Chapter 40

82.1K 1.2K 77
                                    

Zachary's POV

Nandito ako sa kwarto habang nag-iisip pa rin. Si Allison di rin ako pinuntahan rito. Siguro,nagtataka din siya sa inasta ko kanina.

Litung-lito kasi ako.Di ako makapaniwala na may anak ako kay Lindsay.Parang di matanggap ng pagkatao ko.Kaya ngayon,parang di ko kayang harapin si Allison.Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. At kung saan ako magsisimula.Ayoko siyang masaktan kaya parang di ko kayang sabihin sa kanya.

Naalala ko pa kanina.Masaya akong bumababa ng hagdan kasi masisilayan ko na naman ang babaing nagpapa-ikot ng mundo ko.Ang babaing mahal na mahal ko.

Mamayang gabi kasi sana,ipagtapat ko na sa kanya ang totoo.Ang matagal ko ng tinatago sa kanya.Tama si Kevin.Habang maaga pa.Kahit kinakabahan ako ng maisip ko yan, pero lalakasan ko ang loob ko.

Kaso,dumating si Lindsay at nasira na ang mga plano ko.Bagkus,nadagdagan pa ito.Bakit kung kailan handa na ako ay may sagabal na dumating pa?

Napabuntong-hininga na lang ako.Basta kung malaman man ni Allison ang lahat,di ko siya bibitawan.Ipaglalaban ko na siya this time.

Ng maisip ko ang mga bagay na iyan ay tumayo na ako.Bakit ba kasi nagmu-mukmok ako rito?

Ng akmang maglalakad na ako papuntang pintuan ay siya namang pagbukas nito.

At doon ay nakita ko sa Allison na namamaga pa ang mga mata niya.God!Parang hinihiwa ang puso ko.Nasaktan ko na naman ba siya.
Gago ka talaga Zach.Oo naman.Kastigo ko sa sarili.

"Z-zach,..." Halos di pa niya mabanggit ang pangalan ko.Nakita ko na lang na pumatak ang luha niya.Agad ko siyang tinakbo at mahigpit na niyakap.

"Alli...baby.I love you so damn much." Sabi ko sa kanya. Alam kong kulang pa ang mga katagang yan para pawiin ang nararamdaman niya ngayon.At kung anuman yun.Ang alam ko,nasasaktan siya ngayon.

"Z-zach...please...wag mo akong iwan ha..." Pakiramdam ko ay nagsusumamo siya ng sabihin niya ang mga bagay na iyan.Na siya namang lalong nagpakirot ng puso ko.

Kumalas ako sa pagkaka-yakap sa kanya at ipinantay ang mga mukha namin. Pinunasan ko muna ang mga luha niya bago ako nagsalita.

"Mahal na mahal kita Allison.At wala akong karapatan na iwanan ka...Wala.Dapat nga ako ang magsasabi sayo niyan eh." Sabi ko sa kanya. Ikinulong ko pa ang mukha niya sa mga palad ko at tinitigan siya sa mga mata.

"I love you Zach." Sagot niya sa sinabi ko.At siya na ang kusang humalik sa akin. "Promise me na di mo ako iiwan ha." Saad niya ng kumalas siya sa paghalik sa mga labi ko.

"Wag mong isipin na iiwan kita Allison.Dahil kapag narinig ko yan sa mga labi mo, para akong tinatamaan ng kidlat Dahil pakiramdam ko,pag ginawa ko yan, pareho lamang na pinatay ko ang sarili ko.Allison,ikaw ang lahat sa akin.Ikaw ang hangin na nagsu-supply sa bawat paghinga ko.Kaya aasahan mong di tayo maghihiwalay dahil karugtong ka na ng pagkatao ko." Emosyonal na sagot ko sa kanya. Nakaka-bakla di ba? Pero umiibig lang ako.Kaya kahit kabaduyan man yan,the hell I care.

Muling naglapat ang mga labi namin. At this time ay ako naman ang unang humalik sa kanya.

Pero di rin nagtagal dahil kumalas din siya at saka parang may naisip.

"Paano si Lindsay?" Tanong niya.

"Anong paano?Walang kami baby." Sagot ko.Kahit pa na kinakabahan ako kasi naisip ko na naman ang anak daw namin. Hindi ko muna ito sasabihin kay Allison hanggat di pa ako sigurado sa batang iyon.Kailangan ko munang ipa-DNA yun bago gumawa ng hakbang.Oo,masama na itanggi ang bata pero parang may mali eh Di ba dapat excited ako?Pero di ko mahanap.

His Way of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon