Chapter 4

112K 1.7K 59
                                    

Allison's POV

Salamat dahil natapos na rin ang meeting ko.Makapagpahinga na ako nito. Malapit na palang mag-alas dose.I'm gonna eat lunch later na lang.Ang aga ko nakarating dito kanina.Mga alas syete yata yun.Mabuti na lang,may reservation na ako sa hotel na ito. Pinareserve kaagad kahapon ng secretary ko.Kaya kaninang umaga,dito na ako tumuloy,bago ang meeting. Dideretso na sana ako sa room ko ng may tumawag sa akin.

"Allison!" I know,it's him. Kilalang-kilala ko ang boses niya. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at tsaka ngumiti sa kanya.Naglakad naman siyang pasalubong sa akin habang nakangiti.Napakagwapo lang niya.Sino bang babae ang tatanggi sa isang...

"Zachary?" banggit ko sa pangalan niya.

Nang makalapit na siya, nagbeso pa sa akin.Still Zachary pa rin. Kahit ang pabango niya, walang pinagkaiba sa dati.

"So?" nakangiting tanong niya sa akin.Nagkibit-balikat lang ako.Pero, naiilang pa rin ako.

"Let's have lunch first." yaya niya sa akin.

"Sure." sagot ko.At lumabas na kami ng hotel at naghanap ng restaurant.

Nang nasa restaurant na kami,parang walang gustong magsalita.Nagpapakiramdaman lang.Nakapag-order na nga kami eh.

"Why are you here?" sabay pa naming tanong. Kaya sabay din kaming tumawa.

"For business.At isa pa,nakapagtataka ba? Alam mo namang taga-rito ako sa Cebu diba?How about you?" siya ang unang sumagot.And yes,taga Cebu nga pala siya.Di ko na naisip yun.

"Same.For busine---..."

"Yeah,I know." putol niya sa sasabihin ko sana.Alam niya naman pala eh,magtatanong pa.Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw,bakit nandoon ka kanina sa hotel?" tanong ko.

"Ah doon kasi ang meeting place namin eh." sagot niya.Tumango na lang ako.

Nang dumating na ang order namin,tahimik na kaming kumain.Pero ako,heto, ewan. Parang ang awkward lang kasi sa pakiramdam ko eh.Di ko naisip na darating ang panahong ito na makapag-usap kaming dalawa na parang normal lang.Dahil nga siguro sa may kanya-kanya na kaming buhay.Oo, galit ako sa kanya, pero ngayon,di ko na alam. At siya, parang normal lang sa kanya ang lahat.Noong una naming pagkikita muli, alam kong nagulat din siya ng ipakilala kami ni Lindsay sa isa't-isa.Magaling lang siya sigurong umakto na di kami magkakilala dati. Dahil sa ganun nga ang nangyari,nagpanggap na rin ako na di kami magkakilala.

"How's Sandro?I mean kamusta siya bilang boyfriend?" basag niya sa pag-iisip ko habang sumusubo ng pagkain.Bakit niya kaya naitanong yun?

"Ahm,he's sweet,loving,caring at nasa kanya na yata ang lahat.He's almost perfect." napangiti ako.Totoo naman kasi yun eh.

"Kaya ba mahal na mahal mo siya?Tama ba ako? Don't mind,nakikita ko kasi sa inyo." saad niya.So,ibig sabihin pala minamanmanan niya rin kami ni Sandro?

"Oh yes,mahal ko siya.Parang ikaw lang at si Lindsay,di ba? Alam kong nagmamalan kayo ng sobra." habang sinasabi ko yun,di ko alam ang nararamdaman ko.

"Yes.Mahal ko rin siya.Masaya ako sa kanya." nangislap pa ang mga mata niya.Mahal niya talaga ang best friend ko.

"Zach?" tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.

"Hmmm." yan lang ang sagot niya.

"Sana,mahalin mo ng totoo si best ha.H'wag mo siyang paiiyakin o iiwan." diniinan ko pa ang huling salita ko.Siguro naman,makukuha niya na kung anong ibig kong sabihin.Nag-iba naman ang expression ng mukha niya sa sinabi ko.Ngunit bumalik din naman agad sa dati.

"Hinding-hindi ko siya iiwan.I love her so much." siya naman ang tumingin sa mga mata ko.Bawat kataga na lumalabas sa mga labi niya ay may mga pagdidiin.

"Good." yan lang sagot ko at umiwas ako ng tingin.

"Alli?" siya naman ang tumawag sa pangalan ko.Nagulat pa nga ako dahil tinawag niya akong Alli.Tanging siya lang ang tumatawag niyan sa akin.Nagpatuloy siya sa sinasabi niya kahit di pa ako sumagot.

"Alam naman nating masaya na tayo sa ating mga buhay.Can we just forget the pas—" di niya natuloy dahil may tumawag sa kanya.

"Pare Zacharias!"

Tumingin siya dun sa tumawag sa kanya.Nakatalikod kasi ako.Kaya di ko alam kung sino. Pero, kilala ko naman ang may-ari ng boses na yun at yung pagtawag sa pangalan niya. Pagkagulat lang ang reaction ni Zachary.

"Kevin,pare." kumaway lang si Zachary.Sabi na nga eh.Si Kevin Sacramento nga yun. Ang bestfriend niya.Hindi ako lumingon.Parang ayaw kong makita siya kahit nami-miss ko rin.

"Takte pare.May bago ka na namang chikababe?" tumawa siya.Ganyan si Kevin,walang pinipiling lugar.Basta masabi niya lang ang nasa isip.

"Ulol!" sagot naman ni Zachary.Kaya bago pa sila magkainitan,humarap na ako kay Kevin.

"Hi Kevs." nakangiting bati ko sa kanya. Parang nagulat naman siya.May ilang seconds din ang nakaraan bago siya nakapagsalita.

"Allison?Ikaw ba talaga yan?" di makapaniwalang tanong niya habang ang mga mata ay palipat-lipat sa amin ni Zachary.At nababasa ko ang iniisip niya ngayon.

"Bakit,sa palagay mo ba kaluluwa ko to?" biro ko.Si Zachary naman ay tahimik lang.

"No,ibig kong sabihin ay...paanong?” napakamot siya sa ulo niyo. "Ano ba dapat ang itatanong ko?"

"Dapat may question mark sa dulo para tanong na yun." biro ko ulit.Kahit na alam ko na ang itatanong niya.Ni hindi man lang tumawa sa joke ko.Ewan ko nga kung joke yun.Knowing Kevin,siya ang tipong may babaeng bunganga.Hindi pinapalampas ang nasa isip.

"Ah,bakit kayo magkasama?At kailan pa kayo nagkaba—"

"Kevin!" saway ni Zachary sa kanya. Kaya ayun,di na niya,naituloy ang itatanong.

"Pare naman eh.Kailan ka pa naglihim sa akin?" maktol niya kay Zachary.Tiningnan naman siya nito ng nakakamatay na tingin.Kaya ayun,tumahimik ulit.

"Sige na nga lang.Oo, bawal na pala ngayon magtanong.Tsk!Para namang di ako naging part ng buhay nila ah." naiirita na niyang wika.

"Can you just leave pare?" si Zachary na nakasimangot na.

"Oo na, aalis naman talaga ako.Palibhasa,di na ako kailangan.Kungbaga sa mga pelikula,tapos na ang role ko.Tss.Diyan na nga kayo.Sige enjoy." akmang tatalikod na siya ng tawagin ko ito.

"Kevs,nice meeting you again.Sorry ha.I know,it's been a long time.Thanks.Pero yung nasa isip mo, alisin mo yun, dahil di totoo yun.At hindi na magkatotoo pa." kumindat ako sa kanya.

"Uhm.Malay natin." at ngumiti siya ng nakakaloko.Tsaka,tuluyan ng umalis.

"So,still Kevin huh?" sabi ko kay Zachary nang lingunin ko ito. Naman kasi,pinalayas niya na kaagad si Kevin.Dahil,ang alam ko,ayaw niya lang ungkatin ang nakaraan.

"Yeah.Walang pinagbago.Kahit yung friendship namin, ganun pa rin.Palagi pa rin yan pumupunta ng office ko doon sa Maynila." mahaba niyang sabi.

"Ah ganun ba? Na-miss ko tuloy ang biru-an namin." joker kasi si Kevin eh.

Ngumiti lang si Zachary sa sinabi ko.

Pagkatapos naming magbayad ng bill,ay inihatid na niya ako sa hotel na tinuluyan ko.

Siguro nga, ngayong nakapag-usap na kami ni Zachary,kailangan ko na talaga ibaon sa limot ang nakaraan.Dahil sigurado akong ganun din siya.

His Way of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon