Catorce ✔

7.6K 56 9
                                    

Hᴇ's ᴀ ᴄʜᴇᴀᴛᴇʀ... Hᴇ's ᴀ ᴄʜᴇᴀᴛᴇʀ... Hᴏᴡ ᴅᴀʀᴇ ʜɪᴍ ᴅᴏ ᴛʜɪs ᴛᴏ ᴍᴇ. Hᴇ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ʜᴀᴠᴇ ᴛʜᴇ ʀɪɢʜᴛ ᴛᴏ ᴅᴏ ᴛʜɪs ᴛᴏ ᴍᴇ..

I keep mumbling how much I hate Uno right now. I'm staying here at La trinidad after escaping from manila, from that condo unit and from Uno and his bitch.

Hindi ko na sya kayang harapin pagkatapos ng nakita ko, Para akong sabog at tulalang nagmamaneho ngunit walang patutunguhan. Walang nakakaalam ng nangyari sa amin noong isang araw, tanging ako, sya at ang babae lang nya ang nakakaalam ng nangyari, hindi ko sinabi kahit kanino at wala akong balak na magsumbong sa mga magulang ko.

Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse ko, agad kong tinignan ang hindi na pamilyar na lugar sa akin, malalim na ang gabi kaya't wala na akong makitang taong nag lalakad sa sidewalk para pagtanungan kung nasaang parte na ako ng baguio, puro puno nalang din ang aking nakikita sa paligid at kung may bahay man ay malalayo ang pagitan nila sa isa't isa, wala ding ilaw ang mga iyon at parang inabandona na.

Pinausad ko ang aking sasakyan at humanap ng mga taong maaring gising pa at pu pwede kong pag tanungan. Malayo-layo din ang aking napuntahan bago ako makakita ng kumpol ng tao sa gilid ng kalsada.

Napalunok ako ng sariling laway at nagdalawang isip na mag tanong nang makita kong mga lasenggo iyon at lahat ay mukhang may tama na. Nag hahalakhakan sila at parang wala silang pakialam kung may natutulog ba sa mga katabing bahay.

Gusto ko na ding makauwi ngunit bago iyon ay kailangan ko munang mag tanong kung saan ako pwedeng dumaan, sa dami kasi ng likong pakaliwa't kanang ginawa ko ay hindi ko na iyon matandaan. May cellphone nga akong pwedeng magamit para malocate ang lokasyon ko kaso wala naman akong sim card, tinanggal ko kanina tsaka ko binali dahil sa galit ko at ngayon nagsisisi ako kung bakit pati yung sim card kong walang kamalay-malay sa nangyayari sa buhay ko ay dinamay ko pa, hindi tuloy ako makauwi.

Ipinarada ko ang sasakyan di kalayuan sa kanila. Agad naman naagaw ng ilaw ng sasakyan ko ang atensyon nila, tumigil sila sa pag ku kwentuhan at hinintay akong makababa ng sasakyan, sa tingin ko'y karamihan sa kanila ay kasing edad ko lang.

"Ahmm. M-Magandang gabi po." Naiilang na bati ko sa kanila, napa iwas ako ng tingin ng makitang napaka lagkit ng tingin ng mga kalalakihan sa akin, tila ba hinuhubaran na nila ako sa kanilang isipan. May narinig pa akong sumipol sa bandang likudan nang lingunin ko sya ay ngumiti ito ng malapad at kumindat pa. Nangasim ang muka ko ng makita ko ang itsura nya, mukhang hindi naliligo.

"O-oy Miss byutipul... *Hic*" sabi noong isa, tumayo iyon at umakmang lalapit sakin ngunit nawala sya sa balanse kaya't nabuwal ito pabalik sa upuan.

"Ano ba yan pare malakas na tama mo." Kantyaw noong isa kasabay ng malalakas na halakhakan nila.

"H-Hindi ah! *Hic*" kontra nya at tumayo ulit, napapangiwi ako dahil sa pag sinok-sinok nya. Ngumiti sya ng malaki sa akin ng makalapit na. "Anong maitutulong namin sayo? Miss?" Sabi nito at pagewang-gewang pa.

Umamba akong aalalayan sya pero hindi ko sinubukang hawakan sya, in case lang na baka matumba sya.

"A--Ahmm manong... A-Anong lugar na ho ba itong napuntahan ko?" Tanong ko habang pinalilibot ang paningin sa paligid.

"Ah.. AHAHAHAHA..." Halakhak lang ang isinagot nya sa akin. "N-aliligaw ka gan-da? *Hic* H-Halika sumama ka mu-na saamin at mag libang s-saglit tsaka ko sasabihi-n sayo kung sa-saan ang daan." Nakangising sagot nya habang inaabot ang braso ko.

Thutos Numeros: UNO Zyx ScrievherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon