Allison's POV
Naalimpungatan ako.Nakatulog pala ako after nung...napapangiti na lang ako ng makita ko yung katabi ko na nakayapos pa rin sa akin.
Katulad ng ginagawa ko dati, tinitigan ko siya ulit.
Ang gwapo talaga nito.
Napansin kong gumalaw siya. Dumilat ng mga mata niya at matamis na ngumiti sa akin.
Ano kaya ang nalunok nito at bigla naman yatang bumait to sa akin?
"Hi." Nag-aalangang bati ko sa kanya.
Sa halip na sumagot ay isang mabilis na halik ang ginawad niya sa akin.Isiniksik pa talaga ang sarili niya sa akin.
"Zach,I'm hungry." Totoo naman talagang gutom na ako.Alas dose na kaya ng tanghali.
"Me too." Makahulugang sagot niya.Kaya dahan-dahan ko siyang inilayo sa akin. "I mean,I want to eat."
Ngumisi ulit siya ng nakakaloloko.
"One more.Then kain na tayo." He winked.Kaya hinampas ko siya.
"Perv!" Pagkasabi ko nun ay di na ako nakapagsalita dahil sakop na niya ang mga labi ko.Wala na rin akong magawa kundi ang gantihan ang matatamis at nakaka-akit niyang mga halik.
And once more,we made love again.
"Tara,ligo na tayo." Yaya niya.
"Ligo?" Naguguluhan kong tanong. Eh?Kakain lang maliligo pa talaga.Ni hindi pa nga ako nakapagluto eh.
"Yes." Sagot niya. "Di ba sabi ko sayo sa labas tayo kakain?Kaso,inuna na kasi natin tong appetizer eh." Nakangisi siya ng nakakaloko kaya pinamulahan ako ng mukha.Oo nga pala, sa labas kami kakain.
"Bastos!" Hinampas ko pa siya.Tumawa lang siya ng malakas at agad tumayo.
Binuhat niya agad ako.Bagay na ikinagulat ko. "Let's take a bath together baby." Sabi niya habang buhat-buhat ako papuntang banyo.Nahihiya man ako dahil hubad ako ay hinayaan ko na lang.Ano pa ba ang itatago ko sa taong ito?
Nagsabay nga kami na nag-shower.
Kitang-kita ko ang hubad niyang katawan.Halos di ko pa ito matingnan dahil nahihiya pa ako.
Nakakaloko ang mga ngiti niya kapag nakikita niyang nakatingin ako sa katawan niya.
Six pack abs kasi.Kaya kahit sinong babae siguro ay matutukso dito.
Kahit nasa loob kami ng banyo ay alam niyo na kung anong nangyari ulit.
Natapos na kaming naligo.
Nakapagbihis na rin at lumabas na. Nakaakbay pa siya sa akin.Nahihiwagaan ako sa lalaking ito kung ano ba ang nangyayari dahil ang sweet niya ngayon.
Sa sala ay nakita ko si Miesha na naka-upo at naka-cross legs pa.Lumingon siya sa amin.
"Ang tagal niyo naman." Reklamo niya. Wait,kasama ba namin ang babaing ito? Nakabihis din eh.Parang nawalan tuloy ako ng ganang lumabas Inalis ko ang pagkakaakbay ni Zachary sa akin.At tiningnan ng masama.Naiinis na kasi ako eh.Sinuri niya na naman ang kabuuan ko.Problema ba ng babaing ito sa akin?Nakamaong short lang kasi ako na maiksi.At naka-white sleeveless then naka-rubber shoes.Kanina nga nung una,pinapalitan ni Zach ang short ko dahil daw sobrang iksi iyon.
"Sorry Miesh.Are you hungry?" Tanong ni Zach sa kanya. Hell! Kasama nga talaga.
"Ano pa kasi ang ginawa niyo?" Then she smiled mockingly.
"Here's the key.Just use my car." Inihagis ni Zach sa kanya ang susi. "Sasakyan ba lang ni Allison ang gagamitin namin." Na inakbayan ako ulit.So ibig sabihin,di pala namin kasama ang babaing ito?
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
RomanceTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...