Chapter 17

4.2K 110 3
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

New Work And A New Friend

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

Kasalukuyan akong nandito sa condo unit nila Dahlia at Lance. Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang napag-usapan namin ni Liam. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung huling pagkikita namin ni Liam kaya nakapag isip-isip ko na siguro ito na ang panahon para magamit ko ang mga pinag-aralan ko, alam ko naman na maiintindihan ito ni Lance at Dahlia.

"So, bakit ka napapunta dito? Na bored ka ba sa unit mo?" tanong sa akin ni Dahlia habang hawak-hawak si baby Clark. Kinuha ko naman sa kanya si baby Clark dahil nais ko ito biglang hawakan. Sobrang cute niya, pinaghalong mukha talaga ni Dahlia at Lance, hating hati. Walang nakalamang. Hindi tulad ni Rigel na konti lang ang nakuha sa akin, puro kay Xian.

"May sasabihin sana ako sa inyong dalawa." sabi ko sa kanila, Si Lance naman ay kakapasok lang sa sala, galing ito sa kusina at nagluto ng konting meryenda. Actually nagsarado muna kami ng shop dahil day-off ng bawat isa.

 "Ano yun? Na nagkabalikan na kayo ni Xian?" sabi ni Dahlia at tila nang tutukso pa.

"Of course not! Ano ka ba Dahlia!" saway ko sa kanya ngunit tinawanan niya lamang ako. 

Ibinalik ko naman sa kanya si baby Clark, at kumain ng ginawang bacon and ham sandwich ni Lance.

"So, ano ang sasabihin mo?" tanong naman ni Lance at nagsimula na ring kumain, ganoon din si Dahlia.

"May nag-alok sa akin ng bagong trabaho, since fresh graduate naman ako, gusto ko sanang i-grab yung opportunity. Magpapa-alam lang sana ako sa inyo." sabi ko.

"Hmmm, anong work daw?" tanong ni Lance sa akin.

"Secretary, sa Villamonte group of companies." sabi ko sa kanya.

"Wow, that's quite a big company, you should grab the opportunity." sabi niya at tumango naman sa akin si Dahlia, tila sumasang-ayon sa sinabi ng asawa.

"Is it okay with you, guys? I mean, for sure aalis muna ako a shop." sabi ko.

"Of course, atsaka mas pasok naman ang trabahong iyon sa kursong kinuha mo atsaka para magamit mo ang mga pinag-aralan mo sa kolehiyo. At bakit ka naman namin tututulan? Hindi naman namin hawak ang buhay mo, Tangerine. Hangga't may oportunidad, kunin mo. Dahil hindi lahat ng tao ay nagkakaroon niyan." sabi ni Lance sa akin at ngumiti.

"Salamat sa inyo." sabi ko sa kanila at ngumiti, gumanti rin naman sila sa akin. Minalas man ako sa pamilya, sinuwerte naman ako sa mga kaibigan.

"Paano ka pala inalok ng trabaho?" tanong bigla ni Dahlia. Hindi ko pala nasabi sa kanila ang naging pag-uusap namin ni Liam nitong nakaraan.

"Pumunta sa shop natin si Sir Liam, kumain siya doon. Tapos nagkaroon kami ng konting pag-uusap, minsan rin daw kasi siyang nagtrabaho bilang waiter, nilibre niya kami ng pagkain. Tapos biglang pumasok iyon sa usapan namin at doon niya ako inalok ng trabaho." sabi ko sa kanila.

"Hmmm, so mag-kaibigan na rin pala kayo kahit papaano." sabi ni Dahlia.

"Oo, parang ganun na nga. Marami na rin siyang naikwento sa akin na tungkol sa kanya." sabi ko at muling uminom ng coke na ihinanda rin ni Lance.

"Mabuti, go, grab the opportunity, kailan mo siya pupuntahan para sabihin na tinatanggap mo ang trabaho na inaalok niya?" tanong ni Lance sa akin.

"Ngayon na sana, nagpaalam lang kasi muna ako sa inyo. Aalis na rin ako." sabi ko sa kanila.

"Aalis ka na rin pala." sabi ni Dahlia at tumayo na. "Hatid ka na namin sa labas." sabi nilang dalawa.

Hinatid nga nila ako sa labas ng condo unit nila matapos kong magpaalam. Pagkatapos ay sumakay na rin ako ng taxi papunta sa building ng Villamonte Group of Companies.

Ilang minuto rin ang inabot ng naging biyahe ko patungo sa kompanya ni Liam, halos dalawang daan rin ang ibinayad ko sa taxi. 

Nang makarating ako doon, halos malula ako sa laki at taas ng building na pag mamay-ari ni Liam. Pagkapasok ko naman ay tinanong kaagad ako ng guwardya. "Miss anong kailangan mo?" sabi nito sa akin. "Mag-aaply po ako ng trabaho." sabi ko at ngumiti. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko, may mali ba sa sinabi ko?

"Miss, walang hiring dito." sabi niya sa akin kaya napakunot na rin ang noo ko dahil sa pagtataka, hindi kaya nakahanap na siya ng bagong sekretarya dahil sa tagal kong mag-desisyon?

"Pero binigyan po ako ni Sir Liam ng calling card niya, ito po." sabi ko. Kinuha ang calling card na ibinigay sa akin ni Liam, at ipinakita ito sa kanya.

"Hindi ko na sakop ang mga iyan, mabuti pa't magtungo ka roon sa reception area, para maicheck nila ang calling card na dala mo." sabi nito sa akin at sumenyas pakanan, Hindi naman na ako nag-atubili pa, Nagpunta naman ako roon at ibinigay ang calling card ko.

"Good Afternoon, Miss. Sabi po ng guard sa akin ay ipacheck ko sa inyo itong calling card na ibinigay sa akin ni Sir Liam." sabi ko at inabot ito sa kanya.

Mukha nagulat naman siya nang makita ang calling card na ibinigay sa akin.

"Sigurado ka ba Miss na ibinigay ito sa iyo ni Sir Liam?" tanong pa nito sa akin. Bakit ba sila takang-taka sa calling card na ibinigay ni Liam sa akin?

"Bakit po? May problema po ba sa card na ibinigay sa akin? Ibinigay niya iyan sa akin sa milktea shop na dating pinagtatrabahuan ko." sabi ko sa kanya.

"Ganoon ba Miss, nakakagulat lang kasi na binigyan ka ng special calling card ni Sir, ang ganitong klaseng card kasi ay ibinibigay niya lamang sa mga investors at matataas na staff dito." sabi niya kaya maging ako ay nagulat.

"Ganoon ba, hindi ko alam. Ibinigay niya lamang ito sa akin matapos niya akong kausapin." sabi ko sa kanya.

"Sige Miss, umakyat ka na sa office ni Sir Liam. Andoon siya sa 25th floor sa pinaka taas. Salamat." sabi niya sa akin at ngumiti. Gumanti rin ako sa kanya at yumuko ng bahagya, senyas ng pagpapa salamat din.

Kaagad naman akong sumakay sa elevator, sobrang taas ng building na ito kaya kahit na naka-elevator ay parang nakakapagod.

Nang makarating ako doon ay kaagad akong kumatok, ramdam na ramdam ko ang pagod. Bahagya pa akong hinihigal.

"Come in." rinig kong sabi ng nasa loob, marahil si Liam na iyon.

Pagkapasok ko naman ay bumungad sa akin ang plain na black and white themed na office. May malawak na glass wall sa gilid at matatanaw mo ang halos buong city.

"Oh, Tangerine, ikaw pala yan, Maupo ka muna." naupo naman muna ako dahil sa pagod. "So, ibig sabihin ba nito ay tinatanggap mo na ang alok ko sayo?" tanong niya sa akin.

"Wala ka po bang tubig Sir? Grabe hindi mo naman sinabi sa akin na sobrang taas pala nitong building mo." sabi ko sa kanya kaya natawa niya at inabutan ako ng tubig na nasa bote muna sa maliit na vending machine sa gilid ng cabinet niya, marami siya stocks ng pagkain doon.

"So, ibig sabihin ba nito ay tinatanggap mo na ang alok ko sayo last time?" tanong niya sa akin.

"Yes, nakapag-paalam na rin ako sa kaibigan ko about dito, kailan ako magsisimula?" sabi ko sa kanya.

"That's great, actually, wala na rin akong upcoming meetings today so, what about let's go somewhere to eat? I'm kinda hungry." sabi niya sa akin.

"Sure, Sir. basta libre mo." sabi ko kaya natawa kami parehas.

"You can start working here by tomorrow, Call me Liam kapag tayong dalawa lang okay? since magkaibigan naman na tayo. So let's go."

"Salamat Sir. I'll show you my best version." sabi ko bago kami tuluyang lumabas sa opisina.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon