Chapter 31

94.7K 1.3K 92
                                    

Allison's POV

Dahil ayaw ni Jasmine na magmukmok ako sa apartment niya niyaya niya akong gumala daw muna sa mall.Pero iniwanan niya ako saglit dahil may bibilhin daw siya muna. Kaya di ko alam na napapunta na pala ako dito sa tindahan ng mga gamit ng mga baby.

Bumuntong hininga ako.Ang sarap lang siguro kapag may baby.Kaso parang di matutupad yan dahil maghihiwalay din kami ni Zach.

Agad akong nalungkot sa iisiping yun.

"Aray!" Anang nasa likod ko.Di ko namalayan na napapaurong pala ako at nakabangga.Nilingon ko ang binangga ko.

"I'm sorry mi—Patricia?!" Nagulat ako ng mamukhaan kung sino.

"A-allison?" Nakangiting pagkukumpirma niya.

Si Patricia ay pinsan ko.Magpinsan ang dad niya at ang mom ko.Kaya medyo di kami close kasi bibihira lang talaga kaming magkita.Kagaya ngayon.

"How are you?" Pilit akong ngumiti sa kanya. Di kasi talaga kami nag-uusap dati. Kaya di kami close.Ang tagal na ng panahon bago kami nag kita ulit.

"I'm fine.Heto masaya na." Sabi nito sa akin at hinimas ang impis pang tiyan nito. Pinasadahan ko ang tiyan niya ng tingin.

"Buntis ka?" Gulat na tanong ko.Akala ko kasi naghiwalay sila ng nabalitaang kong asawa niya na si Stuart.Oo, nabalitaan ko dati yun.Nabalitaan ko rin kung anong hirap ang dinanas niya sa piling ng asawa niya.Nabalitaan ko rin na nagpakatanga siya rito.

Natatawa ako.Kasi pareho kaming nagpakatanga sa pag-ibig.

"Hi.Let's go." Yaya sa kanya ng kakarating lang na lalaki.Hinapit pa siya nito sa baywang.Ito siguro si Stuart.

"Stuart, meet my cousin, Allison. Alli,this is my husband,Stuart." Pagpapakilala niya.

"Nice meeting you Allison.Di mo sinabi sa akin na may pinsan ka pa." Baling nito sa asawa.

"Medyo di namin nga matandaan na magpinsan pa pala kami.Ang tagal na nun kasi ng last naming pagkita." Sagot ni Patricia sa kanya. At magiliw na ngumiti ito sa asawa. "Paano Allison,we'll go ahead." Paalam nito at lumisan na. Sinundan ko na lang ng tanaw ang mag-asawa.Naiinggit ako sa kanila. Kasi kahit sa kabila ng pagsubok sa buhay nila ay sila pa rin pala talaga ang magkakatuluyan.Kami kaya ni Zach?Di ko maiwasan na malungkot na tanungin ang sarili ko.

Buntis si Patricia?Magkakababy na sila? Ang pinsan kong model ay buntis na? Maarte din yun, kaya di ko naisip na papayag siyang mabuntis.Mahal nga niya talaga si Stuart.

Samantala ako,heto nasasaktan at di alam kung liligaya pa ba ako kay Zach.Maging kami kaya ulit kagaya nina Patricia?

Biglang pumatak ang mga luha ko sa iisiping iyon.Ang bigat sa pakiramdam.Naiinggit ako sa mga taong lubos na nagmamahalan.

*******************

"Tulala ka diyan?" Puna ni Jasmine sa akin.Nandito na kasi kami sa Coffee Bean.

"Ha?Ah wala." Nagkibit balikat lang ako.Kahit di siya umiimik,alam kong ramdam niya na nasasaktan pa rin ako.At nagpapasalamat ako na narito siya para damayan ako sa sakit na nararamdaman ko.

Si Zachary kaya,kamusta?Di ko maiwasan ang isipin siya.

Lalo akong napabuga ng hangin sa bibig ko dahil hindi niya man lang ako pinigilan at di niya man lang ako hinanap.Well,ano pa ba ang aasahan ko?Baka nga nagdiwang na yun.

Kung naabutan ko siya kaya noon,napigilan ko kaya siya na wag sumama kay Miesha?

Flashback

His Way of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon