FLASHBACK
"Ma'am bakit po?" Tanong ko pag pasok ko ng FACULTY.
"Take a seat NIÑA!" she offered. "Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang theatre play activity na gagawin ng school hindi ba?"
Agad akong tumango habang matiim na naka tingin sa aking guro. Lahat ng Sections per year ay dapat may ma i present na play, para itong isang competition kung saan buong taong hihiranging Theatre Master ang isang section. I'm a GAS student, me and my classmates want to prove to everyone that GAS STRAND is not made for nothing, That GAS student can do many things like them.
"Hindi ka kasi pumasok kahapon at kahapon pa namin pinagbotohan kung sino ang mga gaganap o magiging actres/actor ng play."
"And what do you want me to do?"
"They Elected you as the Protagonist of the play!"
BANGAG akong nag lalakad ngayon sa hallway patungong classroom namin, nagsisimula na daw silang mag plot ng mga dapat gawin at mangyayari sa play, and the protagonist needs to be there.
"Like! What. The. Hell." Hindi makapaniwalang bulong ko.
"Yea.. ma-wa What the hell ka talaga sakin kapag hindi ka umalis sa daraanan ko!" Biglang singhal ng impakto sa likod ko.
Agad ko syang sinamaan ng tingin pag harap ko sa kanya. Kahit kailan ang ugali ng impakto na'to masahol pa sa asong kalye. Agad ko naman syang binigyan ng malaking daan upang makalayas na sya sa harapan ko.
"Impakto"
"Ano!?" Singhal nanaman nya sakin.
"Wala.. Impakto na nga bingi pa!" Huli na para bawiin ko ang aking sinabi dahil narinig na nya ang mga salitang dapat ay pabulong lang.
BINABASA MO ANG
Thutos Numeros: UNO Zyx Scrievher
Romance"Hindi ako naniniwalang akin yan, malay ko ba kung ilang lalaki na ang tumabi sayo sa kama!" - Uno Thutos Zyx Scrievher. Isang lagapak nang malutong na sampal ang huling kong naramdaman mula sa kanya bago sya maglaho na parang bula. Dapat ko pa bang...