Napa ngiti agad ako ng maamoy ko ang simoy ng hangin na may kasamang amoy ng dagat. Dimethyl Sulfide. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko, tamang - tama para ma relax ako.
"Dahan - dahan lang po ma'am." Inalalayan ni manong ang kamay ko para hindi ako madulas sa mga aapakan ko. Malawak ang ngiti sa labi at saya ang nararamdaman ng dibdib ko ng muli kong makita ang bahay na iyon.
"Salamat po mang Perds, ang usapan po natin ha." Pag papaalala ko sa naging kasunduan namin ni mang Pedro mula ng dumating ako sa isla.
"Sige ho, basta ho hindi ako masisisante ni sir dyan, ayos lang ho." Kakamot -kamot sa ulong sabi nya.
Tango ang isinagot ko at binuhat ang mga dalang bagahe papunta sa harap na hagdan ng bahay. I am at Candaraman Island right now, we have a rest house here that's why I choose to stay here and leave the life in the city. I want to take a break and I don't want to do it in La Trinidad.
White house with its black highlights is so beautiful specially it is near the seashore. Agad kong ini akyat ang mga bagahe sa taas papunta sa harap ng pinto, may na realize ako ng makita ko ang door knob na naka lock.
"Wala akong susi, bobo." Naibulong ko nalang sa sarili. Iniwan ko ang bagahe duon at lumakad papunta sa kanan, hindi kalayuan ay nandoon ang isang maliit na bahay na gawa na sa bato. Napangiti ako ng maalala ang dati nitong itsura.
"Tao po?" Tawag ko habang kinakatok ang pinto. Naka tatlong tawag muna ako bago bumukas ang pinto.
"Sino po kayo?" Isang batang babaeng nasa edad sampo ang nag bukas niyon.
"Ah- Hi, ako si Niña. Nandyaan ba si aling Mercy?" Tanong ko habang nag nanakaw ng tingin sa loob.
"Si Nanay po ba?" Tango ang isinagot ko sa kanya at ngitian ng malawak ng makilala sya. May be she can't recognize me anymore because she's too young that time. Natawa ako ng bigla nyang isinara ang pinto at narinig ang malakas nyang sigaw patawag sa pangalan ng kanyang ina.
"Sino raw?" Narinig kong tinig sa loob.
"Nakalimutan ko po ang pangalan, basta may tao Nanay." Biglang bumukas ang pinto, nginitian ko sya ng malawak ng makita ko sya.
"Ma'am Niña?" Kinusot nito ang mata na tila hindi makapaniwala na nasa harapan nya ako.
"Magandang araw aling Mercy." Maligayang bati ko.
"Ay nako hija, ikaw nga. Kailan pa kayo dumating? Ang tagal nyo ding hindi bumisita dito sa Candaraman ah." Bating tanong nito at nilawakan ang bukas ng pinto. Agad syang lumakad papasok sa loob ng isang silid na kurtina lamang ang nag sisilbing harang, dahan - dahan akong pumasok sa loob at ipinalibot ang tingin sa mumunting bahay. Simple at tamang - tama para sa isang maliit na pamilya.
"Iha nasaan ang mommy at daddy mo? Halika sasamahan kita umuwi at ng makita ko din sila." Sabi nito pag labas ng kwarto, hawak -hawak nya ang susi ng mga pinto.
"Aling Mercy." Tawag ko sa pangalan nya at napakamot sa ulo. "Wala po akong kasama, mag isa lang po ako dito. H-Hindi din po alam ng magulang ko na dito ako pumunta."
"Ha? Bakit naman Ma'am?" Nag tatakang tanong nito at kumunot pa ang noo.
"Basta po, pwede po bang wag nyong sasabihin na nandito ako? Kapag po tinanong o tumawag po sa inyo kahit sino sa pamilya pwede po bang wag nyong sabihin kung nasaan ako." Pakiusap ko, nakita kong nag aalangan pa sya at nag tataka.
"Pakiusap aling Mercy, S-Si Mang Pedro napapayag ko na po kanina." I said while looking at her hoping that she agreed to what I want.
"Nakausap mo si Pedro?" Hindi makapaniwalang tanong nya.
BINABASA MO ANG
Thutos Numeros: UNO Zyx Scrievher
Romance"Hindi ako naniniwalang akin yan, malay ko ba kung ilang lalaki na ang tumabi sayo sa kama!" - Uno Thutos Zyx Scrievher. Isang lagapak nang malutong na sampal ang huling kong naramdaman mula sa kanya bago sya maglaho na parang bula. Dapat ko pa bang...