Allison's POV
Dahil linggo ngayon,nandito kami ni Zach sa mall.Nakasanayan na kasi naming dalawa ang mamasyal tuwing linggo. Para lang kaming magnobyo.
Nuod ng sine,kain sa restaurant at magsa-shopping.
Sarap lang sa pakiramdam.Yun bang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.Araw-araw,di siya pumapalya sa pagpapa-saya sa akin.
Ganun talaga siguro kapag nagsimulang muli ano? Parang binabawi niya kasi ang mga araw na sinayang namin. Yung mga panahon na puno ng galit ang mga puso namin.
At sa tuwing mapadaan kami sa tindahan ng mga toys,di niya maiwasan ang mangarap na magkaroon kami ng anak.Na kahit ako ay ganun din ang pangarap.
"Wait here baby.Banyo lang ako." Humiwalay siya sa pagkaka-akbay sa akin.
"Sure Zach." Nakangiting sagot ko sa kanya. Pero bago siya umalis ay hinalikan muna niya ako sa lips bago naglakad.Kaya yung mga sales lady na naka-kita ay mga kinikilig.
"Ang sweet po ni sir ma'am ano?" Kinikilig na puna ng isang sales lady.Napangiti ako sa kanya. Kahit ako nga eh,kinikilig pa rin.
"Bagay ba to sa asawa ko?" Tanong ko sa kanya.Itinaas ko pa ang shirt na naka-hanger.Nandito kasi kami sa mens section ng mga damit dito sa Zara.Sinamantala ko na ang pagiging madaldal niya.
"Naku ma'am,kahit ano naman po ay bagay doon kay sir." Sagot naman niya which is true naman.Kahit ano namang damit talaga ay bagay kay Zach.Gusto ko siya kasing bilhan.
"Ok. I'll take it.Thank you" Nakangiting sabi ko sa sales lady.
"Welcome ma'am.Thank you also.Bagay po talaga kayo ni sir." Pahabol pa nito.
Papunta na ako sa may counter area ng may mabangga akong tao.
"I'm sorry-Rainier?!" Napalakas pa ang boses ko.Di ko inakala na si Rainier ang mabangga ko.(natandaan niyo pa ba si Rainier Bankoff? Nasa chapter 3).
"Allison?!" Kahit siya ay nagulat rin. "How are you?" Nakangiting tanong niya.Pero pakiramdam ko pilit lang ang pagkakangiti niya.
Luminga-linga ako sa paligid baka kasi dumating si Zach.Kinabahan tuloy ako dahil magkakilala rin sila ni Zach Pinakilala ito kasi dati ni Lindsay sa kanya.
Paano na lang kung magpang-abot sila ni Zach?Ano ang isasagot ko rito kapag nagtanong?Alam nito kasi na mag-boyfriend si Lindsay at Zach dati.
"I'm fine Nier." Nier kasi ang tawag ko sa kanya. "Ikaw?" Tanong ko pa.Pero sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako.
"Heto, medyo madrama ang buhay pero ok lang." Malungkot na sagot niya.Gusto ko siya sanang tanungin kung may balita siya kay Lindsay pero di ko na ginawa baka kasi magtagal pa siya. Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya pero wag muna ngayon. "Paano Allison,alis na ako." Paalam niya.Di ko na siya pinigilan.Tumango na lang ako.Mabuti nga yun para di na sila magkita ni Zach.
Akala ko ba ay papasok siya. Pero para namang nagmadali nung nakita ako.
Napailing na lang ako.
"Hi baby,pasensiya na kung natagalan ako ha.Ang haba ng pila eh." Si Zach yan. Kakarating lang.Ngumiti naman ako sa kanya.
Lumabas na kami sa tindahan na ito.
"Zach,I saw Rainier." Bulong ko sa kanya.Kaya napakunot-noo siya.
"Where?" Mahinang tanong nito.
"Sa loob ng tindahan kanina." Sagot ko.Di talaga ako mapakali eh.
"Hayaan mo na yun." Pambabalewala na sagot ni Zach sa akin.At saka ako hinapit sa baywang.
Kahit winawaksi ko sa isipan ang pagkikita naming iyon ni Rainier,ay di pa rin mawala sa isip ko ang pangamba.Parang kinakabahan ako ng di ko alam.
Kaya habang nasa sasakyan kami ni Zach ay tahimik lang ako.Pareho pala kaming tahimik dahil siya rin ay di nagsasalita.Parang mayroong gumugulo sa isipan niya.O baka naman nakakaramdam lang siya sa akin na nasa malalim na pag-iisip.Pero bakit ko nga ba iisipin ang pagbalik ni Rainier?Wala naman dapat na ipag-alala di ba?
*******************
Nagdaan pa ang mga araw. Naging masaya naman kami ni Zach.Tulad ng sinabi ko,walang araw na hindi ako pinapasaya ni Zach.Kaya pakiramdam namin ay wala na talagang hadlang sa pagmamahalan namin.
Nandito ako ngayon sa sala. Hinihintay ko na bumaba si Zach.Paano ba naman kasi,kung umayos yun ng sarili niya ay dinaig pa ako.Kaya ang daming babaing nagakandahaba-haba ang leeg sa kakatingin sa kanya. Bagay na nakasanayan ko na. Kasi nga, nasa kay Zach man ang mga mata nila, nasa akin naman ang mga mata ni Zach.At wala siyang ibang tinitingnan kundi ako lang.
Haaiissssttt...ang tagal naman niya.Napapabuntong-hininga na lang ako.Baka kasi hinihintay na kami nina Jasmine eh.
Napatayo ako ng may nag-door bell.Dali-dali kong tinungo ang pintuan at agad na binuksan ito.
At sa pagbukas ko,bigla akong nabato-balani kung sino ang panauhin.
"Lindsay?!" Gulat na gulat na tanong ko.Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko.
"Best...I missed you." At niyakap niya ako.Ako naman ay parang robot din napayakap na rin sa kanya.Pero ang nararamdaman ko ay malakas na pagkabog ng dib-dib ko.
Paano niya kaya natunton ang bahay namin?
Di ako nakapag-salita.
"Oh my God best...mabuti di ako nahirapan na tuntunin ang bahay niyo.Nag-asawa ka na pala eh di ko alam. Kailan pa kayo ikinasal ni Sandro?" Excited na tanong niya.Ang akala niya ba ay si Sandro ang napangasawa ko?
Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Kaya napapalunok ako ng laway.Ang hirap ng ganitong sitwasyon.Paano ko ipapaliwanag ito sa kanya?Ano ang maging reaksiyon niya kapag sinabi kong si Zach ang asawa ko.
"A-ah...Lindsay,hindi si Sand —" Ngunit naputol ang sasabihin ko dahil sa...
"Baby,hindi ko mahana — Lindsay?" Namimilog ang mata ni Zach sa pagkagulat ng makita si Lindsay.Pareho kasi kaming napalingon ng magsalita si Zach.Naka-kunot ang noo ni Lindsay.
"A-anong ibig s-sabihin nito?" Halos pumiyok pa siya sa pagtanong.Si Zach naman ay napatigil sa may hagdan.Para rin siyang na-statwa.
"L-lindsay,magpapaliwanag ako." Kinakabahang sabi ko.Inabot ko pa ang mga kamay niya ngunit mabilis niya itong iniwas.
"S-si Zach ba ang n-napangasawa mo...Allison?!" Putol-putol na tanong niya pero lumakas ang boses niya.Gumuhit sa mukha niya ang galit.
"Lind — " Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.Halos tumabingi pa ang mukha ko.
"Ahas ka Allison!Ahas!" Sigaw niya.Akmang sasampalin na naman niya ako ngunit mabilis na napigilan ni Zach ang mga kamay niya.
"Stop it Lindsay!" Sigaw din ni Zach sa kanya. Ako naman ay tumulo ang luha.
"Di ba, sabi ko sayo,bantayan mo si Zach dahil babalikan ko siya?!Hindi yung ahasin mo ako!" Sigaw niya ulit.Pero pigil-pigil pa rin siya ni Zach at sinasaway.
"Lindsay,...magpapaliwanag ako." Sabi ko.Garalgal na ang boses ko.
"Wala ka ng dapat ipaliwanag Allison.Traidor ka!Taksil!Itinuring kitang kapatid tapos ganituhin mo ako?Ang ahasin. Manang-mana ka talaga sa ina mo!" Nagwawala na sabi niya. Nakita ko pang tumutulo ang luha niya.Gusto ko siyang sagutin dahil idinamay niya ang ina ko pero di na kayang bumuka ng bibig ko dahil sa mga luha na umagos dito.
"Mga ahas kayo!" Sigaw niya ulit at saka ubod-lakas na itinulak si Zach.Nanakbo na itong palabas.
"Lindsay wait!Let me explain please!" Sigaw ni Zach kay Lindsay.At hinabol pa niya ito sa labas. Gusto ko siyang pigilan na wag habulin si Lindsay pero di ko na naisatinig.
Lalo kasi akong nanigas sa mga ginawa ni Zach.Bakit kailangan niya pang habulin si Lindsay para magpapaliwanag?
Sa iisiping iyon,lalo akong nasaktan.Ang sakit.Ang sakit na yung asawa mo ay kailangan pang habulin ang ex-girlfriend para magpaliwanag.Ano ang ibig sabihin ni Zach?
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
RomanceTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...