Nagising ako dahil sa init ng araw na tumatama sa muka ko. Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko para i-adjust ang paningin ko mula sa sinag ng araw.
Napa balingkwas ako ng bangon ng makarinig ako ng bumagsak mula sa labas ng kwarto. Agad-agad akong kumaripas ng takbo patungo sa kusina kung saan ko narinig ang ingay. Kasabay din nito ay ang pagsakit ng katawan ko.
"Uno? What the hell are you doing?" Tanong ko ng maabutan ko syang may hawak na tambo't dustpan, baligtad pa ang pagkakahawak nya sa tambo imbis na nasa ibaba ang dulo niyon ay nanduon iyon sa kisame at sumasayaw-sayaw ang bawat hibla.
"Im- Im- Im-" hindi nya matuloy-tuloy ang nais nyang sabihin. Agad na bumaba ang tingin ko sa nagkalat na bubog sa sahig.
"Anong ginawa mo?" Nakakunot ang noong tanong ko habang pinag papalit-palit ang paningin ko sa kanya at sa sahig.
"I- It- Argh. T-Tumalon.." Iwas tingin nyang sagot.
"Ano?" Tanong ko habang tinitignan sya ng masama.
"Y-yung mga plato t-tumalon mula sa lababo habang sinusubukan kong linisan." Lalo ko syang sinamaan ng tingin.
"Anong klaseng dahilan iyan?" Tanong ko habang pilit hinuhuli ang mailap nyang mata. "Tumingin ka sakin ng diretso Uno." Singhal ko.
"M-Mag damit ka muna, baka magahasa kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"What the-"
"Lalabas ka ng kwarto ng wala kang ibang suot sa pang itaas kundi bra? Pano kung ibang lalaki-. I mean pano kung makita nanaman tayo ng lolo mong mukang pinaglihi sa sumpa?"
Napatanga ako sa sinabi nya, agad kong binaba ang tingin ko sa katawan ko, ganoon nalang ang pagtigil ko sa paghinga ng makita kong bra lang nga ang tanging suot ko sa pang itaas. Nag init ang muka ko sa hiya, may pamewang pa akong nalalaman kanina, ang lakas-lakas ng loob kong harapin sya tapos wala naman pala kong suot na damit.
Dali-dali akong tumakbo papuntang kwarto at hinanap ang damit ko sa kama pero wala akong nakita kaya tumakbo ako papasok sa closet para kumuha ng bago, natalisod pa ko sa pag mamadali, ang tanga ko talaga. Pagka suot ko ng damit ay nanlulumo akong naupo sa edge ng kama.
Shicks. That was embarrassing.
NAGLULUTO ako ng agahan ng may maramdaman akong presensya sa mismong likod ko. Hindi ko sana iyon papansin kaso naramdaman ko ang mainit na hiningang nilalabas nito sa mismong batok ko. Kinilabutan ako kaya't agad akong humarap dito.
Agad akong humarap sa kanya ngunit napaatras din agad ng bigla nyang ibinaba ang muka nya sa muka ko.
"Lumayo ka nga, pupuk-pukin kita ng syense." Banta ko sa kanya, agad naman syang sumunod ngunit hindi nakalagpas sa paningin ko ang pag ngisi nya bago sya bumalik sa dinning table at naupo sa inuupuan nya kanina.
"You know what apat na araw na tayo dito pero wala paring nangyayari." Hinarap ko sya ng may nakakunot na noo.
"A-anong walang nangyayari?" Pautal na tanong ko ngunit ngiting aso ang itinugon nya saakin, tila ba nakuha nya kung anong kahalayan ang aking naiisip.
"Tsk. tsk. Bakit hindi natin bisitahin ang bawat sulok na meron dito sa farm? Tutal nandito tayo para mag bakasyon at mag unwind hindi para mag tanim ng damong may mabahong burak at maging waiter ng isang karindirya." mungkahi nya, napaisip din ako doon. Pero ang pagkakaalala ko ay bago ako umalis ng bahay ay 'yan na ang plano ko nabulilyaso lang sa ugok na ito.
"Saan naman tayo pupunta?"
"May alam akong isang lugar. Lugar na hindi kilala ngunit maganda. Lugar na Hindi natin pinaalam sa iba.Lugar na mahalaga. Lugar na tinuring nating paraiso noong tayo pa." Nag taka ako sa sinasabi nyang lugar. Ngunit hindi din nakaligtas sa akin ang biglang pagsikdo ng puso ko, tila ba alam nito ang sinasabing lugar ni uno ngunit hindi naman ito kilala ng isip at katawan ko.
BINABASA MO ANG
Thutos Numeros: UNO Zyx Scrievher
عاطفية"Hindi ako naniniwalang akin yan, malay ko ba kung ilang lalaki na ang tumabi sayo sa kama!" - Uno Thutos Zyx Scrievher. Isang lagapak nang malutong na sampal ang huling kong naramdaman mula sa kanya bago sya maglaho na parang bula. Dapat ko pa bang...