I'm cutting the carrots silently when I heard the noise from the front door, It means that Uno finally went home.
I didn't bother to look at him and just continue what I am doing. I'll cook for dinner, feature #5. You can cook.Yes, I search on how to be a wife material, nang hindi makuntento ay nag tanong pa ako kay mommy at isa ang pagluluto sa nabanggit nya, it caught my attention.
Kaya kong magluto kaya easing easy lang sakin 'to, Nambababae sya? Pwes ipapakita ko sa kanyang wala akong pakialam, gaya ng pinakikita nya sakin mula ng magkita ulit kami.
I will show to them that I am a good wife, that I can be a perfect wife even if he won't pay any attention to it, I'll just do it on my own, para naman walang masabing hindi maganda sakin ang nga magulang nya at malaman nilang sya talaga ang may problema.
I felt his presence pass through my back, after going beyond my back the smelly odor of the alcohol penetrate my nose. I look at him and saw him opening the fridge and getting a jug of water. I realized that he's tipsy because his head is banging.
Fuck it, nang babae na uminom pa, enjoy na enjoy sa buhay ang gago, kala mo walang asawang tao.
Sa gigil ko ay bawat hiwa ko ng patatas ay tumutunog ang kutsilyong gamit ko na tumatama sa sangkalan, nag bibigay ito ng nakakairitang ingay. Iniisip kong sya itong pinipira-piraso ko.
Dinig ko ang pag lapat ng puwet ng baso sa marmol na mesa at ang pag agos ng tubig mula sa pitcher. Maya't maya ko ding nalalanghap ang masangsang na amoy nyang may halong alak.
Hinahalo ko na ang giniling na baboy sa kawali ngunit hindi ko pa din nararamdamang umalis na sya sa kusina.
Sumaglit ako ng sulyap at nakita kong nakatitig sa ginagawa ko ang mapupungay nyang mga mata.
"Ah, Gutom kana? Mamaya pa kasi 'to matatapos, maupo ka nalang muna sa salas."
Sabi ko at pinag patuloy ang ginagawa, lumipas na ang mahabang minuto ngunit ni hindi ko naramdamang gumalaw sya doon hanggang sa natapos na ako.
"Ayan tapos na." Sabi ko at ngumiti ng tipid ng makita ko syang nakatingin sa akin.
Nag simula na ako sa pag hahain ng pagkain nya sa mesa.
Nang matapos ay sinabihan ko syang kumain na at iniwan ko na sya doon.
PAPAHULOG na ako sa mahimbing na pag tulog nang maramdaman ko ang paglubog ng kalahating parte ng kama, ngayon lang pala sya natapos.
"Bakit hindi ka kumain?" Tanong nya sa mahina at pagod na tono.
Binaliwala ko ang tanong nya at ipinag patuloy ang pag dama sa pagkalunod ko sa mahimbing na pagtulog, ngunit bago pa ako mawalan ng malay ay nag tanong nanaman sya.
"I'm asking you Niña."
"Busog ako."
"You are full? You didn't ate for the whole day." Medyo lumakas ang tinig nya kasabay niyon ay ang bahagyang pag uga ng kama, senyales na napagalaw pa sya sa inis.
"I ate earlier before I go out."
"Why did you run?"
"Ha?"
"Bakit ka tumakbo kanina?" Na offend ako sa sinabi nya, alam ko na ang pinupunto nya kaya naman bumaliktad ako ng pagkakahiga at humarap sa kanya.
"Anong gusto mong gawin ko dun? Panoorin ang ASAWA ko habang may lumilingkis sa kanya?" Sarkastikong sagot sa kanya at bumalik sa dati kong pwesto.
BINABASA MO ANG
Thutos Numeros: UNO Zyx Scrievher
Romance"Hindi ako naniniwalang akin yan, malay ko ba kung ilang lalaki na ang tumabi sayo sa kama!" - Uno Thutos Zyx Scrievher. Isang lagapak nang malutong na sampal ang huling kong naramdaman mula sa kanya bago sya maglaho na parang bula. Dapat ko pa bang...