Chapter 13

83.5K 1.4K 62
                                    

Allison's POV

"Are you ok?" Tanong ni Jasmine habang naglalakad kami papuntang parking na kung saan nakaparada ang sasakyan ko.

Niyaya ko na siyang lumabas kasi di ko na kaya ang nakikita ko.Ang sweet nila. Si Zach,ang tamis pa ng ngiti sa babaeng yun.

Kahit nagtataka si Jasmine kung bakit di namin pinatapos ang pagkain ay sumunod naman siya. Dinahilan ko kasi na biglang sumama ang pakiramdam ko.

"I'm fine Jas. I need to rest lang." Matamlay na sagot ko sa kanya. Kinikinita ko pa kung paano halikan ni Zach yung babaeng yun. Very gentle.Samantala kapag ako ang hinalikan niya ay marahas ito. Gusto ko silang sugurin pareho.Kaso napag-isip-isip ko na ano nga pala ang karapatan ko?

Ang sakit.Doble pala ang sakit nito kaysa mga pinaggagawa niya sa akin.

"Gusto mo, bili muna tayo ng gamot?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Nah.It's ok. Mawawala din to mamaya." Sagot ko.

Sa office na kami dumiretso.

Kahit ang dami kong ginagawa sa office ay naiisip ko pa rin ang eksenang yun. Pumatak ang mga luha ko.Why it's so hurt badly?

*********************

Zachary's POV

Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa restaurant na ito ay nakita ko na sila ni Jasmine.

Damn!Bakit halos lahat ng mga lalaki dito ay na kay Allison nakatingin?Sino ba naman ang di mapapatingin sa kanya?Maganda,sexy at matangkad.Bagay na gustung-gusto ko sa kanya.Wait,did I said that?Nah! Shit!gusto ko na siyang hilahin palabas dito.Nakakainit ng ulo ang mga tingin ng mga lalaki sa asawa ko.

Arghh!Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Hey Zachary.Kanina ka pa tulala diyan." Pukaw ni Melanie sa pag-iisip ko.Nandito pala kami para sa meeting.Nabo-bored na ako sa babaeng to.Halata naman na nagpapa-cute siya sa akin.Anak siya ng isa sa aming investor.

"Oh I'm sorry.Proceeds with your discussion please." Paumanhin ko.Pero bago pa siya magsalita,nawala na naman ang isip ko sa mga discussion niya.Hindi ko nga narinig kung ano mga pinagsasabi niya.Nakatanaw lang ako sa puwesto nina Allison.Nakatungo lang siya. Parang may kinikuwento yata kay Jasmine.Napakunot-noo ako.Kahit nakatungo siya,alam ko namang umiiyak siya. At alam ko rin na ako ang dahilan nun.Ako ang dahilan ng pag-iyak niya?F*ck!Bakit may kirot akong nararamdaman?Hindi puwede to.

Habang nandito ang babaeng yan hindi ako maka-concentrate sa meeting na ito. I really hate this feeling.Damn it!

"Sino ba kasi ang tinitingnan mo diyan?" Tanong ni Melanie.Sinundan rin ng mga mata niya kung saan ako nakatingin.

"Do you know her?" She asked.

"No." Pagsisinungaling ko.Gusto kong sabihin na asawa ko yun. Pero di ko na sinabi dahil wala naman silang alam na may asawa na ako.Tanging si Kevin lang.

"Ah.Maganda siya. Kaya nasa kanya ang mga mata ng kalalakihan dito." Puna niya na lalong nagpainit sa ulo ko.Naikuyom ko ang kamao ko.Pinigilan ko baka masapak ko ang babaeng kaharap ko.Ipinamukha pa sa akin.Hindi puwedeng ako lang ang makakaramdam nito Allison.

"She's not beautiful." Sagot ko.Ngumiti naman siya ng matamis.

"Really?" Inabot pa niya ang mga kamay ko ngunit mabilis ko namang iniwas. Ayoko yung nilalandi ako.

Di pa rin maalis-alis ang tingin ko sa kinaroroonan nina Allison.Ng makita kong unti-unting nabaling ang tingin niya dito sa amin,mabilis kong hinila si Melanie at hinalikan sa labi. Matagal ang ginawa kong halik para makita ni Allison.Oo, sinadya ko para makaganti naman ako.

Pero bullshit talaga.Bakit parang di ko kaya to?Nako-konsensiya ba ako?

Hindi nakaimik si Melanie sa ginawa ko.Nanlaki lang ang mga mata niya.Pero sumilay naman ang mga ngiti sa labi niya.

Napansin kong mabilis na tumayo si Allison at mabilis na lumabas.Kasunod si Jasmine.Damn! Gusto kong pagsisihan ang ginawa ko.Gusto ko siyang habulin at magpaliwanag.

"What was that for?" Tanong ni Melanie.

"Nothing." Emotionless na sagot ko.

"What?Nothing?" Nanlaki ang mga mata niya.

"You heard it right?"

"So,why did you do that?" Tumaas ang boses niya.

"Dahil ginamit lang kita. That woman is my wife." Prangkang sagot ko habang tinuturo sina Allison na papalabas.Umiba ang expression ng mukha niya.

"W-what?Do you have wife?" Nauutal niyang sagot.Parang di makapaniwala.

"Yes." Sagot ko.

"Damn you Zachary!Makakarating ito kay daddy.Babawiin ko ang deal namin!" Sigaw niya.

"Then do it.Hindi kayo kawalan sa company namin." Then I smirked at mabilis na iniwan siya.

Gusto kong habulin si Allison.Gusto kong magpaliwanag.

Mabilis akong lumabas sa mall at pumunta ng parking sa pag-aakalang maabutan ko pa sila. Pero wala na pala.

Tinangka kong tawagan siya pero di ko naituloy ng maisip-isip ko kung ano naman ang idadahilan ko kapag nagtanong siya.

This is bullshit!

Mabilis kong pinaharorot ang kotse.Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Sa huli,sa office din ako tumuloy.

Kahit di ko man aminin, pero mahal ko pa rin siya.And I hated myself for being such a stupid man.

Kahit sobrang sakit ang ginawa niya sa akin dati pero, di pa rin mamatay matay ang nararamdaman ko sa kanya.Paghihiganti lang ang gusto ko.Pero, ganito din pala ang kalalabasan.Ang mahalin pa rin siya sa kabila ng lahat.

F*ck!

Hindi maari to.Nilugmok niya ako nun habang siya ay nagpapakasaya.Kaya mararanasan niya rin ang naranasan ko nun.Lintik lang ang walang ganti Allison Sandoval.

His Way of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon