Miesha's POV
Hindi ko mapigilan ang makonsensiya sa tuwing makikita ko silang nagkakasakitan.Alam ko naman na nagmamahalan pa rin sila hanggang ngayon.
Kung may magagawa lang sana ako para magkaayos na sila,sana ginawa ko na. Pero alam kong kahit gagawin ko ang gusto kong gawin, di ko na magawa.She hated me.At naiintindihan ko siya. Sino ba naman ang di magagalit sa nasaksihan niya sa amin ni Zach?
Kung alam lang sana nila na mayroong malapit na malapit na tao sa kanila ang gusto silang sirain,sana hindi nagkaganito.Napapailing na lang ako kapag naisip ko ang taong yun. Kapag naisip ko na pati ako ay ginamit pa niya.Ang mga gabing iyon na pinagsisisihan ko ng lubusan.Ang gabing iyon na winasak ko ang buhay nila.
Kaya ginusto ko na dito tumira dahil mas mapadali sana ang pag-aayos ko sa kanila. Pero paano?Natatakot ako sa magiging reaksiyon nila. Natatakot ako na baka di nila ako mapapatawad.
Nakatulala ako habang malayo ang tingin ngunit may napansin akong nakatayo sa likuran ko.Nasa sala kasi ako nakaupo.
Paglingon ko,isang mabagsik na tingin ang ibinigay niya sa akin.I know na sa tuwing magku-krus ang landas namin, gusto niya akong saktan. Gusto niyang iparamdam ang sakit na ipinadarama ko sa kanya noon.
"Allison." Mahinang banggit ko sa pangalan niya.Nakita ko pa ang pag-smirk niya habang humahakbang siya papunta sa akin.
Kinakabahan ako.Alam kong may gagawin siya sa akin.Pero nakahanda akong tanggapin kung anuman yun.
*******************
Allison's POVLumabas ako ng kwarto namin ni Zachary. Hindi ko alam kasi kung saan na siya.
Si mommy niya ay nakauwi na rin sa Cebu.Pinilit ko kasi yun na wag muna kaming sumama sa kanya. Na bigyan niya muna kami ng time na maaayos ang lahat na dapat ayusin dito.Mabuti naman dahil nakumbinsi ko siya. Na ang totoo, ayoko talagang sumama dun. Ayoko na. Ayoko na ng ganitong sitwasyon namin ni Zach.Pagod na ako.Hands up na ako.
Kaya ako lumabas dahil nagugutom ako.Gusto kong kumain sana.Kaso,alam kung walang may nagluto.Alas 6 na kasi ng gabi.Oras iyan ng aking hapunan.
Ngunit nawala lahat ang gutom ko dahil sa isang tao na nakaupo sa sofa.Malayo ang tingin.Ano na naman kaya ang iniisip nito? Anong plano na naman kaya ang gagawin niya.Na kungsabagay wala na siyang gagawin para mapaghiwalay kami ni Zach dahil dun na rin ang punta namin. Soon,maghihiwalay din kami.
Biglang nanikip ang dibdib ko sa iisiping iyon.Parang mayroong kumurot.Yes,nasasaktan ako.
Habang nakatingin ako sa kanya, unti-unting bumabalik sa isipan ko ang gabing iyon.Ang gabi ng pagtataksil nila sa akin.
Flashback
Birthday party ni Zachary.
Hinanap ko siya kung nasaan.Medyo tipsy na kasi yun nung iniwan ko siya. Nagbanyo muna ako.Uminum kasi sila nina Javier at Kevin.Pero kahit papaano ay nagpaalam naman siya.
"Ah tita Sandy,nakita niyo ho ba si Zach.Kanina ko pa po siya kasi hinahanap eh." Nakangiting tanong ko kay tita. Nasalubong ko siya pababa ng hagdan.Welcome kasi ako rito sa bahay nila. Kilala na ako ng mga parents dahil kung minsan dito rin ako natutulog.Kaya masyado kaming close ni tita. Sabi niya pa,love niya daw ako kasi wala siyang anak na babae.
"Ah oo iha.Lasing na. Kaya dinala na ni Miesha sa kwarto niya." Nakangiting tugon niya rin.
Miesha,si Miesha na naman?Pakialamera talaga ang babaing yun.
"Sige po tita. Aakyatin ko na." Paalam ko.At mabilis na pumanhik ng hagdan.
Habang palapit ako ng palapit sa kwarto ni Zach ay mabilis din ang tibok ng puso ko.Kinakabahan ako sa di maipapaliwanag na dahilan.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob.At ng lumaki na ang awang nito ay bumalagta sa paningin ko si Zach at Miesha.Pareho silang nakahubad at magkayakap pa na nakahiga sa kama.
Bigla akong natulos sa kinatatayuan ko.Namanhid yata ang katawan ko.Namanhid ba o nanginginig?Di ko maintindihan.
Parehong mahihimbing ang tulog nila. Namalayan ko na lang na sunud-sunod na pumapatak ang mga luha ko.Ang sakit.Para akong sinasaksak ng punyal.Hindi ako tanga para di ko maintindihan ang nangyari.
Damn them!
Agad akong tumakbo pababa at nagtuluy-tuloy sa garden na kung saan naroon ang party.
Pagkarating ko dun, kumuha ako ng alak at itinungga iyon ng sunud-sunod.Bahala na kung malasing ako.Gusto kong malimutan ang nakita ko.Tiniis ko ang lasa ng iniinum ko kasi di naman ako sanay.Mas mapait pa ang naramdaman ko ngayon kesa inumin na ito. Gusto kong magpakalunod.
Tuluy-tuloy pa rin ang pagluha ko.Wala na akong pakialam kung may mga nakatingin man sa akin.Bakit,mawawala ba ang sakit na ito kapag pinansin ko sila? Damn!Hindi.
"Hi miss.Lasing ka na oh." Sabi nung lalaki na tumabi sa akin dito sa table.Sinulyapan ko lang siya at kumuha ulit ng alak.Nilagok ko ulit yun. Lasing na ba ako?Hindi pa no?Kakainum ko nga lang eh.Pero nararamdaman ko na nga na umi-epekto na sa akin ang inumin na ito. Pero ito naman ang gusto ko di ba?
Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ko pa umuwi.Gusto ko munang magpakalasing.Sunud-sunod lang na lagok ang ginawa ko hanggang sa malasing ako.
"Tama na yan miss.Lasing na lasing ka na oh.Ano ba ang problema mo?" Tanong niya.
"Ano ba ang pakialam mo?" Singhal ko rito. Di ko nga ito matandaan kung saan ko siya nakita.
"Kanina ka pa kasi umiiyak eh." Sagot niya.
"Alam mo, kayong mga lalaki,mga manloloko kayo.Mga manlolo—" Di ko na naituloy dahil nasulyapan ko si Zach na papalapit sa amin.Kaya agad akong may naisip.Lintik lang ang walang ganti.
"Alam mo bang yung boyfriend ko na si Zachary Genson,di ko naman totoong mahal yun. Niloloko ko lang yun." Nakangising sabi ko.Sa mga sinasabi ko ay nasasaktan din ako. Nakita ko pa ang ekspresyon ng lalaking ito na nagulat sa sinabi ko.Wala naman siyang alam eh.
"At yung gago naman,naniwala din na mahal ko syà.Galing ko no?" Kumapit pa ako sa braso niya. "Tara,uwi na tayo.Hatid mo ako." Nilambingan ko pa ang boses ko.Sinigurado kong marinig lahat ni Zach yun. Napansin ko na lang na agad siyang tamalikod.Napangiti ako.Di pwedeng ako lang ang masaktan Zach.
Tinalikuran ko agad ang lalaking ito na naguguluhan yata sa mga sinabi ko.End of flashback
"Allison." Narinig ko ang mahinang pagtawag niya sa pangalan ko.Umusbong ang galit ko sa babaing ito ng maalala ko ang mga iyon.Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sapakin.Gusto ko siyang ingudngod.Naiisip ko kasi na hanggang ngayon ay nasa buhay pa rin namin siya ni Zach.
Mabilis ang mga hakbang ko na pumunta sa gawi niya.Ngayon ko gustong ibuhos ang galit ko sa kanya.
Tumayo siya.Nang magkaharap na kami.Isang malakas na sampal ang ginawa ko sa kanya.
"Taksil!" Sigaw ko.
"Traidor!" At isang sampal pa sa kaliwa naman ng pisngi niya ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
RomanceTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...