Allison's POV
What would I do without your smart mouth
Drawing me in,and you kicking me out
You got my head spinning,no kidding
I can't pin you down...Kaygandang pakinggan ng kantang ito na kay Zach mismo nagmula ang boses.
Siya kasi ang kumakanta,gamit ang kanyang gitara.Magaling naman talaga siya mag-gitara eh.Parang damang-dama niya bawat kataga. Yun bang tinatawag nilang may hugot.
Narito kami ngayon ni Zach sa kanyang gym's room.Nagulat na lang ako kanina na hinila niya ako pagdating ko.
Nauna pa siya kasing dumating sa akin.
Talagang inayos at pinaghandaan niya ang room na ito.
Parang dinner date na tanging mga kandila lang ang nagbibigay ng liwanag.Nakakataba ng puso na ang taong mahal mo ay gumagawa talaga ng effort para mapasaya ka lang.
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy,don't know what hit me,but I'll be alrightTumingin siya sa kinaroroonan ko at kumindat.Kahit sa ganung ginawa lang ni Zach ay kinilig na ako.Ang saya niyang tingnan.
Nakaupo ako sa lapag na mayroong mini table.May kaunting pagkain din.Siguro dinner.Parang Korean style ang ayos na ito.Kungsabagay,half Korean naman talaga si Zach.Siya kasi ay medyo malayo ng kaunti sa akin.Siguro mga seven steps.Nakaupo din siya sa silya na hawak ang gitara.Malawak naman kasi ang room na ito. At di ko alam kung paano niya ito inayos kanina.
My head's underwater
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mindPagpapatuloy niya habang tumitingin sa akin ng walang kakurap-kurap.
'Cause all of me
Loves all of you...Sa mga katagang iyon ay biglang tumulo ang mga luha ko sa di malamang dahilan.Siguro,sa saya.
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections...Lalong tumulo ang mga luha ko.Pagtingin ko kay Zach at ng magtama ang mga mata namin ay nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya. Kahit pa tumulo ang mga luha niya,pero di ko nakikita ang kalungkutan sa kanya. Bagkus,kasiyahan ang nakikita ko.Pwede pala yun no?Yung umiiyak na hindi nasasaktan.Sa halip ay nasisiyahan.Tears of joy nga sabi nila.
Give your all to me
I'll give my all to youSinenyasan niya ako na lumapit sa kanya. Kaya tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan niya.
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning...
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
RomanceTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...