Quince ✔

7.6K 70 7
                                    

Kumakalam ang tyan ko habang naliligo't nag bibihis, it's already 5 in the evening at hindi pa din ako kumakain buhat ng umuwi kami dito.

Maya't mayang kumakatok sa pinto ng nakasaradong kwarto si uno ngunit palagi ko syang sinisigawan at pinaaalis.

Dahan-dahan akong naglalakad patungong kusina, iniingatan huwag makagawa ng ingay dahil ayoko pang makita si uno. Nang nakarating ako sa hapag ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Bakit parang walang tao? Dumiretso ako ng tayo at lumakad ng maayos. Mayroong nakatakip na kung ano sa Island counter, nang buksan ko iyon ay malamig na bacon, pritong itlog at hotdog na kulubot ang nandoon, mayroon ding malamig na may namuong kung ano sa taas ng gatas.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng maalala ko kanina si unong kumakatok at pilit pumapasok sa kwarto pero hindi ko pinagbubuksan, ang sabi nya'y dala-dala nya ito kanina't inihatid na sa akin dahil ayaw kong bumaba ngunit hindi ko pa din tinanggap.

Inilagay ko iyon sa isang plato at ipinasok sa ref, sayang baka pwede pa bukas ng umaga.

Mayroong kalderong may takip sa kalan, nang binuksan ko iyon ay malamig na sinigang na hipon ang bumungad sakin. Kahit ganoon ay nanuot pa din sa ilong ko ang mabangong aroma nito.

Ininit ko iyon at kumain ng magana, madaming kanin din ang naubos ko, parang dalawang subo nalang ata ang natira sa kaldero.

Nagtaka ako ng sa tagal kong kumakain ay ni hindi ko man lang nakita si uno, kahit makarinig manlang ng mahinang hininga mula sa kanya ay hindi ko narinig sa paligid.

Lumabas ako ng bahay at muling bumungad sa akin ang magandang tanawin ng malawak na grass field, ang lamig sa paningin ng pinaghalong kulay nito at ng kalangitan.

Lumakad ako at sinundan ang diretsong daan kung saan bawat lima o hangang pitong hakbang ay bumubungad sa akin ang iba't ibang kulay ng maliliit na bahay.

Pumaling ako pa kanan ng maabot ko ang dulo ng daan at isang mahabang kalsada nanaman ang bumungad sa akin, mula dito ay kitang kita ko ang isang mataas na gusali mayroong iilang mga taong naglalabas masok sa loob ng building.

Mula dito ay kita ang napaka laking letter T sa gitna ng building, mukha itong hotel o baka nga hotel talaga.

Pumasok ako sa loob noon, nagulat pa ako ng walang guard kahit isa doon. Secure ba tong lugar na ito?

Nag diretso ako ng lakad papuntang receptionist at isang gwapong nilalang ang sumalubong sa akin. Prenteng-prete ito sa pag-upo, naka taas pa ang magka kruss nitong mga paa sa reception desk kala mo ay pag aari nya ang hotel.

"Good evening sir." Tawag ko sa pansin nya, ngunit parang wala itong naririnig at pinag patuloy lang ang pagsipol habang naka pikit, nasa ulunan pa nito ang dalawa nitong kamay at ginawang unan.

"Ahmm.. Good Evening sir!" Mas malakas ng kaunti ang boses ko ngayon kaysa kanina, Ngunit parang wala talaga ito sa sarili't ngumisi pa ng pagka lawak-lawak.

Nasisiraan na ba'to ng bait?

Muli ko sana syang tatawagin ngunit napatigil ako sa bigla, nang biglang may malaking kamay ang tumulak sa paa nitong prenteng nakadekwatro sa ibabaw ng Desk.

"WHAT THE FUCK!" masyadong malutong ang pagkakamura nya dahilan ng pag ngiwi ng muka ko. "What the hell is your problem?" Pagalit nitong singhal sa gwapong lalaking may berdeng mga mata.

"Gawin mo ng maayos yang trabaho mo ungas." Singhal nya dito.

"Fuck you Axel!" Kalulutong ng bawat salitang binibitawan nila kaya't umatras ako ng kaunti para hindi nila maramdaman ang aking presensya.

Thutos Numeros: UNO Zyx ScrievherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon