Prologue

23.3K 343 63
                                    

Tangerine Amara Menendrez

"Tangerine, since you are in the legal age, we want you to marry our investor's son." sabi ni Clarisse na ina ni Tangerine.

Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa aking sa narinig. Marriage never crossed my mind. All I wanted to do was to be a furniture designer. I only wished to hold a sketchbook and a pencil, not a ring from a stranger that I don't even love.

Wala pang bente-kuwatro oras nang tumungtong ako sa edad na labing-walo. Ni hindi ko pa nabubuksan ang mga regalong natanggap ko. Wala pang isang araw akong labing-walong taong gulang at ito agad ang aking maririnig? Ang pagpapakasal na maaga pa para sa akin. Isa pa, paano ko magagawang magpakasal sa taong hindi ko kilala at higit sa lahat, hindi ko naman mahal?

"But, why Mom?" tanong ni ko sa aking ina.

"This is for our company's sake, Tangerine. We can't let our company go down, so we need their help, and we need you to cooperate with us." sabi ni Clarisse.

"Mommy, can I think about it first?" tanong ni Tangerine.

Hindi ba't masyado pang maaga para magpakasal ako? Lalo na't hindi ko naman kilala ang lalaking iyon, at lalong hindi ko siya mahal. Isang sagradong pangyayari sa buhay ng isang babae ang kasal, at kailanman ay hindi ko iyon ninanis na ibigay at gawin na lamang basta-basta.

"Wala ng panahon pa para mag-isip ka Tangerine. Kailangan mo nang pumayag dahil hindi lang ito para sa amin, para rin ito sa kinabukasan mo." sabi ni Mommy sa akin. Napayuko ako, nag-iisip ng maaaring sabihin.

"But..." sabi ni Tangerine.

"No buts, Tangerine. Kapag umayaw ka itatakwil kita bilang Menendrez." sabi ng aking ina.

Paano ako tatanggi kung kapalit nito ay ang pagtatakwil sa akin?

Paano ako tatanggi kung ito lang ang paraan para kahit papaano ay matuwa sila sa akin?

Ano pang laban ko kung una pa lang ay wala sa isang porsyento ang tiyansa na manalo ako sa kanila.

"What?!" sigaw ni Xian. Kalat na kalat sa buong silid ang sigaw nito at masasabing iba ang galit na nararamdaman nito ngayon.

Nalilito naman ako sa nangyayari. Maayos lang kaming nag-usap kaninang umaga, we even exchange kisses and hugs as if we can't live without each other, ngunit ano nangyayari ngayon. This is not the Xian I know and I learned to love.

Nakaramdam ako ng matinding takot, binalot ako nito dahil hindi ito pangkaraniwan sa naging relasyon namin ni Xian.

Kahit hindi maganda ang naging dahilan ng aming pagpapakasal, kahit na ito ay tungkol lang noon sa pera, kapangyarihan, at negosyo, dumating kami sa panahon kung saan namin napagdesisyunan na subukan mahalin ang isa't-isa. Hindi naman kami nabigo dahil tila pumapabor din ang mundo sa mga bagay na gusto namin. We love each other, but seeing how rageful he is right now, I don't think there is a hint of love in his eyes anymore.

Xian Yvo Villacer is a very serious, formal, calm, and composed person. Hindi nito ugaling magalit o magpadala sa kung ano mang emosyon.

Hindi ko alam kung bakit ganyan ang reaksyon niya ng sabihin ko ang tunay kong pangalan, Tangerine Amara naman ang pangalan ko, anong nakakagulat doon?

"Tangerine Amara huh? Are playing games with me?" sabi ni Xian. Halata sa mukha nito na siya ay galit na galit.

"Hindi. Ano bang problema? May nangyari ba, love?" tanong ko sa kaniya. Dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. I stayed calm, dahil walang mangyayari kung pareho kaming magpadala sa mga emosyon namin. 

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon