's talk here. Pag-usapan natin ang problema mo, dahil hindi na kita maintindihan." sabi niya ng tumigil kami sa parking lot ng mall.

"Kayo ang hindi ko maintindihan! Ni hindi ko nga maisip kung kailan niyo ko tinuring na pamilya! Umalis ka na pwede? Lubayan mo na ako dahil pagod na pagod na ako sa mga pang-gag*go niyong lahat! Sawang-sawa na ako!" sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang lungkot at pagtataka sa kanyang mga mata.

"Wala talaga akong maintindihan Amara, Please, sabihin mo ang problema." sabi niya.

"You want me to say those? Really?" sabi ko.

"Yes, Amara. Please." sabi niya.

"Ipinakasal nila ako sa iba dahil sayo! Para matupad mo ang pangarap mo! Pero nalaman ko, t*ngina. Niloko nila sarili nilang anak? Ginamit nila sariling anak?  Akala ko swerte na ko kasi napunta sa akin si Xian dahil mahal ko siya, mahal namin ang isa't-isa. Pero, ikaw! Pangalan mo ang nakasulat sa letcheng marriage certificate na yon! Bakit ba lahat ay pabor sayo? Bakit ikaw lang ang gusto nilang nasa maayos na kalagayan? Bakit ikaw lang ang may karapatan maging malaya? Bakit lahat ng oportunidad nasa iyo? Bakit nila ako tinakwil? Bakit nila nilayo sa akin ang anak ko? Bakit niya ko iniwan? Bakit lahat ang para sayo?! T*ngina! Bakit ikaw lang pwedeng maging masaya ha? Bakit ikaw lang?! Bakit? Ano bang meron sayo na hindi nila makita sa akin? Ingitera na ba ko nito?" sabi ko at bahagyang natawa ng sarkastiko at ipinahid ang pesteng luha na kumawala sa aking mata.                     "Inggit ako sayo kasi ikaw lang ang may karapatang maging masaya! Ngayon alam mo na ang problema ko, pwede ba wag ka nang magpapakita sa akin?" sabi ko.

"I'm sorry, I didn't know you felt that way. I'm sorry." sabi niya at umiyak na rin.

"Hindi mo talaga malalaman dahil masaya ka doon! Tinutupad ang mga pangarap mo habang ako hindi na nakapag-aral pa." sabi ko.

"I'm sorry. Let's fix this please." sabi niya at humikbi.

"Huwag mo akong iyakan, dahil baka sabihin na naman nila ay wala akong kwentang kapatid dahil pinapaiyak ko ang paborito ng lahat." sabi ko.

"Aalis na ko. Tumigil ka na dyan." sabi ko at tumalikod na.

"We're looking for you for the past months..." sabi niya pero hindi ko na siya pinansin pa at bumalik na sa loob ng restaurant dahil panigurado ay hinihintay na ko ng anak ko.

"Really? Anong kalokohan ang sinasabi mo?" sabi ko.

"This is not a joke, Amara! It's true that we are looking for you." sabi niya pa.

"Hindi na ako maniniwala pa, kahit sa isa man sa inyo. Hindi na ako uto-uto katulad noon. Kaya pwede ba? Patahimikin niyo naman ang buhay ko! Lubayan niyo na ako." sabi ko sa kanya.

Inis na inis na ako sa kanya, parang gusto niya pang makipag-ayos ako sa kanila. Hindi ba nila nakikita na hindi ko pa kaya? Sobrang sakit pa rin, at sa tingin ko nga ay hindi ko na ito malilimutan pa.

"And you know what hurts me the most? You didn't move to fix or help me. Hindi ka man lang gumalaw habang ako umaasang lalapitan mo ako at tutulungan."

"Just this time, huwag mo na ipagkait sa akin ito, lubayan niyo ko. Ayokong makita kayo."

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon