Chapter 38

5.9K 78 14
                                    

(Enjoy Reading!)

WARNING: GUN SHOTS, HIJACK SCENES AND HARSH WORDS AHEAD. (If this may trigger you, you can freely skip this part. Thank you.)

~0~

"Diyos ko! Ma'am Sir, may balita po akong narinig! Isantabi na po muna natin ang gulo. Ang senyorito Xian po. Si Senyorito Xian po ay nasa ospital ngayon. Ang sinasakyan niya pong e-eroplano mayroong nakasakay na isang lalaki na may baril. Diyos ko po. Nabaril po si Sir Xian."

Tila naman gumuho ang mundo ko dahil sa aking narinig. Halos mabingi ako dahil sa huling mga salitang narinig ko. Hindi ko na nga alam kung nasaan siya, nangyari pa ito. Mas lalo akong nag-aalala, hindi lang para sa relasyon namin ngunit higit sa kaligtasan niya.

"What?!" malakas na sigaw ni Mrs. Villacer.

"Don't panic, honey. Let's go the airport and police station." sabi ni Mr. Villacer.

"P-Pumunta na po tayo doon. God, please. Guide Xian. Don't let something bad happen to him." mahinang saad ko at akmang susunod na sa mag-asawang Villacer nang harapin ako bigla ng ginang.

"Don't you dare come with us! It's your fault why he left! It's you d*mn fault why he's nowhere to be found! And got shot!" sabi nito at nauna nang lumabas sa gate.

Napayuko ako dahil sa mga salitang binitawan niya. Ang mga salitang iyon ay parang isang kutsilyo na tumarak sa aking dibdib dahil batid ko rin na totoo ang kaniyang mga sinambit. Tunay nga na kasalanan ko ang lahat kung bakit ito umabot sa ganitong punto. Dahil sa katigasan ng puso ko, dahil sa pilit kong pagsara nito sa nagtatangkang pumasok na si Xian, ngayon ay nawawala siya at nasa hindi magandang kalagayan.

Yes, It's my fault. It's all my fault. I'm so sorry Xian. Forgive me.

"I'm sorry hija, Just let Rogelio come with you in the airport. Doon nalang kayo makibalita." sabi ni Anton Villacer sa akin. Kahit papaano ay napagaan nito ang aking kalooban. Mapait akong napangiti at pumunta na sa pinagparkehan ng body guard. Nandito pa rin sila at tila hinihintay na lamang ako dahilparang handang-handa na silang umalis at sumunod sa kotse ng mag-asawang Villacer.

"Ma'am Tangerine, nabalitaan ko po ang nangyari kay Sir Xian. Halika po at sasamahan ko kayo patungo sa airport." sabi ni Rogelio at inalalayan ang tulalang si Tangerine papasok sa sasakyan.

"Airport? Bakit sa airport?" nagtataka kong tanong sa kanila.

"Nasabihan po kami ni Sir Anton at Sir Quade na siyang may-ari ang paliparan na nakabalik naman raw po ang eroplano sa paliparan. Kaya roon po tayo didiretso." sabi sa akin ni Rogelio. Tumango ako at mabilis na sumakay ng sasakyan. Kaagad naman nila iyong pinaandar.

Tulala lang ako at tila nasa ibang mundo. Marahil naokupado na ng masasakit na pangyayari ang isip aking isip. Tanging laman na lang noon ay ang mga mararahas na bagay na sana ay hindi mangyari. It's all my fault. Kung sana hindi ako nagmatigas, hindi siya aalis. Hindi mangyayari ito sa kanya. Sa panahong iniisip ko ang kalagayn ni Xian, hindi ko maiwasang mapaluha. Sumasakit na ang aking buong mukha dahil sa sampal na aking natamo, na mas pinahapdi pa ng aking mga matang kanina pa lumuluha. Ngunit sa kabila noon, mas nananaig ang kirot sa kaniyang puso na para sa kaniyang pinakamamahal na lalaki. Maging pag-aalala sa kalagayan nito. Taimtim akong nagdarasal na sana ay maging maayos ang kalagayan niya, na sana kapag nakarating kami roon ay magandang balita ang sasalubong sa akin.

Punong-puno ako ng pagsisisi, kung sana ay hindi ako nagmatigas, kung sana ay hinayaan ko siyang magpaliwanag, kung sana ay hindi ko hinayaan na kainin ako ng galit. Kung sana ay pinatawad ko na siya, hindi ito mangyayari. Dahil kailan man, kahit na nasaktan niya ako ng ilang beses, hindi ko ito nanaisin na mangyari. Masakit ang mga nagawa niya noon sa akin, pero mas masakit kung mawawala siya ng tuluyan. Mas masakit, mas ikakasira ito ng buong pagkatao ko.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon