Trece ✔

9K 82 5
                                    

NAALIMPUNGATAN ako dahil naramdaman ko ang paghinto ng makina ng choper. Unang bumungad sa aking pandinig ang malalakas na hampas ng alon mula sa napaka lawak na karagatan, kislap lamang ng mga ilaw mula sa posteng nakapaligid sa lugar ang naging dahilan kung bakit ko ito nakita sa kalagitnaan ng dilim. Nag re reflect sa bawat alon ang ilaw na galing sa mga poste't bahay sa paligid. Bigla akong napaayos ng upo dahil doon.

Bumukas ang pintuan sa kanang bahagi ng eroplano kaya't agad kong binaling ang paningin ko doon. Dalawang babaeng naka suot ng magkamukhang damit ang naglahad ng kanilang mga kamay para alalayan ako pababa.

"Mam Niña tara na po, pasok na po tayo sa loob, malamig dito sa labas." Sabi noong babaeng sa tingin ko ay nasa edad 50 pataas na.

"Sino po kayo?" Tanong ko habang tinatanggap ang kamay nyang aalalalay sa akin pababa.

"Ah katiwala po kami ng mga bahay kapag wala po sila sir dito, ma'am." Sabi naman ng isa habang iginagaya ako papunta sa colorful na bahay.

Natulala ako sa hilera ng bahay sa harapan ko, it's a simpe but elegant houses. Maliit pero tingin ko'y ayos na para sa isang simpleng pamilya. Mas lalong dumagdag sa kagandahan nitong mga bahay ang kanilang iba't ibang kulay na nasisinagan ng mga ilaw mula sa mga beranda't poste, iisa ang design ngunit may makikita ka pading malaking kaibahan maliban sa kanilang mga kulay. It's a cute size house, maliit lang ang espasyo ngunit mahaba at two story house iyon. Maliwanag ang paligid sapat na para bigyan ng liwanag ang mga kabahayang sunod-sunod at mukhang mga walang tao.

"A-Ahm.  Ale, kaninong mga bahay yan?" Kyuryosong tanong ko.

"Ah. kila sers." Matigas ang ingles at Nakangising sabi noong nasa edad 50.

"Ho?"

"Madaming may ari nyan iha, lahat sila bachelors, macho tapos pogi nako mam nakakatulo ng laway ang mga iyan. Halika na Mam baka mapapagalitan kami ni ser kapag nakipag chikahan kapa samin dito sa labas." Sagot ni 50 years old parang ini imagine pa nya sa madilim na ulap ang itsura ng kanilang mga amo. Ginaya nila ako papunta sa harap ng asul na bahay na kasama sa nakahilerang makukulay na tahanan.

"Sinong sir?" Naguguluhang tanong ko habang binubuhat nila ang mabigat na gown para maka akyat kami ng hagdan.

"Ayun mam oh! " Saglit na turo nya sa taas ng pintuan at agad na bumalik sa kanyang ginagawa.

Tinignan ko naman ang kanyang tinuturo at ganoon nalang ang panlalaki ng aking mata ng makita ang nakaukit na pangalan sa taas ng pinto, A name that you need to be afraid of.

Uno Thutos

"You two were servant of them?" Hindi maka paniwalang tanong ko sa kanila matapos kong mabasa ang naka sulat doon.

"Obbiyusly po mam." hindi lumilingong sagot ni 50 years old, kung hindi ako nagkakamali ng dinig ay parang may nahimigan pa akong sarkasmo doon. Hindi ko nalamang pinansin iyon at dumiretso ng lakad patungo sa pintuan.

"Mam paki buksan po yung pinto." Utos sa akin ni 50 Years old. Napatanga ako sa kanya. "Hehe. sige na mam, mabigat po 'tong gawn nyo e."

Wala akong nagawa kundi buksan ang pinto para makapasok kami. Where the hell is he?

"Ser eto na po." Tawag ni 50 years old kay uno na nagtatanggal ng necktie. Mukhang kapapasok lang din nya at talagang hindi man lang nya ko hinintay. Nakaramdam ako ng konting inis dahil sa naisip.

"Okay, you can leave now Manang." Pag tataboy nya sa dalawa.

"Hindi na po kayo mag papatulong mag huba-- aray." naputol ang sasabihin ni 50 years old na tinawag nyang 'Manang' ng sikuhin sya ng katabi. "Ano ba?" Naiinis pang tanong nito.

Thutos Numeros: UNO Zyx ScrievherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon