Chapter 11

93.1K 1.4K 44
                                    

Allison's POV

"Uy girl.I missed you.Bakit dalawang araw kang wala?" Si Jasmine yan.Yung secretary ko.Tanong niya agad ng makita ako.Tulad ng sinabi ko,friend ko rin siya.

Hindi ko pinansin ang tanong niya.Sinulyapan ko lang siya at tumuloy-tuloy na sa office ko.

"Ang dami ng nangyari nung wala ka.Alam mo ba yun?" Nakabuntot pala siya sa akin.

"Magle-leave ako ng one month Jas." Sagot ko na lang na ikinagulat niya.

"What?!You're just kidding right?" Gulat niyang tanong.

"Nah, I'm not." Sagot ko.

"Pero bakit? Ano ba ang mga kaganapang di ko alam girl?Naguguluhan ako.Pakiklaro nga.Nung una,si Lindsay,di na nagpakita.Pangalawa,two days kang wala at ngayon may pa-leave-leave ka pang nalalaman.Pangatlo,si Mr.Lim at Mr.Gamboa nawala na lang bigla dito sa kumpanya.At yung pang apat..." Binitin niya ang sasabihin niya at tumingin sa mga mata ko.Si Mr.Lim at Mr.Gamboa ay may mga shares din sa kumpanyang ito. Pero alam ko kung ano ang dahilan ng pagkawala nila.

"Ano yung pang-apat Jas?" Tanong ko habang inaayos ang mga papers na nasa mesa ko.

"Si Sandro nandito kahapon.Lasing na lasing.Gusto ka daw niyang kausapin.Nagmamakaawa siya. Pero ano naman isasagot ko sa kanya eh di ka nga ma-contact.Now tell me girl,may dapat ba akong malaman?Ano ba ang nangyayari?Wala akong alam." Napasuklay pa siya sa buhok niya.Si Sandro,nandito kahapon?Kaya pinatay ko ang mobile ko kasi alam kong di susuko yun. Nanahimik na lang ako.Di ko na pinansin si Jasmine. Maguguluhan lang siya. Tumungo na lang ako.

"Uy,madame Allison,answer me." Niyugyog pa talaga ako.Ganyan siya umasta sa akin kasi kahit kailan di ko siya tinuring na iba. Ayoko rin muna malaman niya ang lahat.

"Tsaka na Jas pagbalik ko.May aayusin lang ako ngayon dito kaya ako narito.Kevin will be the one who manage this company while I'm on leave." Paliwanag ko.Lalo namang kumunot ang noo niya.

"Kevin?Who is he?New character girl?" Tumaas pa ang isang kilay niya.

"My friend." Pagdadahilan ko.

"Friend?Kung makapag-friend ka diyan.Eh lahat naman ng friend mo, kilala ko eh.At hoy madame,kilala kita no.Di mo basta-basta ipagkatiwala itong company sa kung sino lang." Nakapamewang pa siya.Tama nga siya. Pero ayoko na ng maraming tanong.

"Please Jas. Next time ko na ipapaliwanag sayo ang lahat,puwede?" Pakiusap ko sa kanya. Nilakihan ko pa siya ng mata.

"Ok, ok!" Nagtaas pa siya ng mga kamay at tumalikod na.

*****************************

Jasmine's POV

Lumabas ako sa office niya na napapailing.Nahihiwagaan na ako sa mga nangyayari.

Break na kaya sila ni Sandro?Pero bakit parang ang bilis naman?

Umupo na ako sa silya ko at nangalumbaba sa mesa habang nag-iisip.May problema talaga si Allison.

Kaso ayaw naman sabihin.Ngayon lang siya ganyan.

Nasa ganyang ayos ako ng may napansin akong lalaki na tuluy-tuloy sa office ni Allison.Feeling nito. Di man lang nagtanong.

Bago pa siya makapasok,mabilis ko siyang hinarang.

"Excuse me sir.Do you have an appointment to miss Sandoval?" Tiningnan ko siya. Muntik na akong mahimatay dahil sa kgwapuhan niya.Hahaha!

"Office ba 'to ni miss Allison?" Tanong niya habang tinuturo ang pintuan.Wala man lang ka-ngiti-ngiti.Di rin sinagot ang tanong ko.Naku, matarayan nga.

His Way of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon