Ocho ✔

10.6K 89 3
                                    

I AM SIPPING a cigarette while leaning my back on the headboard. Binaling ko ang tingin ko sa babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko. I smile lightly, at last I've marked you as mine bis.

Hinawi ko ang buhok na nakatabing sa muka nya.

"You're taking my freedom away from me baby, do you think I will let you took it from me?"

Gumalaw sya ng kaunti tila ba humahanap ng komportableng pwesto para makatulog ng maayos, bigla nyang dinantay sa bewang ko ang braso nya't sumiksik sa akin. I took a mint on the side table, then pulled her body close to mine and whisper in her ear.

"You can't beat me tart, I will give you a sweet yet lustful revenge. You don't have any idea what I've been through."

NAALIMPUNGATAN ako dahil may naramdaman akong mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko. Agad kong minulat ang mata ko para tignan kung ano ba yun.

Nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng lalaki sa tabi kong komportableng naka dantay sa pagitan ng dibdib ko't mahigpit ang yakap sa baywang ko. Pati hita nya naka patong din sa mga hita ko.

Ang hudas sa gitna pa talaga ng dibdib ko napiling humiga.

Inaninag ko kung sino 'tong lalaking nakadagan sakin. Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang nangyari kagabi dahil sa nakita kong nagkalat na pinaghubadan ng damit, parang ahas ang may ari nito dahil sunod-sunod itong nakahilera mula sa pinto ng cr papuntang kama. Nag init ang pisngi ko ng makita kong nakasabit ang pula kong panty sa gilid ng kama.

Dahan-Dahan kong inialis ang ulo nya sa dibdib ko, pigil ang hininga't ingat na ingat ako sa pagbababa niyon para hindi ito magising. Naibuga ko ang naipong hangin sa bunganga ko ng mailagay ko sa unan yung ulo nya, agad kong isinunod ang braso nya, dahan-dahan ko din iyong binuhat.

Shit ang bigat.

Sabi ko sa isip ko, para kasing gising sya at pinipigilan nya ang pag-alis ko niyon sa bewang ko. Kagat ang labi kong pilit iyong binubuhat para ilipat iyon sa kabilang parte, malapit ko na sanang mailalis iyon ngunit bigla syang gumalaw at mas lalo pang lumapit sa akin at hinigit ng yakap ang bewang ko.

"Aish." mahina kong huni sa inis.

Naiihi na ko at dahil hindi ko na mapigilan ay malakas ang pwersa ko syang tinulak at ng makawala sa pagkaka dagan sa kanya ay agad akong tumakbo sa cr bit bit ang panty ko.

Paglabas ko ay nakita ko syang nakasandal na sa headboard ng kama at nag yoyosi. Matiim na naka titig sa akin, hinagod nya ng tingin ang buong katawan ko. Agad kong nakita ang kislap ng pagnanasa sa mga mata nya.

May damit nako.

"H-Hey stop smoking, babaho yung kwarto ano ba." Pautal-utal ngunit naiinis kong suway sa kanya.

"Get out." he said at umiwas ng tingin.

"What?" Gulat at hindi maka paniwalang tanong ko.

"I said get out." He shout, umawang ang labi ko sa gulat. What the hell happened?

Tulala pa din ako hanggang sa maka labas ako ng kwarto. Bakit sya galit? Hindi ba sya nag enjoy kagabi? Bakit? Dahil hindi ako virgin? Feeling ko kasi hindi na kahit sya naman ang nakauna. Siguro nga, nagagalit sya dahil hindi nya nakuha iyon sakin, it's a mans pride ang makuha ang virginity ng babaeng matatali sa kanila pero hindi ko naibigay sa kanya, pero paano nangyaring hindi na ko V? Ganoon ba yung feeling kapag first time? Ang sabi kasi ng mga kaibigan kong nawalan non masakit daw yun sa umpisa. Ba't yung akin parang masarap?

Hayst. bahala sya sa buhay nya, basta ang alam ko sya ang nakauna sakin wala ng iba.

"Niña apoooo." Napabaling ang atensyon ko sa front door.

Thutos Numeros: UNO Zyx ScrievherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon