(Enjoy Reading!)
~0~
Sweet bites, Sweet life
TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW
"Sinundan ako ni Xian papunta dito, mabuti na lang at nailigaw ko siya bago pa ako makarating dito, kung hindi, natunton na naman niya kayo." sabi ni Liam na ikinagulat ko.
"Ano?!" nagugulantang na sabi ko. Mabuti na lang at nailigaw niya ito kung hindi, magkakagulo na naman. At masama pa dahil hindi namin alam ang gagawin, baka kung saan na naman kami manirahan para lang makalayo sa kanya.
"Pasensya ka na, hindi ko inakala na magagawa niya akong sundan. Huwag kang mag-alala Tangerine, mas mag-iingat na ako sa susunod" sabi ni Liam.
"Salamat sayo Liam. Ayoko na siyang makitang muli, at lalong ayokong makita niya si Zekrom at si Rigel." Madiin na sabi ko kay Liam.
Tumango naman siya sa akin, "Alam ko, pasensya ka na ulit." Sabi niya.
"Halika sa kusina, kumain na muna tayo." Sabi ko at iginiya siya patungo sa kusina.
"Bakit tuwing dadating ako ay may luto ng pagkain? Ang swerte naman ng timing ko." biro ni Liam kaya natawa ako.
"Sadyang tuwing tanghalian ka kasi dumadating." sabi ko at naupo na, maging siya ay naupo na rin sa upuan na palagi niya pinupwestuhan.
Habang kumakain ay patuloy pa rin ang pag-uusap naming sa iba't ibang bagay. Maging si Rigel ay nagkukwento rin kay Liam ng kung ano-ano.
"Tito Liam, I really love jigglypuff. I want a stuff toy of it po. Also pikachu and squirtle." Sabi ni Rigel.
"Rigel, stop it." malumanay na saway ko, kaya nanahimik si Rigel habang kumakain.
"It's okay Tangerine, I love spoiling this cute little girl so much." sabi ni Liam at ginulo ng kaunti ang buhok ni Rigel. Kaya natuwa naman ang panganay ko.
"Yehey! Thank you po tito Liam!" pagpapasalamat ni Rigel at humalik sa pisngi ni Liam.
"You're always welcome, baby. By the way Tangerine, what's your plan about my offer?" tanong ni Liam sa akin.
"Actually nakapag-desisyon na ako, I will take it. Kailan tayo magsisimula?" tanong ko sa kanya.
"Ngayon na kung gusto mo, I have no work for 2 days, kaya matutulungan kita." Sabi niya sa akin kaya nagulat naman ako. May pagka-workaholic ang taong 'to and no work for 2 days? That's quite surprising.
"No work for 2 days? Why so sudden?" tanong ko sa kanya bago sumubo ng kanin.
"Well, my Dad is here in the Philippines. Kaya siya muna ang mamamahala sa kompanya, He misses to handle a company, kaya hinayaan ko na rin." sabi niya at ngumiti.
"Ganoon ba, akala ko liliban ka para matulungan ako. Ayoko na sana kitang maabala, Liam. Sobra-sobra na ang tulong mo sa amin. Ayokong abusuhin ka." sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba, I'm always here for you, and for these cute little angels. It's fine with me, I love doing these things for you." sabi ni Liam, na ikinatuwa ng puso ko. Maswerte ang babaeng mamahalin nitong muli kung sakali. Napakabuting tao.
"Maraming Salamat sayo Liam. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Babawi ako, pangako." sabi ko at ngumiti sa kanya.
Matapos naming kumain ay naglaro muna si Liam at Rigel sa sala kung nasaan din naka-pwesto si Zekrom, habang ako ay naghuhugas ng mga pinggan. Kaunti lang naman ang mga hugasin kaya hindi ako natagalan.
Inaamin ko, talagang natakot ako nang malaman na muntikan ng masundan ni Xian si Liam sa pagpunta dito, ilang buwan na rin kaming natahimik sa pagtuloy dito sa bahay na ito. Kaya kung sana ay huwag na niya kaming matunton pang muli, dahil alam kong guguluhin na naman niya kami at higit sa lahat, sasaktan na naman niya ako.
"Wait mo si Tito, Rigel okay? Mag-uusap lang kami ng Mommy mo." sabi ni Liam at tumayo sa pagkakaupo.
Lumabas muna kami ni Liam sa bahay at nagtungo sa likod bahay, mayroon kasi doon na mahabang kahoy na upuan.
"Anong business nga pala ang naisip mo Tangerine? Para makapagsimula na tayo sa pag-aayos ngayong araw" sabi ni Liam sa akin. Sa totoo lang, hilig ko na talaga noon pa ang pagbe-bake ng mga cakes, cupcakes, at kung ano-ano pang mga sweets.
"Gusto ko sana ng dessert shop. Tutal mahilig akong gumawa ng sweets." Sabi ko sa kanya.
"That's nice, you know how much I love sweets, baka ako ang palagi mong customer." natatawang saad ni Liam.
Totoo nga 'yon, talagang mahilig sa matatamis itong si Liam. Halos siya nga ang umuubos ng mga cookies at brownies na ginagawa ko rito sa bahay.
Parehas sila ni Rigel, pero lagi ko pa ring pinapaalalahanan si Rigel na magsipilyo, minsan pa naman ay nakakarami ito sa pagkain ng matatamis kaya sumasakit ang ipin, umiiyak pa naman ito kapag may tooth ache.
Ang naisip ko naming pangalan ng business ko ay Sweet Bites, Sweet Life. Inspired din ito sa nabasa kong nobela noong nakaraang araw. Ngunit natutuwa akong pagmasdan ang pangalan na nagawa ko kagabi. Dahil may parte sa puso ko na alam kong magugustuhan ng mga tao ang mga gagawin kong panghimagas.
At sa tingin ko rin ay magiging mabenta ito, lalo na walang gaanong tindahan ng mga meryenda dito sa subdivision. Nakakatuwa sigurong magsimula, lalo na't kasama ko rin si Rigel na talaga namang mahilig rin gumawa ng mga desserts.
"Anong naisip mong pangalan?" tanong ni Liam.
"Sweet Bites, Sweet Life, Ayos ba?" natutuwa naman itong tumango sa akin.
"Panigurado magiging mabenta iyan, masarap ang mga ginagawa mong desserts, maging sila Mommy, nung minsan napadalhan mo sila, sarap na sarap sila. Kung kailan ka pala hindi busy, baka naman, gawaan mo ako ng tig dalawang box ng brownies at cookies, ipapasalubong ko roon sa bahay." sabi ni Liam.
Natuwa naman ako. I feel so excited about it. Maliit na bagay lang ang mga desserts na iyon, pambawi sa lahat ng tulong na naibigay ng pamilya ni Liam sa aming mag-iina.
Ito na talaga ang panibagong simula ko, New home, New Environment, New life and a new version of me.
~0~
Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!
NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.
(I worked hard for this. So you better work on your own story.)
@_Sodaaaaa | 2020
BINABASA MO ANG
Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]
RomanceCURRENTLY EDITING. Acquisitive Billionaires Series 1: Xian Yvo Villacer Tangerine Amara Menendrez met Xian Yvo Villacer, due to their sudden engagement. Tangerine agreed to the engagement because of her parents. Her parents warned her. Kung hindi si...