Chapter 12

90K 1.4K 22
                                    

Allison's POV

One month na ang nakaraan.Natapos na rin ang leave ko.

Nandito na ako ngayon sa office.Salamat naman dahil di na ako ma-bo-bored sa bahay.

Hingang malalim lang ang ginawa ko.

Sa loob ng isang buwan,ganun pa rin ang pangyayari sa amin ni Zachary.Yung marahas, mapusok at puno ng galit na pang-aangkin niya sa akin.Dagdagan pa ng pasigaw niyang kausap sa akin.Wala kaming naging matino o maayos man lang na usapan sa loob ng isang buwan.Palagi din siyang gabi na kung umuwi at ano pa nga ba, eh di lasing.Parang isang beses o dalawa lang yata ako nakalabas ng condo niya.Masyado siyang mahigpit.At yung pa-ulit-ulit niyang sinusumbat sa akin ay si Sandro.Si Sandro na walang kaalam-alam.Ang lupit ni Zachary.Kahit ba naman dito sa opisina ko,di ako tinatantanan ng mga pinagagawa niya sa akin.

Nasasaktan ako.Nasasaktan ako na wala pa ring pinagbago ang pakikitungo niya sa akin.Sinunod ko na nga ang gusto niyang mangyari.Inasikaso ko siya na parang tunay na asawa,pero siya, alipin,alipin ang turing sa akin.Ang sasakit pa ng mga binabato niyang kataga sa akin.Malandi daw ako.

Bakit ganun ang tingin niya sa akin?Paulit-ulit ko na lang tinatanong ito.

Napahinto ako sa pag-iisip ng may kumatok.

"Come in." Sabi ko. Tiningnan ko kung sino. Si Jasmine pala.Mangungulit na naman to.

"Lunch time na madame.Baka gusto mo kumain.Parang kanina ka pa kasing walang imik."

Tiningnan ko ang wrist watch ko. Almost twelve na pala.Di ko napansin sa kakaisip. "At,di mo pa ako kinikwentuhan ah." Dugtong pa niya.Wala na talaga akong kawala sa babaeng ito. Kaya niyakag ko na lang siya.

"Let's go."

"Wait.Where?" Kunot-noong tanong niya.

"Di ba gusto mong sabihin ko sayo lahat ang nangyayari?" Tanong ko sa kanya. Malungkot akong tumingin sa mga mata niya.Tama. Kailangan ko ng may mapaglabasan ng sama ng loob.

"So,sa labas tayo magla-lunch?" Parang nag-aalangan pa siya. Di na ako nagsalita.Tumayo na lang ako at dinampot ang shoulder bag ko at tumuloy-tuloy ng lumabas.Sumunod naman siya.

Sa mall kami dumiretso.Isang Japanese restaurant ang pinasukan namin.

Ng matapos kaming makapag-order,nagsimula na siyang mang-usisa?

"So what happened Allison?Anong problema ba? My God,sa loob ng isang buwan,ang laki na ng pinayat mo." Hinagod niya ang katawan ko ng tingin.Tama siya.Napansin ko nitong mga nakaraang araw na pumayat na nga ako.Lumuwag kasi lahat ng mga damit ko.

"J-jas..." Banggit ko sa pangalan niya. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula sa pagkuwento.

"Ano?Pangalan ko na lang ba ang babanggitin mo Allison?Now tell me,anong problema ba?"

"Jas,di ko kasi alam kung paano ko sisimulan eh." Nahihirapan kasi talaga ako.Inabot niya ang kamay ko.Yun bang parang pinapalakas niya ang loob ko.

"Malaki nga ang problema mo. Nakikita ko sa mga mata mo Allison.Willing naman akong tumulong sayo ah.Basta ba kaya ko.Al, itinuring mo na akong hindi iba sayo. Itinuring mo rin ako na kaibigan.Baka sa ganitong paraan lang,masukli-an ko ang kabaitan mo sa akin.Handa akong makinig at magbigay ng payo sayo. Nandito ako Allison." Gusto ko nang mapaiyak sa sinabi niya.

"Ok. Sasabihin ko sayo ang lahat Jas." Tipid akong ngumiti sa kanya.Pero alam ko na kahit nakangiti ako,masisilayan niya pa rin ang lungkot sa mga mata ko.Dumating na rin ang in-order namin. Kaya kumain muna kami.

His Way of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon